Hinintay ni Greg na magising ang lalaking inilabas niya ng kulungan at dinala sa magiging panibagong kulungan niya pansamantala hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.
Iniutos niyang patulugin ito para madaling maipuslit sa kulungan. Tiningnan niya ang oras sa relo, alas otso na ng gabi. Tumawag siya kay Maria para sabihing wag na siyang hintayin para sabay sila matulog dahil pagkatapos nito ay dadaan naman siya sa bahay kung saan nasaan si Mitch.Sinagot agad ni Maria ang tawag niya na naghihintay sa veranda.
"nasaan ka na? -- sabi mo makakauwi ka na ng alas sais.. Nag aalala na ako sa'yo mahal. Dumating na rin si Grandma at sinabing hindi ka naman nagpunta sa opisina niya.." hayag agad ni Maria.
Matagal na napangiti si Greg sa narinig. Ngayon lamang niya nalaman na masarap pala sa pakiramdam ang may nag aalala sa kaniya lalo pa at ang nag aalala ay ang pinakamamahal niyang babae.
"nandiyan ka pa ba mahal? " pag uulit ni Maria.
Saka sumagot na si Greg.
"ang sarap naman talaga pakinggan ng pag aalala ng asawa ko.. " sambit ni Greg.
"tumigil ka nga, nag aalala na nga ako sa'yo nakukuha mo pang magbiro.. " inis na sabi ni Maria.
"ok lang ako mahal.. Gagabihin na ako ng uwi kaya wag mo na ako hintayin.. Matulog ka na nang maaga para sa therapy mo kay ate Aileen" paliwanag niya.
Marahang tumango si Maria dahil nadismaya. Hindi na siya sanay na wala si Greg sa tabi niya sa pagtulog.
"mag iingat ka please.. " sagot ni Maria.
"opo, mahal kong misis.. " ngiting sabi ni Greg.
Nakita ni Greg na dumating na ang sasakyan ng kaniyang mga tauhan na bumili ng kanilang makakain hanggang bukas. Kaya nagpaalam na siya kay Maria.
"sige na mahal ko.. I love you.. " malambing niyang pagpapaalam.
Pinatay na ni Greg ang cellphone.
Sasagot pa lamang si Maria ay nakita niyang wala na sa linya si Greg.
"mahal na mahal na kita Greg.. " sambit niya sa sarili.
Inilagak na ng mga tauhan ni Greg ang kanilang mga binili sa malaking mesa sa kusina.
"boss matagal din pala yong epekto ng pampatulog na yan.. Magdadalawang oras na kami nasa labas pero hindi pa rin gising.. " hayag ng pinakalider ng grupo nila.
"gigising din yan.. " sagot ni Greg habang nakatitig sa nakagapos na bihag nito.
Ang isang tauhan nito ay sinampal sampal ang lalaki.
"oy gising na!! " sigaw nito.
Napailing si Greg at nagtawanan ang walong kasamahan nito.
Mga ilang segundo nga ay nagmulat na ng mata ang lalaki.
Nanlaki ang mga mata niya nang makilala si Greg na nasa harap niya ngayon. Nagpumiglas nang makitang nakagapos ang mga kamay at paa niya sa isang bakal na upuan. Minasdan din nito ang paligid, saka naunawaan na niloko lang siya ni Greg.
"bakit ako nandito?! Ang sabi mo palalayain mo ako?! " tanong niya kay Greg.
Tumango ang kaharap.
"e gago ka naman pala kausap.. Palalayain lang kita kapag kumanta ka na ng lahat lahat ng nalalaman mo kay Lea. Magpasalamat ka na lang na inilabas kita sa kulungan at hindi ka na haharap sa mas malaking kaso. " mayabang na paliwanag ni Greg.
Napahinga sa pagpupumilit sa pagkalas ng mga tali ang lalaki.
"Tinanggal mo nga ako roon pero nakakulong pa rin ako rito.. Sino bang ginagago mo ha?! " matapang na reklamo nito.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...