Kadena 15

114 10 0
                                    

Dalawang sundalo ang nanggaling sa kanilang bahay na nagdala ng isang sakong bigas.

Hinabol niya ito at sinabing

"pakikuha ulit ang ibinigay ninyong bigas. Hindi kami makaing tao sa bigas." habol niya.

Humarap ang isa sa kaniya.

"utos yan ng pinakamataas, kaya, walang dahilan para ibalik yan." pagdidiin niya saka siya tinalikuran.

Sa di kalayuan, nakita siya ni Lionel.

Maya maya lang dumating si Ramjid na may dalang isang piling ng saging at isang hinog na papaya.

Tinanggap ito ni Maria. Tuwang tuwang ikinukuwento ni Ramjid ang pagkuha niya sa saging at ginawang pagpapahinog nito.

"salamat dito Ramjid.. Mabuti ka pa hindi ka nagbabago ng turing sa akin. " sabi niya.

Sumenyas si Ramjid na ang ibig sabihin ay 'syempre mahal kita'...

Napayakap si Maria sa kaniya.

"salamat.. Maraming maraming salamat." sambit niya.

Ikinuyom ni Lionel ang kamao niya nang makita ito.

Lumapit ang isang sundalong galing sa bahay nila Maria.

"Sir mukhang naunahan ka na nong piping yon na walang ibang ginawa kundi sumunod kay Maria.. " sabi nito.

"wag kang mag alala. Ginawa ko na ang dapat.. Pero yang lalaking yan, naiinis ako." bulong niya.

Nagulat naman si Greg nang makita sa dine in table ang lahat ng paborito niyang ulam. Natakam siya kaya't dali dali siyang napaupo at tinikman amg mga ito.

"wow ang sarap naman nito manang yolly.." kausap ang katulong na nagdadala ng makakain pa sa mesa.

"naku sir Greg.. Si ma'am Lea po ang nagluto ng lahat ng iyan." tuwang sabi nito.

Muntik na maisuka ni Greg ang huling natikman niya nang marinig ito.
"shit.. " mahinang sabi nito.

Dumating ang kaniyang ama at sinabing..
"Greg mabuti naman nagustuhan mo ang gawa ng Tita Lea mo.. Ako ang nagsabi ng mga paborito mong ulam kaya hayan ipinagluto ka niya. Para tuloy fiesta. " tuwang sabi ni Luis at naupo.

Kunwaring tumango si Greg..

"ahh yah Dad.. Masarap p-pero konti pang practice I think." sabi niya.

Umupo na rin si Aileen.

"at kasama ako sa namalengke kanina.. Kaya may ambag ako dyan. Di ba Tita Lea? " tuwang sabi ni Aileen.

Sinagot naman ni Lea ang tanong ni Aileen na parating galing sa kitchen na halatang katatapos lang magluto dahil nakasuot pa ito ng apron at hairnet.

"oo nga e.. Magaling na nga itong si Aileen na mamili ng gulay at sariwang karne.. ---Ano Greg?- nagustuhan mo ba? --masarap ba ang luto ko? " bumaling ang tingin nito kay Greg na katapat lamang niya sa mesa.

Parang gustong sumabog ni Greg sa mga naririnig niya.

"hanggang kelan ko ba ito gagawin. This is stupid. " sa isip niya.

Tinapik siya ni Luis.
"your Tita Lea is asking you.. "

Napasagot agad si Greg.
"yah tita.. Medyo maalat lang yong salad."
"salad?! " sabay na sabi ng tatlo dahil sa pagtataka.

"joke lang! ---yong alamang nong kare-kare." maagap nkyang bawi nang makitang wala namang salad sa mesa.

Nagtawanan ang lahat.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon