Kadena 121

67 2 0
                                        

Nabalitaan ni Greg ang pagkamatay ni Lionel sa loob ng kulungan Kasama si Dado. Ayon sa imbestigasyon, sinakal muna ni Dado si Lionel bago Niya Ito binaril sa ulo saka nagbaril ng sarili si Dado.

Dali-dali siyang nagpunta sa morgue Kasama sina Erning at Isaac. Panay pigil na luha ang ginawa ni Greg nang datnan Nila ito sa morgue. Pinagmamasdan niya ang humagulgol na Kapatid nitong si Erning. Pabalik balik ang mga sinabi sa kaniya nito nang gabing bago namatay si Lionel.

Makalipas ang trenta minuto ay dumating si Fatima, ang bunso nilang Kapatid. Nagpunta rin si Luis. Tumawag din si Grace kay Greg para kompirmahin ang balitang narinig niya sa radyo sa Sulu.

Lumapit ang Isang pulis sa kaniya na katatapos lamang sa imbestigasyon. Ipinarinig kay Greg ang huling recorded call ng cellphone ni Dado.
Dito bumuhos ang luha ni Greg pagkatapos marinig ito.

"Masama ba a-kong anak??" may pagsisisi siya.

Pag iyak lamang ang itinugon ni Erning at Fatima.

Si Luis ang sumagot.

"Syempre hindi 'nak.. Alam kong naiintindihan niya ang dahilan mo kung bakit hindi mo siya gustong makita." habang hinahagod ang likod ni Greg.

Napasingit din ang pulis sa usapan.

"Sir walang gustong mangyari ng Lahat. Wala pong foul play ayon sa imbestigasyon. Malinaw sa recorded call na nakipagkasundo ang biktima sa suspect na gawin ito sa kaniya kapalit ng Buhay niya. Ayon sa track record ni Dado, anak pala Siya ng mga taong pinagnakawan niya ng yaman at buong pamilya Nito ay pinatay niya. Kaya malamang naghiganti ito kay Lionel. Lumalabas na ito na lamang ang hinihintay ni Dado na gawing bago rin niya kitilin ang sarili nitong Buhay. Mabuti na nga lang at napindot pa ni Sir Lionel ang recorded button sa ginawang tawag." paliwanag ng kaharap na pulis.

"Wala siyang karapatan na patayin ang ama ko.. kahit Anong sama pa niya. " Galit na sambit ni Greg.

Napatungo si Luis dahil alam nito sa sariling siya ang dahilan kung bakit natuloy na patayin ni Dado si Lionel sa loob ng kulungan.

"Ang gusto ko lang ay bigyan siya ng ikalawang pagkakataon. Bigyan niya ng katarungan ang mga nagawan Niya ng kasalanan. Sana nakinig ako sa'yo Tito Erning.. " panghihinayang ni Greg.

Lumapit si Erning sa pamangkin para yakapin siya.

"Kung Anong itinanim, yon ang aanihin. Hindi natin mapipigilan kung ang ganitong klaseng sitwasyon ang inani niya. Ang mahalaga ay nagsisi siya, tinanggap ang mali niya at humingi ng tawad lalo na sa mga taong nagawan niya ng malaking kasalanan. At napatunayan niya sa'yong Mahal ka niya bilang ama niya. " sagot niya.

Nagsalita rin si Fatima.
"Tama si Kuya... Ang mahalaga bago ito nangyari nakompleto Tayo at nagkasama sama. Nakita niya ang mga pamangkin Niya sina Isaac at ang tatlo kong anak. Sa maikling panahong iyon makita kong napakasaya niya. Sinira lang Naman si Kuya Tisoy ng nakaraan, pero ang tunay na Kuya ko ay nakita ko nong mga araw na dinadalaw natin Sya rito. Napakaganda ng mga ngiti niya. Alam kong pinipili na niyang maging mabuhay nang tama. Dahil may mga anak siyang umaasa sa pagbabago niya. Ang sabi nya last chance nya ito para sa pagiging ama niya sa'yo." kuwento ni Fatima.

Lalong nakonsensya si Luis. Marahan siyang tumalikod sa tatlo.

Tahimik lang na ninamnam ni Greg ang mga sinabi ni Fatima.

Napasingit Naman ang pulis.

"Kailangan pa po ba nating ipa-autopsy si sir Macaraeg?"

Humarap muli si Luis sa kanila.
"Greg may kailangan kang malaman..."

"Ano po yon Dad?"

"A-ako ang gumawa ng paraan para makulong si Dado at magawa niya ang gusto Niya. P-pinakiusapan ko si Dado na huwag na itong ituloy pero hindi ko na sya mapigil pa.." pagtatapat niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon