Kadena 14

111 10 0
                                    

Kadena_de_Amor
#14thpost

Binati sila ng kanilang Sultan sa napakagandang sayaw na kanilang ipinakita. At dahil sa husay na ipinakita silang mga babaeng mananayaw ay makatatanggap ng regalo mula sa pinuno ng mga sundalo.

Pero hindi nagtungo si Maria para pumila sa bahay ng mga sundalo.

Maraming lalaking badjao ang napahanga niya sa pagsayaw kanina kaya't panay ang pagbati sa kaniya ng mga ito habang binabaybay ang daan pauwi ng kanilang mumunting tahanan.

Sinilip niya ang kaniyang Lolo at Lola na nasa gitna pa ng kasiyahan. Sinalubong siya ni Ramjid na may dala dalang bulaklak.

Tuwang tuwa ang mukha ng kaibigan habang may isinesenyas ito sa kaniya. Napangiti si Maria at sinabing

"ahh talaga bang magaling ako sumayaw kanina? --nagmana yata ako sa Nay ko na napakahusay sumayaw. P-pero Ramjid magkaibigan lang tayo ha? Yong nararamdaman mo sa akin kalimutan mo na kasi hindi ako karapat dapat sa'yo.." seryosong paliwanag niya habang sinesenyas ito sa kaibigan.

Nalungkot ang mukha ni Ramjid. Ipinaliwanag na mag iipon siya ng malaking halaga para sa dowry na ibibigay niya sa kaniyang Lolo't Lola kaya balang araw ikakasal sila ni Maria.

Napaluha si Maria nang maunawaan ang gusto ng kaibigan.

"hindi mo ako naiintindihan Ramjid. W-wala na akong halaga.. Hindi ako mag aasawa. Hanggang pagtanda ko, aalagaan ko lang sila Lolo. "

Nang matapos ni Maria ang ginawa niyang mga senyas ay hindi na umimik si Ramjid.

Pumagitna si Sultan sa usapan ng dalawa.
Sa wikang badjao siya kinausap.

Yumukod ang dalawa nang magsimulang magsalita ito sa kanila.

Nang matapos makapagpaliwanag.

"Mahal na Sultan hindi po ako interesado sa ibibigay nila." tanggi niya.

Pero nagpumilit ang Sultan at nagpaalalang mahalaga ang pagsunod ngayon para mapanatili ang kaligtasan ng tribo.

Kaya't wala siyang nagawa kundi sundin ito. Inihatid siya nbg kanilang Sultan sa loob ng bahay ng mga sundalo.

Mabilis na humalakhak ang pinunong ito.
Yumukod ito sa Sultan. At nabanggit ang salitang badjao na amg salin ay 'salamat'.

Lumabas na amg kanilang Sultan.

"gusto ko lang makilala ang pinakamagandang babaeng badjao.. Pero alam mo masmaganda ka pala nang malapitan." ngiting sabi niya kay Maria.

"h--hindi po yan totoo Sir.. B-baka malabo lang ang mga mata ninyo. " seryosong sabi nito.
Ngumisi ang sundalong ito.

"maupo ka.. Ito yong regalo ko sa'yo. Grabe ang galing mong sumayaw kanina. Nakakapang init sa katawan ng isang lalaki. At nagtagumpay kayong maakit ang mga kalalakihan. " sabi nito na panay titig sa mukha niya.

May inis na naramdaman si Maria sa sinabi nito.

"tradisyunal na sayaw ng badjao ang daling daling. Kultura ito na dapat igalang, hindi binibigyan ng malisyosong kahulugan sir" pagdidiin niya.

Tumawa ito sa kaniya. Nakita niyang lumapit ito sa kaniya. Napa atras siya.

"sabi ko maupo ka Maria.. " makapangyarihan ang utos na iyon.

Napaupo siya. May iniabot sa kaniya ito.

"tanggapin mo yan sa ayaw at sa gusto mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa mga taong naririto" seryoso niyang sabi sa kausap.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon