Kadena 111

38 2 0
                                    

Malayo pa lamang si Joel sa pampang ay mayroon nang mga badjao na nakakilala sa kaniya lalo na ang mga bata at kabataan na kaniyang tinuruan. Kusang lumapit ang mga ito para siya ay batiin at yakapin. Pati ang mga magulang ng mga badjao na nakatira sa tabi ng dagat ay ikinatuwa ang pagbalik niya sa isla.

Wala ng ibang narinig na salita ang nga naroon kundi 'si gurong Joel dumating!'. Bakas ang masayang reaksyon ng mga naroon sa pagsambit ng mga ito. Ang ilan ay nagtawag pa at sinabing may magtuturo na ulit sa kanila.

Kahit iniinda pa ni Joel ang opera nito sa braso ay benalewala niya ito dahil sa masaya at mainit na pagtanggap ng mga taga-isla sa kaniya.

Ikinatuwa ito ni Carlito. Ang ganitong pagtanggap sa kaniya ay nangangahulugan lamang na nag iwan siya ng kabutihan sa mga ito. Kaya Naman, hindi malayong makumbinsi ni Joel ang mga narito para siya'y magtagumpay sa plano niya.

Sinalubong din siya ng mga magulang at matatandang badjao. Tinulungan nila si Carlito na magbuhat ng mga karton kartong dala nila na nasa Roro pa.

"Salamat po... " masayang tugon ni Joel.

Likas sa mga badjao ang pagiging matulungan, marespeto at maaalalahanin sa kapwa. Mga kaugaliang naipamana sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Ang mga sumalubong sa kanilang mga badjao ang tumulong sa kanila ni Carlito para maiakyat ito sa bundok kung Saan naroon ang mas maraming pamilya pa ng mga badjao.

Napansin ni Joel ang pagmamasid sa kanila ng mga ilang sundalong nakabantay sa paanan ng isla. At may Isang lumapit para sa kanila para mai-check ang mga dala Nila. Ipinakita na lamang ni Joel ang hawak nitong permit na galing sa lokal na pamahalaan at sa baranggay na nakasasakop sa isla. Hindi na Ito pa naghigpit sa inspeksyon nang makita ito.

Dati rati ay mga tauhan ng Sultan sa isla ang mga nasa puwesto ng mga sundalo. Pero nakita Niya ang kapangyarihan ng mga sundalong pumalit sa kanila.

Nagtanong si Samuel kung nasaan ang kanilang Sultan. Isang batas sa kanila na dapat ay mabigyan sila ng mataas na pagpupugay mula sa mga bisitang gaya niya ang dapat na gawin Niya. Sinabi niyang may nakahanda siyang alay para rito. Pero laking pagtataka niya nang sahihin ng Isang batang naging mag aaral niya noon na matagal ng nawawala ito. At ang anak niyang panganay ang humalili sa kaniya.

"Si Jehu ang humalili? Sandali lang..naging mag aaral ko Siya hindi ba? Labing apat na taong gulang pa lamang siya nang iwan ko ang isla..?" laking gulat niya.

Pero wala naman silang magagawa dahil nasa tradisyon na ng mga badjao na ang kasunod na tagapamuno sa kanila ay ang panganay na lalaking anak ng Sultan.

Isinunod niyang itinanong kung bakit nawawala ang Sultan pero nahalata niyang nakatikom ang kanilang mga bibig.

"Mukha talagang may mali rito..." sa isip ni Joel.

Nagpatuloy na lamang sila sa paglakad bago pa sila abutan ng dilim sa masukal na bundok.

Mabuti na lamang at naitayo na ni Greg ang tower sa isla kaya may lalapagan ang kaniyang biniling helicopters. Hinihintay na rin niya ang mas mabilis na aksyon para sa kuryente at internet sa lugar. Iniisip niya ang laging biro sa kaniya ng kaibigang si Samuel na "anak Siya ng swerte".. sa loob loob Niya ay may katotohanan din ito dahil kung hindi Siya naging Isang Fuentebello ay imposibleng magawa Niya ang mga nais niyang gawin.

Kaya naman ngayon lamang napag isip isip ni Greg na tama ang mga ginawang kondisyon ng Lolo niya na tumulong sa mga mahihirap.

"Now I know your purpose grandpa.. you wanted me to learn in this life I have for this damn and unfair world. Siguro pinagtagpo rin kami ni Maria ng Diyos para lalo kong maunawaan ang Lahat. We're in different world, platforms and beliefs pero... naniniwala akong pinag iisa kami ng pag ibig. The same thing on this earth.. Love can bind people.." pangaral niya sa sarili habang tanaw ang kabuuan ng napakalawak na dagat at hinahangin ang manipis nitong puting shirt at black short dahil napakataas ng tinutuntungan niyang tower.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon