Hinaplos niya ang magkabilang braso ng dalaga, mainit at makinis ang mga ito. Itinuloy ni Greg ang paghawak paibaba sa kaniyang mga kamay. Hinawakang marahan ang napakaliit nitong bewang. Itinaas niya ang paghawak at salat na salat niya ang kurba ng katawan niya. Isinunod niyang haplusin ang dibdib ng babae.
Narinig niya ang hikbi ng kaharap.
"Natatakot ka ba miss? " maagap na tanong ni Greg.Hinaplos niya ang mga mata ng babae at basa ang mga ito. Hindi niya pinansin ito at inihiga ni Greg ang babae sa kama. Naramdaman niya ang malalim na paghinga ng babae.
"Ganito isipin mo na lang bagong kasal tayo at ito ang unang gabi natin.. " malambing na binanggit ito ni Greg.
Inilapat niya muli ang labi niya sa malambot na labi ng babae.
"napakasexy mo..." sambit ni Greg.
Dali daling hinubad ni Greg ang T shirt nito at ang pantalon.
Napakadilim ng paligid na lalong nagpapadagdag ng init niya sa katawan. Iginala niya ang kaniyang mga kamay sa maumbok na balakang ng babae hanggang sa bilugan at mahaba niyang binti.
Hinalikan niya muli ang babae sa labi nito, hanggang sa leeg paibaba sa kaniyang dibdib.
Tuluyan ng nag init ang katawan ni Greg at nahumaling sa babaeng nasa ilalim ng kaniyang mga yakap..Gumising si Greg na pawis na pawis kahit pa nakatodo ang aircon niya. Mabilis niyang binuksan ang ilaw niya. Hinihingal siya. Doon lamang niya napagtanto na nananaginip na naman siya. At ang babaeng iyon ang napanaginipan niya.
Umiiling iling siya.
"bakit ba hindi ko makalimutan ang babaeng yon.. " sambit niya.
Lumabas siya sa kwarto niya. Nakita niyang sa veranda ulit natutulog si Maria.
Nilapitan niya ito at nakahukot ang posisyon nito.
"pambihira.. Nilalamig na nga.. Dito pa gusto matulog.. " mahinang sabi niya.
Binuhat niya si Maria hanggang maihiga ito sa sofa. Napaupo si Greg sa tabing upuan.
Huminga siya nang malalim. Minasdan niya si Maria. Mahimbing ang tulog niya. Iginalaw ni Greg ang kanang kamay niya para haplusin ang labi ni Maria.
Titig na titig siya sa napakagandang mukha ni Maria. Nang mailapat ang kamay niya sa labi nito, inilapit ni Greg ang kaniyang mukha sa dalaga. Naaamoy niya ang samyo ng hininga ni Maria. Minasdan ang mga mata niya, ang ilong nito, maging ang bagsak at maitim nitong buhok.
Binalak niyang dampian ng halik ang noo ni Maria. Pero nahinto siya nang nag vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa ng short niya.
Napapikit sa kaba si Greg.
"s-sana hindi niya marinig.. " sa isip niya.
Pero nang imulat niya ang mga mata nito ay sumambulat sa kaniya ang dilat na mga mata ni Maria. Mabilis niyang nailayo ang mukha niya at tinanggal ang kamay niya na nakadampi sa labi niya.
"Dok Greg g-gusto kong ikaw lang lagi kong napapanaginipan.. " sambit ni Maria.
Hindi makapaniwala si Greg sa narinig, sasagutin niya ito nang makitang nakapikit na uli ang mga mata nito.
"nananaginip din siya.. " sambit nito.
"at ako ang napapanaginipan niya... " napangiti si Greg.
Muling nag-vibrate ang cellphone niya. Tiningnan kung sino ang tumatawag. Numero ito ng kaniyang ama.
"who you? " inis niyang sabi.
Tumawag ulit.
"anong problema nito bakit tumatawag sa dis oras ng gabi? " dagdag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...