Inisip ni Dr. Mariano na mas maiging doon na muna siya sa tutuluyang bahay ng team nila Greg kung saan malayong paghinalaan din ng mga sundalong naghahanap sa kaniya.
Kanya kanya ng kwartong napili ang mga kasama niya pero sa malas ni Greg, katabi niya ng kwarto si Lea.
Tinulungan naman ni Lea si Maria sa kusina sa pagluluto ng kanilang hapunan.
Nagbabalat ng patatas si Maria habang ipiniprito naman ni Lea ang dalang isda ni Greg..
Panay ang tingin ni Lea kay Maria. Samatalang nakayuko lang si Maria.Lumapit si Lea sa kaniya para kausapin siya.
"alam mo paborito raw ni Greg ang adobong baboy sabi ng Dad niya kaya yan ang lulutuin ko ngayon para sa atin.. Sabi pa ng Dad niya, kapag may tamis at anghang ito mas marami siyang nakakain.. Ahm Maria, para sa'yo ok lang ba kung haluan ko ng kamote yong adobo para tumamis? --ano sa palagay mo? " tanong ni Lea.
Tumingin si Maria sa kaniya.
"Kung h-hindi po mababago ang lasang gusto po niya Ma'am, para sa akin ay pwedeng haluan ng kamote, mas maganda kung dudurugin. Pero kung papangit lang ang lasa.. Wag na po ma'am.. " sabi niya.
Natahimik si Lea dahil may point ang sinabi ng kausap.
Nang matapos mabalatan ni Maria ang patatas, kinuha niya ang limang piraso ng bawang at pinirat ito sa mesa gamit ang puwet ng malapad na baso.
Natuwa si Lea sa kaniya.
"Siguro m-mahilig ka ring magluto? " usisa ni Lea.
Umiling siya.
"ganon? -- eh di panoorin mo ako kung paano ito lutuin para sa susunod ay maipagluto mo si Dr. Mariano, sa tingin ko napakabait niya. " tuwang sabi niya
Marahang napatango si Maria.
Inilabas ni Lea ang apat na pirasong kamote mula sa loob ng ref."pwede na siguro ito.. Kapag nadurog yan tatamis na ang adobo. "
Bahagyang ngumiti si Maria bilang pag sang ayon niya.
Napansin ni Lea na maganda ang mga kamote matapos niyang masipat kung ito ba ay may butas o damage.
"ang ganda ng mga kamote Maria.. Parang magaling ang nagtanim nito.. Alam mo kapag ang mga tanim daw ay maganda ang kinalabasan, inalayan ito ng nagtanim ng dugo't pawis niya. " masayang paliwanag ni Lea.
Napahinto sa paghiwa ng mga patatas si Maria at naalala niya ang kaniyang Lolo na kasa kasama niya sa pagtatanim nito sa bundok.
Nangilid ang luha niya.
Kinuha ni Maria ang sibuyas at mabilis itong binalatan.
Tuluyang tumulo ang luha niya.
Batid agad ni Lea na may mabigat na problema si Maria. Hinayaan niya itong umiyak.
Ilang minuto ang lumipas, nasa sulok ng mesa si Maria at pinanonood kung paano lutuin ni Lea ang adobo.
"ganon lang kadali lutuin ang adobo Maria.. " tuwang sabi ni Lea.
Maagap na tumango ang kausap.
"salamat po..maghahain na po ba? " tanong niya.
"ako na lang ang maghahain, pakitawag mo na lang sila Maria" pakiusap niya.
Sinunod ito ni Maria.
Huli niyang kinatok ang kwarto ni Greg.
"kain na po dok.. " tawag niya kay Greg.
Hindi sumagot si Greg, nakatingin lamang siya sa isinet niyang 5minutes sa timer ng cellphone niya.
Kumatok uli si Maria.
"dok hinihintay na po kayo.. "
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...