Ilang beses kumatok si Aileen sa pinto ng condo ng kapatid pero hindi ito nagbubukas.
"Greg open the door! Our grandpa wants to see you.. Sabi ni Lola naghihingalo na siya and he wants everybody to be there today. " riin niya.
Muling tumawag sa numero ng kapatid.
"come on greg pick up your phone."Ilang minuto, nagbukas ang pinto.
Pero nanlaki ang mga mata niya na sunod sunod na mga babae ang nagsipaglabasan. Lahat amoy alak at hapit na hapit ang mga suot na damit.
"ano na namang kalokohan ito Greg?!" galit niyang tanong nang makapasok sa condo.Nakita niya ang tulog na kapatid sa sofa na nakatalukbong ng unan ang mukha. Tinanggal niya ito at sinampal agad.
Nagising si Samuel sa lakas ng pagkakasampal niya.
"aray! --sakit naman non!" reklamo niya.
Nakapamewang na si Aileen.
"so ikaw na naman! Ang bad influencer ng kapatid ko. Where's Greg? " masungit niyang sabi."i-ikaw pala... Sakit non ha?" napabangon si Samuel na hindi alintanang wala itong damit pambaba.
Napasigaw nang malakas si Aileen.
Nang mapagtantong hubad siya ay mabilis na nagtakip siya ng unan.Nagising si Greg at lumabas ng kwarto.
"hey bakit ang ingay?" saway niya.
Tinungo ni Aileen ang kapatid kung saan nakasandal ito sa amba ng pinto ng kwarto nito.
Tatangkain niyang sampalin ang kapatid pero napigil siya dahil tatlong babae ang lumabas ng kwarto ni Greg.
Nanlaki ang mga mata nito.
"what's this Greg? --ganyan ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Napakababoy mo! ---look around you? Napakarumi, napakagulo isa pa baka may sakit ka na! Sampung babae ang nabilang kong lumabas ng condo mo. I'm going to call Tito Ed and tell him how much you've messed up with his property" pagbubunganga niya rito.Nagring na ang cellphone nito pero inagaw ito ni Greg at in-abort ang tawag.
"Leave." utos ni Greg ibinalik ang cellphone ng kaniyang ate.
Pumasok si Greg sa kwarto at nagsuot ng T-shirt.
Dali-dali namang pumasok sa loob ng CR si Samuel.
"Grandpa wanted to see us.. Grandma said he's dying and they are expecting us to come today.. Please Greg makinig ka naman sa akin. " pakiusap ni Aileen.
"I'll see him after my OJT.. And make it sure that the Bullshit girl will not go with Dad.." tukoy niya si Lea.
Kinalikot ang cellphone niya. Napaupo siya sa sofa.
"ok don't worry about that.. " mahinahong tugon niya. Sinundan ang kapatid sa sala.
"you can leave now.. " seryosong sabi ni Greg.
"Talaga bang hindi ka na makikipag ayos kay Dad?" umupo soya sa tabi ng kapatid.
Matagal na napatingin si Greg sa kaniya.
"that's a stupid question.."
Napabuntong hininga si Aileen. Alam niyang ayaw niyang Pag-usapan ito.
Iniba ni Aileen ang usapan.
"how's your studies? You told me three months ago that you're going to graduate next year? Anong gusto mong regalo? " malumanay ang boses na niya.Tumayo si Greg, nagtungo siya sa kitchen. Kumuha siya ng dalawang tasa. Tangkang magtitimpla ng kape.
"I'm done with that.. Isa pa, tanghaling tapat na Greg.. You should take your lunch now.. " maagap na sabi ni Aileen.
Napatingin si Greg sa wallclock na nasa sala niya.
"I have failed subjects.. Kaya hindi pa next year.. " sagot niya habang itinuloy ang pagtitimpla ng kape.
Napalitan ng pag aalala ang mukha ni Aileen.
"I think you're not doing great in your medicine course.. ""I can handle this.. Maliit lang na problema to. " tanggol niya.
Nagkibit balikat si Aileen.
"Fine.. If that's how you'll feel better with your life.. Its fine. But please Greg keep yourself safe always." seryosong paliwanag ni Aileen.Napahinto si Greg sa paghalo ng kape niya.
"don't make dramas here.. Mabubuhay ako nang matagal dahil matagal ko pang pagdudusahin si Dad. " diin niya.Sa pamilihan, inaalok niya sa mga namimili ng paninda ang dala nilang kamote. Hindi nito alintana ang init.
Matapos ang ilang minuto may naalok na siyang bibili ng dalawang sako ng kamote.
Sumenyas siya kay Ramjid na magdala ng dalawang sako nito.
Binuhat na ni Ramjid ang isang sako at ganoon rin ang Lolo niya. Kinuha na niya ang bayad na isandaan ng Ale.
Pabalik na siya nang mapansing pagiwang giwang ang lakad ng Lolo niya.Mabilis niya itong tinakbo para matulungan pero nahuli na siya dahil tumumba na sa semento ang Lolo niya.
Isinugod sa ospital ng bayan ang Lolo niya. Malayong malayo ito sa isla. Sobrang nag aalala sya sa kalagayan ng kaniyang Lolo.
Hawak hawak ni Maria ang kanang kamay ng Lolo niya. Hinaplos ito. Magaspang at makakapal na ang kalyo sa palad niya.
Umiyak si Maria..
"I'm sorry Lolo.. K-kasalanan ko ang lahat.. " humalik siya sa palad nito.Lumapit ang doktor na nakita ang eksenang ito.
"Maayos naman na ang Lolo mo.. Pero hindi sapat ang gamit dito sa ospital para matingnan ang tunay na dahilan ng pagkahilo ng Lolo mo. We checked his vital signs at nalaman naming high blood siya. Kailangan niyang magpalabtest para malaman kung anong dahilan ng pagtaas ng dugo niya. " paliwanag ng doktor.
May iniabot na gamot ang doktor.
"Ipainom mo ito isang beses sa isang araw. He needs rest." dagdag ng doktor.Pinunasan ni Maria ang luha niya.
"a-anong r-res dok?" paglikinaw niya.Nang maalala ng doktor ang kalagayan ng mga badjao sa isla ay ipinaliwanag niya ang tinatanong sa kaniya.
"rest.. Pahinga. Kailangan ng Lolo mo ng pahinga."
Napatango na lamang si Maria.
Ngayong namasdan niya nang malapitan si Maria.
"Totoo nga ang sinasabi ng mga tao rito na may magandang dalaga sa mga badjao.. " hindi na napigil ng doktor ang paghanga niya kay Maria.
Napatingin si Maria sa kausap.
"dok bakit yan ang sinasabi mo? Di po ba mas mahalaga kung anong lagay ng Lolo ko? " pag iiba niya ng usapan.Napangiti ang doktor.
"naku pasensya ka na ha.. Hindi kasi ako naniniwala sa mga sinasabi ng mga tao rito, hanggang sa nakita na kita. Anyway, kinakailangan ng Lolo ng complete lab test niya. Kaya lang hindi kompleto ang gamit dito. So I suggest na magpunta kau sa Cebu. May mga ospital doon na kayang isagawa ang mga test na yan." paliwanag nito."magkano po ang babayaran ng ganon dok?" maagap niyang tanong.
Huminga nang malalim ang doktor.
"malaking halaga, isa o higit pa sa dalawang libo ang kailangan para roon"Napatingin si Maria sa Lolo niya.
Saka nakiusap sa doktor.
"dok, w-wala pa kaming ganong pera. Pero mag iipon ako. Ang kailangan ko lang ay mga gamot para lumakas ang Lolo ko. P-pwede po b akong manghingi ng v-vitamins? -yon kasi ang ipinaiinom sa akin ng Nay ko nong bata pa ako.. Sabi niya pampalakas ng katawan yon.. " lakas loob niyang sabi.May awang naramdaman ang doktor. Alam niyang mahirap pa sa daga ang mga tribong ito.
Ibinigay niya ang mga vitamins na mayroon pa sa ospital kasama ang mayroon na rin sya.
"heto nerve vitamins, iron and vitamin C.. Pasensya ka na yan lang muna ang maibbgay ko. Hayaan mo kapag magrerequest ako kay Mayor na magkaroon ng medical mission sa tribo ninyo.. " agarang sagot ng doktor.
"salamat po dok.. Sana dumami pa ang mga kagaya mo" naiiyak na sabi niya.
Ngumiti lamang ang doktor sa kaniya.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...