Kadena 62

43 5 0
                                    

Tatlong oras nang nasa overlooking si Greg, sa dati nitong pinupuntahan at tinatambayan. Pinunasan nito ang nangilid na luha. Mas maigi na rin ang pakiramdam niya ngayon hindi katulad kanina bago siya umalis sa restaurant kung saan iniwanan niya ang babaeng sinasabing siya si Maria.

Huminga siya nang malalim at ibinuga.

"bakit naguguluhan ako ngayon? Sinasabi pa niyang nagka anak kami? Bakit ayaw tanggapin ng puso ko ang mga sinasabi niya?? " mahinahong tanong nito sa sarili.

Naghanap ito ng sigarilyo sa sasakyan pero nabigo siya dahil matagal nang panahon na inihinto niya ang paninigarilyo para lamang sa kagustuhan ni Maria...

"Hindi na pala ako nagsisigarilyo.. Matagal na.." sambit nito.

Naghihintay pa rin si Maria sa pag uwi ni Greg. Nasulyapan siya ni Donya Sonia na nasa ikalawang palapag at nasa terrace. Kanina pa rin niya pinagmamasdan si Maria na nasa mismong gate ng mansyon. Hinihintay ang kaniyang apo sa pag uwi.

"apat na oras na siyang naghihintay diyan pero parang hindi siya napapagod, hindi naiinip" sambit ni Donya Sonia.

Tinawag ng matanda si Delia para utusang puntahan sa gate si Maria.

Walang tigil sa kakatingin si Maria sa cellphone nito, hinihintay kung masasagot na ba ni Greg ang napakarami niyang tawag.

Pati si Delia ay Napapailing sa ginagawang paghihintay nito sa gate.

"Senyorita Maria pwede ba kita samahang maghintay? " masayang tanong ni Delia.
Ngumiti si Maria.

"Nay Delia.. Maria lang po.. "

Hindi na napigilan ni Maria na magsabi ng nararamdaman.

"bakit po kaya hindi pa siya umuuwi? " malungkot na sabi ni Maria.

Hinaplos haplos ni Delia ang likod ni Maria.

"baka may importanteng nilakad si sir Greg.. "
"d-dapat po bang n-nagsasabi siya kung saan siya pupunta?? "may pagdadalawang tanong ni
Maria.

"mag asawa na kayo ni Sir Greg kaya dapat nagsasabi siya sa'yo.. Pero alam mo naman na napakaraming taong binata si Sir baka nalimutan ka lang niyang sabihan.. " payo ni Delia.

Bahagyang tumango si Maria.

Nagdesisyon na si Greg na umuwi. Nakita niya ang cellphone nito na nasa loob ng kotse nang pumasok na siya rito. Maraming missed calls ang ginawa ni Maria sa kaniya. Nakonsensya siya agad kaya't tinawagan niya ito agad.

Nang makontak maagap na sinagot ito ni Maria.

"Greg, mahal n-nasaan ka na? "

Ramdam na ramdam ni Greg ang pag aalala ni Maria sa kaniya.

"pauwi na ako M-ah--Maria.." nasambit ni Greg kay Maria.

Natigil si Maria sa pagsagot dahil parang may hinahanap siya sa sagot ni Greg.

"s-sige.. Hihintayin kita. Hindi ako matutulog hanggat hindi ka pa dumarating mahal.. " sagot ni Maria.

Bumuga ng hinga si Greg.

"m-matulog ka na.. Uuwi naman ako. Maaga ka pa susunduin ni Ate Aileen di ba? -- sabi niya hihiramin ka niya tuwing Martes at Huwebes? " paliwanag ni Greg.

May lungkot na naramdaman si Maria dahil wala ulit ang salitang gusto niyang marinig.

"h-hihintayin kita mahal ko.. " pagpapaalam ni Maria.

Naghintay si Maria na marinig ang hinahanap niyang salita sa isasagot ni Greg pero pinatayan na siya ng tawag ng kausap.

Matagal na napatitig si Maria sa cellphone nito.
Niyaya na siya ni Delia na pumanhik na sa kwarto para roon na maghintay.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon