Makalipas ang tatlong taon, umusad nang umusad ang Buhay ni Maria Kasama ng dalawa niyang anak. Magpipitong gulang na ang panganay at kasalukuyang nag aaral na sa sa Amerika. Naglalakad at makapagsasalita na ang anak nitong si Elizabeth na ngayon ay nasa tatlong taong gulang na. Kuhang kuha naman nito ang mukha ni Maria.
Marami na ring nagbago sa sarili niya na sa tingin niya ay mas handa na siyang harapin si Greg kung sakaling magkita sila ulit. Kahit ang pamilya ni Greg ay walang nalalaman kung nasaan Siya ngayon. Ipinahanap din Siya ni Donya Sonia nang umuwi ito sa Pilipinas, dalawang taon na ang nakararaan pero mailap ang pagkakataon. Naalala tuloy ni Maria ang sinabi ni Aileen sa kaniya noon..
"Mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpakita.." Parang bago lamang sa pandinig ni Maria ang boses na iyon ni Aileen.
Pumasok ang dalawa niyang anak sa kwarto niya para sunduin siya. Nag-uunahang humalik ito kay Maria. Halos matumba na nga si Maria dahil sa sunod sunod na halik ng dalawa sa kaniya sa kinauupuan niya. Kahit nagulo ng mga anak nito ang buhok niyang kanina pa Niya naipusod ay balewala ito sa kaniya. Binuhat niya si Elizabeth at kinalong sa kanang binti niya. Naupo rin si Jeziah sa kaliwang ninyo niya. Pinupog Niya rin ng halik ang mga ito.
"Both of you are so lovely today!" hayag ni Maria sa dalawa.
"Ju-st li-ke y-you Mama.." sambit ni Elizabeth na pautal pero malinaw na nitong n-asa-sabi ang mga salita.
"Yes definitely.. because you're just like me.. " sabay tingin sa salamin si Maria habang nakangiti rin ang anak sa harap ng salamin.
Kinuha naman ni Jeziah ang picture frame nila na ipinasadya niyang ipagawa.
"And Papa will always be my face.. he's very handsome.." sagot ni Jeziah.
Ngumiti muli si Maria. Tinitigan ang mukha ni Greg na katabi Niya sa larawan.
"Yes, your Papa really looks like you..." sambit niya."I miss papa!" Sabi ni Elizabeth na animo'y nakasama na si Greg.
Mariin ang pagkakasabi nito na para bang gigil na gigil at may matinding demand na makita na ang ipinamulat sa kaniya ni Maria na Siya ang ama nito.
"I him miss him more!" sambit din ni Jeziah.
Nangilid ang luha ni Maria. Niyakap ang dalawa.
"He knows it that we miss him.. that's why I asked the management in the media who will interview me today to include you both. Don't forget to message your Papa that you miss him so much!" masayang hayag ni Maria."Yes Mama!" Sabay na sabi ng dalawa.
Kumatok si Robert. Nang buksan ang pinto dahil hindi Naman ito naka lock ay agad niyang hinikayat ang mga apo niya na kumain muna ng almusal na nakahanda na.
Kumaripas nang takbo ang mga anak ni Maria sa Lolo Nila.
"Sunod ka na rin 'nak.. alam kong magiging busy ang buong araw mo. Mag almusal bago ang interview mo." hayag ni Robert."OPo 'Tay.. bababa na po ako. Aayusin ko lang ang pagkakapusod ng buhok ko.." aniya.
Minasdan siya ni Robert mula ulo Hanggang paa.
"You're always pretty 'nak.." sambit ng ama niya.Napayukong ngumiti si Maria.
"Tay Naman... Syempre po anak mo ako e kaya laging maganda ako sa paningin mo." natatawang sabi ni Maria."Kaya ka pumayag sa interview na 'to di ba para mapanood kayo sakali ni Greg. If I were Greg I want to see the Maria I've met and be with three years ago..." sagot nito.
Napahinto si Maria at napaisip. Sinara Naman na ni Robert ang pinto ng kwarto.
Muling humarap si Maria sa salamin sa elegante niyang dresser. Tuluyan niyang tinanggal ang pusod sa buhok, bumagsak ang mga ito sa balikat Niya at naharangan nang bahagya ang kalahati ng mukha Niya. Hinawi niya ito at inulit sa kanang tenga. Wala siyang naging Ibang ayos sa buhok nito simula nang dalhin Siya ni Greg mula sa Cebu patungo sa condo unit nito. Hinawi Niya muli ang mahaba nitong buhok na lagpas siko niya patungo sa likod niya. Kumuha siya ng wipes na nasa drawer at saka pinunasan ang labi niya. Natanggal ang nakapatong na lipstick. Nawala ang tingkad at kulay red velvet sa labi niya pero mapupula pa rin ang mga labi niya. Pinunasan Niya ang buong mukha niya. Natanggal ang pulbos ng face powder at ang foundation na inilagay Niya nang bahagya, pati ang mga kaunting tinta sa eyebrow at eyelid niya.
Naiwan ang natural na itsura nito. Napangiti siya dahil nakita niya muli ang dati niyang itsura. Walang kahit Anong make up pero lantad at mababakas ang tunay at totoo niyang ganda. Saglit na naalala ni Maria si Greg. Ito ay alaala nila sa condo.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...