Kadena 72

33 5 1
                                    

Nagkita sina Luis,  Joel at Christopher sa isa sa mga hotel ng pamilya ni Donya Sonia para maipakita na ang files na kailangan ni Luis.
Naglaan ng isang silid si Luis para sa kanila.

Tuwang tuwa si Luis nang sa wakas ay nakita na nila ang record ng ina ni Rodolfo. Nang makita ang before and after na larawan ni Editha Flores na nasa file ay agad na ipinasa ni Luis ang nakitang larawan sa detective na binabayaran ni Luis. Kompleto rin ang mga detalye na nasa files kaya't nakadagdag din ito sa kinakailangang impormasyon nito.

Nag alok ng malaking halaga si Luis sa kanila dahil sa sobrang kasiyahan nito. Pero tumanggi si Christopher at Joel. Hindi nagpadaig si Luis at gusto niyang mabigyan ng lubos na pasasalamat sa dalawa kaya't Inimbitahan na lamang niya ang mga ito sa isang special dinner.

Tumanggi si Joel pero hindi si Christopher. Naisip niyang magandang pagkakataon ito para sa kaibigang si Carlito kaya't sumang ayon siya rito.

"That would be interesting if you're family will be joined us for dinner. While me and my friends were excited to meet them. I think my idea will make the dinner special, Am I right sir Fuentebello? " sagot ni Boyet.

Ngumiti si Luis.

"Definitely you're right Dr. Christopher! So it means yes. This Sunday, 6pm in Grand Joaquin's Hotel. " masayang tugon ni Luis.

Maluwang na ngumiti rin ang kausap.

"expect us on that day sir" sambit niya.

Napakunot noo na lamang si Joel sa tinuran ni Christopher dahil hindi niya gusto ang ideya ng kasama.

Naka ilang lagok din ng wine sina Greg at ang babaeng kasama niya sa silid.

"so tell me what kind of acceptance you want from me? " tanong ni Greg habang marahang iniikot ang wine sa hawak nitong glass wine.

Nakalatag ang lahat ng pagkaing paborito ng babae sa mesa at hindi niya mapigilang hindi kumain habang umiinom ng wine.

"anong klase bang pagtanggap sa amin ni Jeziah ang tinatanong mo? " paglilinaw niya.

Tumango si Greg.

"Oo.." maikling sagot ni Greg.

Napangisi ang kausap.

"ano ka ba Greg tinatanong pa ba yan? Ang gusto ko dalhin ni Jeziah ang apelyido mo at ako tanggapin mo ng buong puso bilang Ina niya. Dinala ko siya sa loob ng siyam na buwan sa sinapupunan ko. Inalagaan at minahal. Hindi ko ba deserve na maging Fuentebello rin?? " diretsang sagot nito sa kaniya habang ngumunguya ng mga pagkaing nasa plato niya.

Napamaang si Greg sa gusto ng babae.

"gusto mo palang maging mag asawa tayo? At maging isang pamilya? --is that exactly what you want? "

Tumango agad ang kaharap nito sa mesa.
Ngumisi naman si Greg.

"Ikinasal na ako sa babaeng mahal ko. We united a vow in very solemn and secret wedding. Kailangan kong gawin dahil kapag nalaman yon ng mga tagahanga ko magwawala sila. Pero si Jeziah, kapag napatunayang anak ko siya sigurado akong dadalhin niya ang apelyido ko. " mayabang na sagot ni Greg.

Natigil ang babae sa paglagok sa wine.

"sandali.. Sandali... Hindi ba kaya mo ako hinahanap dahil na-inlove ka sa akin sa nangyari sa atin?? Na gusto mong patunayang ako ang gumamot sa sakit na nararamdaman mo noon at nagpaligaya sa'yo. E bakit pa tayo narito? " may inis sa tono ng boses niya.

"Tama ka hinahanap nga kita kasi ganon ang ginawa mo sa akin.. But I want also to be honest with you. I'm already a married man. At hindi ko na kayang ibigay ang hinihiling mo. Pero may offer ako sa'yo. " hayag ni Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon