Nakumbinsi ni Aileen si Samuel na kausapin ang kapatid nitong si Maria. Sinabi nitong mas kailangan ni Maria ngayon ng mga taong mapagkakatiwalaan at magmamahal sa kaniya. Lalo na kapag galing Ito sa kaniyang pamilya.
"One of my findings in her case is that she needs to renew her identity as a person, as a woman, as a mother, as one of the badjao tribe and as unique individual in such a special way with the support of everyone that sorrounds her especially her family. Magagawa niya lang yon kapag nandiyan ang mismong pamilya niya. Lalo na sa sitwasyon ninyong matagal kayong nagkawalay." paliwanag ni Aileen.
Sinusundan lamang nila si Carlito habang naglalakad sila sa malawak na palayan para marating ang kamag anakan ng ama niya sa Pangasinan.
Napag isip isip ni Samuel ang mga sinabing Ito ng kasintahan kaya naman nang makarating sila sa bahay na kanilang tinutumbok ay agad niyang tinawagan si Maria.
"Kahit sa cellphone lang kailangan na kitang makausap Maria.. " sa isip niya.
Naringgan ni Maria ang pagtunog ng cellphone niya na nasa bulsa ng pantalon nito. Pero hindi na siya makagalaw pa, sobra ang nararamdaman nitong panghihina. Naninigas din ang mga kamay niya dahil nauubusan na siya ng hangin. Nakatingin lamang siya sa lupa kung saan siya nakahandusay.
Nais niyang abutin ang cellphone niya, nagbabakasakaling si Greg ito. Pero nawalan na siya ng lakas para makakilos. Pakiramdam niya naulit ang sakit, kirot at sobrang pagod na naramdaman niya matapos ang magimbal na nangyaring ito sa buhay niya.
Kahit pa ilang beses na nagri-ring ang cellphone niya ay unti unti ring nawala Ito sa pandinig niya. Nagpatuloy muli ang alaala niya. At sa pagkakataong ito, lahat ng mga sumunod na mga pangyayari ay paspasang dumalaw sa isipan niya.
Mahinang mahina na siya nang mga sandaling iyon. Hindi na niya kaya pang maglakad paakyat ng bundok. Napakasakit ng buong kalamnan niya at lalo ang puwerta at puwet niya. Mahapdi na tila ba may sariwang sugat.
Naaninag pa rin niya ang mga insultong halakhak ng Sultan nila at masamang plano pa nito habang sila'y naglalakad. Maraming beses siyang nadadapa sa daan at humihingi saglit ng pahinga para makabuwelo ng natitira pa niyang lakas kahit paano.
May pagkakataon ding ayaw na siyang maglakad at hayaan na lamang ang sariling maiwan sa daan. Sinisipa siya ng mga kasamahan ng Sultan para tumayo at magpatuloy lumakad.
Pati ang isinagot ng Sultan ay malinaw pa sa tenga niya..
"Alam mo Cortez, nabitin kami kanina.. baka pwedeng ituloy na lang namin ang naumpisahan namin?--- tutal naman Wala ng kalakas-lakas ang babaeng Yan!"
Napailing agad si Maria matapos ang tinuran nito. Lalong nanlumo.
Nakita niyang naglabas ng baril si Cortez para itutok sa kanila.
"Isa lang ang utos ni Boss, ang iuwi siya sa Lola niya. At huwag na huwag ninyong gagalawin si Maria. Pababantayan ko siya sa mga tao namin. Kapag may kilos kayong labag sa utos ni Boss.. sigurado akong papatayin niya kayong lahat.."
Napakatapang ng boses na iyon. At simula noon, Wala na siyang narinig na mga tawang nakakainsulto.
Naalala niyang binuhat na siya ng lalaking utusan ni Lionel at sa narinig niyang tawag sa kaniyang 'Cortez' ay tinandaaan niya ito.
Hanggang sa makarating sa tahanan nila ng Lola niya.
"Pakiusap sa likod tayo magdaan.. a-ayokong maaninag ako ng Lola kong ganito.." sabi ni Maria.
Kinailangan niyang gawin ito upang hindi ito mag alala sa kaniya. Alam niyang may kalabuan na ang mga mata ng Lola niya kaya't kahit papaano ay hindi siya makikita nito Lalo na ang kabuuang inabot niyang paghihirap sa kamay ni Lionel ngayong araw.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...