Dahil sa isang araw na paglagi ni Maria sa clinic ni Greg ay nakilala niya pa si Greg bilang mahusay na doktor ng mga bata at matatanda. Natutuwa siyang napagmasdan kung paano pinakikinggan ni Greg ang hangin sa baga ng mga pasyente niya, ang pagkuha ng blood pressure, ang mga simpleng check up sa mata, sa balat, sa lalamunan at kung ano ano pa. Pati ang pagbabasa ng mga resulta ng X-ray at mga laboratory test ay matiyagang ginagawa ni Greg. Pati ang tibok ng puso ng mga supling sa sinapupunan ng mga ina ay kinaaliwan niyang panoorin. Ang pagbibigay ng tamang gamot, maging dosage nito at kung hanggang kailan iinumin ito ay giliw na giliw siyang inobserbahan ang mga ito.
Kaya naman humingi siya ng pabor kay Manang Delia na samahan siya nitong maghatid ng niluto niyang adobong baboy para sa tanghalian ni Greg at Samuel. Napansin kasi niyang hindi na nakakain si Greg ng tanghalian niya kahapon dahil sa dami ng pasyenteng nakapila sa kaniya.
Sa clinic kasalukuyang nag uusap sina Greg at Samuel habang may kaniya kaniyang pasyente na nagpapapirma ng medical certificate.
"bro, paano mo nga pala nahanap si Maria? " tanong ni Samuel.
Kaswal na sinagot siya ni Greg.
"dahil sa litrato ko.."
Napakunot noo si Samuel. Nang makita ni Greg ang reaksyon ng kaibigan ay ipinaliwanag na niya ang tungkol dito.
Ikinuwento niya na dahil sa litrato niyang kinuha ni Manang Delia sa kwarto niya ang dahilan kung bakit niya nakita si Maria.
"at bakit siya may dalang picture mo??? --naku ha kunwari pa yang lukring badjao girl na yon, sigurado akong may nararamdaman yon sa'yo." asar ni Samuel.
"ayan ka na naman sa mga feelings na yan ha? --wala siyang gusto sa akin. Probably She just made me her saviour in life because I helped her and her Lola. Siguro kapag nakikita niya yong picture ko feeling niya nasa tabi lang niya ako.. " paliwanag ni Greg.
Nagpaalam na ang pasyente ni Samuel nang mapirmahan ang medical certificate nito.
Lumapit siya kay Greg.
"mukhang mahirap yata yon.. " sambit niya.
"alin ang mahirap? "
Nagkibit balikat si Samuel.
"she's becoming dependent to you bro! " pagtatapat ni Samuel.
Umalis na rin ang pasyente ni Greg.
"e di maganda! " maagap niyang sabi.
"ha?! " gulat na gulat si Samuel.
Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Greg.
"when I met her in Sulu there was only one person she trusted and that was Dr. Mariano but this person suddenly gone and I observed that she's having difficulties in trusting other people. Kung magiging dependent na siya sa akin, mas madali ko siyang matutulungan to move on, to be stronger and fight for her life. Anyway yon naman talaga ang main purpose ko.." paliwanag ni Greg.
Humugot ng hinga si Samuel nang maintindihan ang kaibigan.
"if that's your purpose, you have to focus on it. To be honest with you, natakot ako kung paano mo siya tratuhin.. It seems so special.. Kaya naisip ko may nararamdaman ka na sa kaniya.." pagtatapat ng kausap.
Ngumiti si Greg.
"Sam.. She really needs help. Nakita mo naman kung paano siya nagwala sa condo ko? Yong mga mata niyang napakaganda---" udlot niyang sabi nang dugtungan ito ni Samuel.
"pero napakalungkot. " sambit ni Samuel.
Tumango si Greg.
"e paano mo siya tutulungan? E yong ginagawa mo.. Kinakatulong mo. " natatawa si Samuel.

BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...