Kadena 51 "A"

83 4 1
                                        

Pilit na pinaglalabanan ni Maria ang lumukob sa kaniyang kahinaan mula sa patuloy na paghalik ni Greg.

Kailangan niyang kontrolin ang damdamin nitong nararamdaman para sa lalaki at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit siya sumang ayon sa nais ng binata. Kaya't paulit ulit niyang idinikdik sa isip niya na hindi niya maaaring tanggapin ang pag ibig ni Greg dahil hindi siya karapat dapat para rito.

Idiniin niyang masasaktan lang niya si Greg kapag nagpatuloy ito.

Gumising si Maria sa katotohanang 'mali' ang nangyayari ngayon sa kanila ni Greg kaya't pinilit niyang daigin ang kahinaan niya.At nang makahanap ng lakas, itinulak niya si Greg palayo sa kaniya.

Umiyak si Maria. Umiling siyang nagsalita.

"Mali ito Greg... H-hindi pwede.. Wag mo akong mahalin.. " makaawa niya.

Sinapo ni Greg ang kaniyang ulo na halatang naguguluhan kay Maria. Nagkagat labi ito dahil sa inis niya. Saka ibinaling ang tingin kay Maria.

"anlabo nito Maria.. You just answered my kisses how many times.. Anong tawag mo don?" hayag ni Greg.
Sa dagat tumingin si Maria dahil hindi niya kayang tingnan sa mga mata na si Greg.

Nagpatuloy si Greg.
"yon ang nararamdaman ko sa'yo kaya, sigurado ako at hindi mo mababago. Mahal kita. Sana maintindihan mong handa akong gawin lahat para sa'yo kasi mahal kita.. " pagtatapat ni Greg na nangingilid na rin ang mga luha sa mata.

Pinunas ni Maria ang mga luha niya.

"ayokong magsisi ka sa huli.. Kaya nakikiusap ako pigilan mo ang nararamdaman mo sa akin." muli niyang pakiusap.

Umiling muli si Greg.

"I'm sorry but I can't.. Ikaw ang tumigil Maria dahil pinagsisinungalingan mo ang sarili mo. Naramdaman ko ang mga halik mo sa akin at yon ang mahalaga para sa akin ngayon.. Your kiss means you love me too. Yon ang naiintindihan ko Maria. Yon ang naramdaman ko. Yon ang malinaw. " seryosong paliwanag ni Greg.

Hindi makahagap ng kahit anomang dahilan si Maria para pasinungalingan ang sinasabi ni Greg sa kaniya.

Matagal din na hindi nakapagsalita si Greg na nakatingin lamang kay Maria. Hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga.

"Pakakasalan kita dahil mahal kita..." payapa na ang boses ni Greg.

"Ginawa mong komplikado ang lahat. Pakakasalan kita dahil may kontrata tayong pinagkasunduan. " sagot ni Maria habang nakatingin sa kawalan.

"Tama na! -- Basta Mahal Kita tuldok!" pagtatapos ni Greg sa usapan.

Nanahimik si Maria. Huminga siya nang malalim para ipayapa ang isip at puso. Binawi niya ang mga kamay na hawak ni Greg.

Humiga sa buhanginan si Greg at tumingin sa mga bituin.

"sigurado akong ikaw yon! Ang babae sa hotel. I felt the touch of your lips again while we're kissing this time. The kissed that I can't get off in my mind.. Your five minutes kisses were really drives me crazy that night.. " sa isip ni Greg at unti unting bumalik ang alaala niya nang gabing iyon.

Sa madilim na kwartong iyon kung saan hawak ni Greg ang tsekeng nagkakahalaga ng 2.5 million.

"Ibibigay ko sa'yo ang napakaraming perang ito Miss kung hahalikan mo ako sa loob ng limang minuto.. " hayag niya at mabilis na lumapit si Greg sa babae.

Hinaplos niya ang makinis na mukha ng kaharap paibaba ng kaniyang malambot na labi. Nasalat pa ng mga daliring niyang lumampas na sa paghaplos ang panginginig ng labi nito at mainit na singaw ng hinga niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon