Kadena 34

74 7 0
                                        

Nang mailapag ni Greg si Maria sa kama niya ay agad na kumuha ng gamot sa medicine kit nito na nasa kaliwang bahagi ng kama niya.

Mabilis namang bumalik si Manang Delia sa kwarto pagkatapos kumuha ng tubig.

Bahagyang binangon siya ni Greg para maipainom ang gamot.

"Maria inumin mo tong gamot na to...para mas mabilis ang paggaling mo.. "

Ibinuka naman ni Maria ang bunganga at ininom ang gamot.

Nanginginig pa rin ang katawan niya.

"Manang Delia napansin nyo kahit marungis siya, maganda pa rin..? " naitanong ni Greg.

Ngumiti si Manang Delia.

"alam ko na po ang ibig nyong sabihin Sir, pupunasan ko na sya at bibihisan" saka nagpunta sa kabilang kwartong tinutulugan nila ni Manang Delia.

Minasdan ni Greg si Maria.

"Bakit naman kasi limang T shirt na patong patong ang suot mo." dahan dahang inalis  ni Greg ang pinaka ibabaw niyang suot na T-shirt.

Marahan niya itong ginawa. Isinunod niyang tanggalin ang ikalawang suot na T shirt.

Umiiling si Greg dahil nagtataka siya kung bakit kailangang magsuot ni Maria nang napakarami.
Tinanggal uli niya ang ikatlo.

"haist ano bang gagawin ko para itigil mo ang pagdamit ng ganito.. " sambit niya saka tinanggal ang ika apat na suot.

"isa pa ang baho baho mo na.. " sa loob loob ni Greg.

Nang itinaas ang huling suot na T shirt ay tumambad sa kaniya ang flat na tiyan at makurbang bewang ni Maria. Bigla niyang naibaba ito nang mapagtantong ito na pala ang huling suot niya.

"ay naku naman muntik na.. " sa isip niya.

Sunod sunod na umubo si Maria.

"oh no Maria.. I'm afraid it's pneumonia..  " nasambit niya.

Binuksan ni Greg ang bintana mg kwarto upang pumasok ang sariwang hangin at lumabas ang virus na mula sa pag ubo ni Maria. Kinuhanan niya ng blood pressure ito at pinakinggan ang tibok ng puso at baga niya gamit ang stethoscope.

Inilawan rin niya ang mga mata ni Maria gamit ang flashlight ng cellphone niya.

"mababa ang BP niya, kaya siguro nahihilo siya. Ok naman ang tibok ng puso niya pero mahina ang hangin sa baga niya.. " sambit niya.

Dumating naman si Manang Delia para punasan at bihisan siya. Lumabas muna ng kwarto si Greg.

Tumambay siya sa Veranda at iniisip kung kailangan ba niyang tawagan si Samuel para ipaalam na nakita na niya si Maria. Pero nangibabaw pa rin ang tampo niya sa kaibigan.

Sumagi sa isip niya ang ang nangyari kaninang natagpuan niya si Maria.

Naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Maria.

"Dok Greg dumating ka.. " ala ala niyang binanggit sa kaniya ni Maria.

Napabulong agad si Greg..

"syempre naman darating ako.. "

Hindi na nga matandaan ni Greg kung paano siya nakauwi mula sa Lanao nang malamang nawawala si Maria.

Sunod niyang naalala ang sabay sabay na sinabi ng tatlong batang lalaking magkakapatid sa palaruan.

"asawa ni Maria! " sabay sabay na bulalas ng mga bata sa kaniya.

Muling napangiti si Greg.

"asawa daw niya ako? " naitanong niya sa sarili.
Mabilis ding narinig niya ang sinabi ng Ale sa kaniya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon