Kadena 89

43 4 0
                                    

Binuhat ni Greg si Maria para maisakay sa kaniyang bagong biling sports car.

"Saan ma ako dadalhin mahal ko?" tanong ni Maria.

Ngumiti si Greg matapos maiupo ito sa tabi ng driver's seat.

"Sabi ko ilalabas kita.. ilalabas ko ang babaeng pinakamamahal ko. Kaya magrelaks ka lang at maghintay.." sagot ni Greg saka isinara ang pinto ng sasakyan.

Minasdan siya ni Maria mula sa pagsara ng pinto ng sasakyan hanggang sa paglakad nito sa harap ng sasakyan.

Halatang halata sa mga mata ni Maria na patuloy ang pagkasabik sa asawa niya. Maluwang ang ngiti niya nang buksan ni Greg ang pinto ng driver's seat hanggang sa maupo siya.

Pina andar na ni Greg ang sasakyan. Sumulyap siya kay Maria at sinabing..

"Yang titig mo mahal ko.. parang hindi ka makapaniwalang naririto ako ngayon?"

Hinaplos ni Maria ang kanang kamay ni Greg.

"E Kasi pakiramdam ko.. napaka espesyal ko naman yata.." nahihiyang sabi niya.

Pinagdikit ni Greg ang kanilang mga kamay. Hinalikan niya Ito.

"Pwes masanay ka na mahal ko.. dahil espesyal ka talaga sa akin !" masayang sagot ni Greg.

Muling ngumiti si Maria.

"Kung ganon salamat sa mga mababangong bulaklak na ito. Sa mga tsokolateng napakarami."

"Hindi mo kailangang sabihin Yan.. gusto ko ngang sabihin sa lahat ng asawang lalaki na dapat nilang gawin Ito  sa kanilang mga asawa araw-araw para laging maiparamdam nila ang pagiging espesyal ng mga misis sa kanilang buhay.." hayag niya.

"Magastos pag ganon.. para sa akin, sapat na na nariyan sa tabi ko ang mister ko. Kasama ng mga anak ko." sagot naman ni Maria.

"E kaya lang si Greg Fuentebello ang mister mo na handang gawin ang lahat para mapasaya niya ang misis niya.. " pagyayabang niya.

"Pero ikaw na ang buhay ko.. kaya ok lang na wala ng kung ano ano pa. Ikaw lang.." pagtatapat ni Maria.

Kinilig si Greg. Napangiti ito nang sobra.

"Sarap naman pakinggan niyan mahal ko..hindi pa nga ako nagsisimula sa paglabas ko sa'yo, pinakikilig mo na agad ako.." habang hawak pa rin ang mga kamay pa rin ni Maria.

"Wag mo na ako bolahin.. mabuti pa umalis na tayo.." napapailing na sabi ni Maria.

Pinaharurot naman na agad ni Greg ang sasakyan.

Ipinaasikaso agad ni Luis sa kaniyang secretary ang paghahanap ng mahusay na abogado para sa planong pagsasampa ng kaso Laban sa gumahasa kay Lea. Malaki ang tiwala niya sa mga sinasabi ni Greg sa kaniya.

Nasa highway siya pauwi sa mansyon. Nagpreno siya nang makita ang stop light. Sariwa pa sa isip niya ang nangyari ngayong araw sa kanila ni Greg. Napakagaan na ng pakiramdam niya ngayon. Masayang masaya na rin dahil sa apo niya.

"Masayang masaya ako nang dumating sa buhay ko sina Aileen at Greg..pero sobrang napakasaya ko ngayong may apo na ako. Hay ang maliit na Greg na si Jeziah parang gusto ko ng iuwi kanina sa mansyon." sambit niya.

Nakangiti pa rin siya dahil sa pag alala niya sa apo niya kanina. Naririnig pa rin niya ang tawa ni Jeziah. Napahawak siya sa kaniyang bigote dahil sa paglalaro ng apo niya rito.

Tumunog Ang cellphone niya. Sinagot niya agad Ang tawag habang naka-stop light pa.

"Anak napatawag ka? -- if you're going to ask me where I'am now don't be worried because I'm on my way home." maagap niyang sabi sa tawag ni Aileen.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon