Kadena 85

37 4 0
                                    

Napakatagal ng yakap ni Maria kay Greg. Hinintay niyang humupa ang panginginig ng kalamnan niya bago kumalas ng yakap sa asawa.

Ngumiti si Greg habang pinunasan ang luha ni Maria sa kaniyang mga pisngi.

"binabati kita mahal ako.. You conquered your fear.. " sambit ni Greg.

Hinaplos ni Maria ang mukha ni Greg.

"patawarin mo ako sa mga ginawa ko sa'yo. Nasaktan kita at iniwan. I'm sorry mahal ko. " pagsusumamo niya.

Titig na titig si Greg sa mukha ni Maria. Sabik na sabik siyang mahalikan ito. Pero pinipigilan niya ang sariling gawin ito dahil alam niyang ang ugat ng trauma niya ay mula sa panggagahasa.

Sa katunayan, mali ang mga ginawa niyang paghalik at pag angkin kay Maria noong hindi pa niya alam ang tunay na nangyari kay Maria. Sigurado siyang matindi ang nagawa niyang takot kay Maria. Maaaring ang mga halik niya ay nagbalik sa masasamang naranasan niya. Lalo na ang ginawa niyang pakikipagtalik rito.

Nagdesisyon siyang hindi na niya gagawin ito hangga't hindi ito mapagtagumpayan ni Maria. Kaya naman, umiwas siya ng tingin, para hindi niya magawa ang gusto ng kaniyang laman.
Inakbayan na lamang niya si Maria at inihiga sa kaniyang bisig.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad.. Ako ang puno't dulo ng lahat. Kung hindi ako nagmadaling harapin mo ang takot sa baril hindi mangyayari yon sa'yo."

Naghawak sila ng kamay.

"mahal ko.. Nandito ka na. Yon ang pinakamahalaga. " malambing na pagtatapat ni Greg.

Napatulala na si Maria sa mukha ng asawa dahil hindi makapaniwala sa mga binitawang salita nito.

"a-ano ba ang dapat kung gawin para maging karapat dapat ako sa pagmamamahal mong yan?" nasambit ni Maria.

Nagtama muli ang kanilang mga tingin. Ngumiti si Greg.

"yong nandito ka.. Sapat na yon mahal ko. Wala na akong iibiging iba. Ikaw lang.." makahulugang sabi nito.

Humigpit ang hawak nila sa isa't isa.
Nagwika si Maria sa sarili habang nakatitig lamang sa mga mata ni Greg.

"sana matapos ko na ang therapy ko.. Para maging malaya na ako sa nakaraan para magawa kong maibigay nang buong buo ang sarili ko sa'yo Greg.. "

Ngumisi nang may halong kilig si Greg.

"don't give me that look Maria.. Pigil na pigil na ako sa sarili ko.. " nasambit niya.

Napakunot noo si Maria.
"anong pigil na pigil?? " inosenteng tanong niya.
"wala.. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag antukin. Sa tingin ko kulang pa ang tulog ko. " pag iiba ng dahilan nito.

Maagap na minasahe ni Maria ang hawak na kamay ni Greg.

"kung ganon mamasahiin ko na lang ang mga to para makatulog ka at mawala na yong sakit na nandiyan sa puso mo dahil sa nangyari kagabi.. " sa wakas ay nagawang buksan ni Maria ang usapang ito tungkol sa nangyari sa kaniya kagabi.

Napahinto si Greg. Wala sa hinagap niya ang pag usapan ito.

Nagpatuloy si Maria sa pagtatanong.

"napakaswerte mo may ina kang gaya ni Mama Lea.. At amang gaya rin ng Daddy Luis mo. Nakakasama at nakakapiling hanggang ngayon.. Alam mo kung bibigyan lang ako ni Allah na may maibalik sa nakaraan ko, iyon ay ang mabuhay pa sana ang aking mga magulang. Araw-araw, yayakapin ko sila, pasasalamatan at aalagaan. Dahil kung wala sila, wala rin ako sa mundong ito. Utang na loob ko sa kanila kung bakit may isang Maria ngayon sa harap mo. At nagpapasalamat ako kay Mama Lea sa pagsilang niya sa'yo dahil kung hindi.. Wala akong Greg na makikilala at makakasama ngayon.. Wala akong Greg na mamahalin.. " makabuluhang hayag ni Maria.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon