Walang sawang minamasdan ni Greg ang mukha ng asawa habang ito'y tulog pa. Gusto niyang siya ang unang makikita nito sa paggising Niya ngayong umaga.
Sariwang sariwa sa mga alaala ni Greg ang una nilang pagkikita sa Sulu. Napailing siya nang makita niya muli sa mga mata niya ang nangyaring bungguan nila sa madilim na kalye dahil hinahabol siya ng aso. Napangiti siya dahil sa mala-manikang mukha nito nang i-pokus niya ang flash light ng cellphone niya sa mukha ni Maria noon. Hindi siya makapaniwalang makakatagpo siya ng babaeng ubod ng ganda sa Sulu. Nagpatuloy ang alaala niya hanggang sa maisama niya ito sa Maynila at magkasama sa iisang bubong.
Napakasarap sa kaniyang isipan ang mga ginawa ni Maria sa kaniya para mapa-ibig siya nito. Kahit sa simpleng gawin lang nito ay napakalaking bagay na Iyon para patibukin ang puso niya.
Nanariwa rin sa isip niya ang sobrang pag aalala niya rito noong nawala siya sa gitna ng daan habang ipinagkatiwala niya ito kay Samuel dahil nasa Surigao siya ng mga panahong iyon.
Napailing siya at napangiti rin ng matagpuan niya itong natutulog gamit ang karton sa gilid ng parke. Napagalitan pa siya ni Fatima dahil pinabayaan niya ang kaniyang asawa.
"That's the first time I heard that beautiful word..'asawa'.. I never expected that we're gonna make it for real. Asawa na Kita, asawa mo na ako. " napangiti si Greg.
Natuon ang kaniyang tingin sa mapupulang labi ni Maria at mabilis na nagbalik ang mga hindi sadyang halik, ang mga plinano niyang paghalik hanggang sa mga marubdob at maiinit nilang halikan.
"Totoong nakakabaliw ang mga halik mo Maria.. " sambit niya.
Hinawakan niya ang kanang kamay ni Maria. Hinaplos niya ito.
"Iniisip ko pa lang na mawawala ako bukas sobrang nalulungkot na ako. I can't live without you in my life Maria.. nakakatawa dahil sinabi kong ikaw ang magkakaganito sa akin.. but right now, definitely not. Mamamatay ako kapag nawala ka sa buhay ko..." sa isip ni Greg.
Nagpatuloy siya.
"but I have to go to Cebu and Sulu.. I want to establish things in your life. I want you to renew your own life and be a better woman. Itatama natin ang lahat Mahal ko. Tutulungan kitang harapin ang hustisya." bulong niya.
Muli siyang nagbalik sa pagtitig sa mukha ni Maria.
Tumagilid si Maria paharap sa kaniya.
Naramdaman niyang may mahigpit na nakahawak sa kaniyang kamay. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at napangiti dahil si Greg ang bumungad ng umaga Niya.
"Good morning my love.." aniya.
Lumapit si Greg sa kaniya at humalik sa noo niya.
"Good morning din mahal ko.." sagot ni Maria.
Bumalik si Greg sa pagkakaupo. Bumangon si Maria para umupo sa kama. Nakahawak siya sa kumot para ipantakip sa hubad niyang katawan.
"Naiilang ako sa mga tingin mo.. p-pero..." bitin ni Maria.
"Pero??" kunot noo si Greg.
"Pero kinikilig ako... Napakasaya ko mahal.." pag amin ni Maria.
Saglit na natawa si Greg.
"Mabuti na lang pala maganda ang mga mata ko.." biro ni Greg.
Naupo si Greg sa tabi ng asawa.
"Pwede ba akong humalik?" pagpapaalam ni Greg.
Makahulugan siyang tinitigan ni Maria. Ngumiti saka tumango.
Kaya naman humawak na si Greg sa mukha niya para ilapit ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...
