Kadena 65

40 5 0
                                    

Kasalukuyang pinakikinggan ni Samuel ang record ng unang therapy ng kapatid. Nagtimpla naman ng kape si Aileen para sa kanila ni Samuel.

Hindi mapigilan ni Samuel na maawa kay Maria sa mga salaysay niya. Nangingilid ang luha niya kapag napakikinggan ang mga pag iyak nito.

Nang marinig niya ang pag amin ni Maria tungkol sa pagkakaroon niya ng anak ay hindi maiwasang magulat ni Samuel.

"nabuntis siya?!. " bulalas niya na parang hindi makapaniwala.

Tumango si Aileen.

"oo may pamangkin ka na.. At kailangan natin siyang hanapin. Tita Lea was fully recovered from her trauma because of her child. Kaya malaki ang mgagawa ng anak niya kapag bumalik ito sa kaniya" tukoy ni Aileen si Greg na anak ni Lea.

Pinindot ni Samuel ang 'pause' sa player ni Aileen nang marinig ang tungkol sa anak ni Lea.

"si Tita Lea may anak din? -- yon bang nalaglag ang tinutukoy mo?" paglilinaw ni Samuel.

Saglit na nagpakurap kurap ang mga mata ni Aileen habang isiniksik sa utak na wala nga palang alam ang kausap sa natuklasan niyang tunay na pagkatao ni Greg.

"hmmm... Oo yon nga Sam.. " ngiti niya.

"ganon ba.. Ibig sabihin ganon din ang naramdaman ng parents ko nong ipanganak kami ni Maria. At kung ano naman ang nararamdaman ngayon ni Maria ay yon din ang naramdaman ng mga magulang ko nong kinuha ako nina Lolo't Lola sa kanila. " malungkot na paglalahat ni Samuel.

"Definitely you're right.. Because of great love for a child, every parent would think that they have the grandest life ever in this world! " tuwang sabi ni Aileen.

Ngumiti si Samuel.

"bakit parang may hugot ka Aileen?? " naitanong niya.

Piningot niya ang ilong ng kaharap.

"ikaw ha.. Iniiba mo ang usapan. Ituloy mo na ang pakikinig kay Maria. Tingnan mo kung pwede na bang salaysay yong tungkol sa posas, tali, at latigo.. Isinalaysay niya roon kung paano siya nagagawang gahasain at pahirapan ng lalaking sinasabi niya." hikayat ni Aileen.

"Ano?? --ibig sabihin nakaranas ng pananakit si Maria? "

"oo Sam.. Naikuwento rin nga diyan na pinapaso ang kaniyang likod ng sigarilyo. Sinusuntok at yong dahilan ng hemorrhoids niya?? " udlot na salaysay niya.

"anong tungkol don?? -- hindi ba sa pagbubuhat niya ng mabibigat yon?? " tanong ni Samuel.

Umiling si Aileen.

"we're all wrong about that. Yong sinabi mong sampung araw sa huling dalawang buwan na nasa kalendaryo.. That criminal was so stupid to had an anal sex with Maria.. Sa sunod sunod na araw na yon!? " salaysay ni Aileen

May halong inis ang boses ni Aileen nang sabihin ito kay Samuel.

Nagngalit agad ang mga ngipin ni Samuel.
Tumayo si Samuel at humarap sa pader. Kinuyom ang mga kamao at isinuntok ang kanang kamao niya. Hindi lang isa kundi limang beses.

Nagulat si Aileen kaya't pinigilan niya ito. Lumapit siya at niyakap ang likod ni Samuel para mailayo niya ito sa pader.

"mga hayop!!! " sigaw ni Samuel.

Namumula ang kaniyang mga mata dahil tumulo na ang mga luha niya. Luha ng nararamdaman niyang galit.

"putang ina nilang lahat!! " pagpapatuloy niya.

"stop it Samuel.. Walang magagawa ang galit mo kung ipagpapatuloy mo yan." pakiusap ng nobya.

Nanginginig ang kaniyang mga kalamnan.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon