Manghang mangha si Delia sa mga iniluto ni Greg.
"wow sir Greg napakasarap naman po nito? " nang matikman ang huling niluto niya.
"talaga ba? " ngiting tanong ni Greg.
"anong tawag po rito sir? -- pati po yong dalawa na ginawa ninyo? -- gusto ko po sana matikman yong nasa oven sir. " tuwang tuwang sabi ni Delia.
"Mushroom Risotto ang tawag diyan sa kinakain mo Manang. Buttery risotto with the goodness of mushrooms. This recipe is a great source of protein, powerful antioxidant and even has cancer-fighting properties. " pagyayabang niya.
"ahh mushroom risotto... Eh yong nasa oven sir? "
"teramisu iyon. Sponge fingers soaked in coffee and smeared with a creamy mascarpone mixture. Ganon ang ihahanda ko mismo sa mahal ko. " ngiting paliwanag ni Greg.
"at ito namang kinakain ko Manang ang tawag dito ay pasta con pomodoro e basilico at dapat may kasama itong red wine. Kaya Wag mong kalimutang ilabas ang red wine mamaya. " pagpapaalaala niya.
Napakasaya ni Greg na nagawa niyang perpekto ang mga recipe ng kaniyang ina. Habang tinitingnan ang mga ginawa niya ngayon sa mesa ay sumagi sa isip niya ang kaniyang ina na tinuturuan siya nito at tagatikim naman si Aileen ng palpak niyang luto.
Napangiti si Greg.
Naisalaysay na ni Maria na ang lapis ay unang panulat niyang gamit nang siya ay natutong magsulat at bumasa noong sila'y nasa Maynila pa. Ikinuwento niyang matiyaga ang nanay niyang badjao sa pagtuturo nito. Pero dahil sa sobrang kahirapan, natigil siya sa pagtatrabaho.
Naipaliwanag rin niya na ang larawan ng orasan ay sumisimbolo sa paggawa. Na dapat ay may ginagawang makabuluhan sa bawat oras at araw na lumilipas. Pero nang bumalik siya Sulu, ang oras para sa kaniya ay naging malalagim dahil sa naranasang panggagahasa sa kaniya sa maraming beses. Nabanggit niyang huminto na rin siya sa pagdating ng umaga para maka alpas sa kaniyang pinagdaanan dahil sa tingin niya wala na siyang kapag a pag-asang maka alis sa Sulu. Pero dumating si Dr. Mariano at Si Greg para tulungan sila ng Lolo niya.
Natutuwa si Aileen dahil sa tuloy tuloy na pagkukuwento ni Maria.
"Maria, may tatlong larawan na lang ang natitira.. Handa ka na ba? " sambit ni Aileen.
Tumango si Maria. Ipinakita na ni Aileen ang susunod na larawan.
"babaeng nagdarasal?? " nang makita ni Maria ang larawan.
"oo. Ako hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi nagdarasal.. " pagbabahagi ni Aileen.
Naging malungkot ang mukha ni Maria.
"lagi kami nananalangin kay Allah sa mosque.. Kahit saan kami naroroon. Itinuro ng Naynay ko na dapat bilang isang badjao may mataas na paniniwala at pananampalataya kay Allah. Pero inihinto ko na ang manalangin... " nangilid muli ang luha niya.
"pero bakit? "
Huminga siya nang malalim at sinubukang sagutin..
"s-siguro galit sa akin si Allah at pinarurusahan. May ginawa kasi akong kasalanan sa kaniya nong narito ako sa Maynila at ipagamot si Lolo"
Napakunot noo si Aileen."anong kasalanan yon Maria? " kumbinsi niya.
"matinding kasalanan ate Aileen.. Para maoperahan at maligtas si Lolo. Gayundin, para hindi mapahamak ang pamilya ng kaibigan ko. Pumayag ako sa gusto ni Madam Mimi na maging 'Queen of the Night'. Ipinapusta niya ako sa maraming kliyente nila sa hotel. Noong una hindi ko alam kung anong gagawin sa akin, hanggang sa may lalaking nanalo sa pustahan. Sabi ni Madam Mimi.. Galante ang nakakuha sa akin dahil wala ng lumaban pa nang naglabas ito ng tatlong daang piso. Kaya sabi niya, pagsilbihan ko nang maayos ang lalaking nakabili sa akin ng gabing iyon.. " mahaba niyang salaysay.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...