Sa mansyon ng Lola ni Greg, nagtungo siya roon para humingi rito ng tulong gaya ng ginawa niya sa huling medical mission nito.
Pero mukhang ayaw siyang tulungan.
"Greg I can't do nothing with it. Priority ng iyong grandpa ang kaligtasan mo at nasa last will niya iyon na bilang asawa niya ay iisipin ko ang kaligtasan mo. That's why I can save you on that one. But this time Apo.. Wala talaga akong magagawa sa pinakahuling kondisyon ng grandpa mo.. " seryosong paliwanag ni Donya Sonia sa kaniya.
Hindi maipinta ang mukha ni Greg nang marinig ito.
"grandma I don't want to get married.. Napakabata ko pa para mag asawa. Bakit naman yong kondisyon ni Lola ay napakapersonal naman.. Sarili kong buhay ang pinapakialaman niya. " may inis ang boses niya.
Humalakhak ang Lola niya."anong bata ka pa? Ilang taon ka na ba next month? " pilyang tanong ng matanda.
Seryosong sinagot ito ni Greg.
"23 pa lang ako grandma.. "
Binawi agad ng matanda ang maling sagot ni Greg.
"trenta'y uno ka na! Sinungaling!" asar ng kaniyang Lola.
"binubuking mo naman ako grandma e.. Bente tres lang ang looks ko. Kaya bata pa ako.. " diin niya.
Isinubo ni Donya Sonia sa kaniya ang vegetable salad na nakahain sa mesa. Nginuya naman ito ni Greg nang wala sa oras.
"hay naku Greg.. Come to think of it. Gusto ng grandpa mo na lumagay ka na sa tahimik!" depensa ng kausap.
"Paano naman ako tatahimik? --e gusto ni Grandpa na mag asawa ako ng wala sa oras? Grandma ayoko pang mag asawa at lalo na ang magka anak! " reklamo niya.
Kinurot ng matanda ang dalawang pisngi ni Greg.
"hay napakasira ulo mo talaga! You never learn until you're there. Ano pa bang hinihintay hintay mo? Maikli lang ang six months na ibinigay sa'yo ng grandpa mo. So don't waste time here, you have girlfriend right? Ask her to marry you and make love. Tapos magkaka apo na ako.. " kaswal na paliwanag ng Donya.
Napabulong si Greg.
"I already did... Until now, she don't want to answer me.. " sumimangot ito.
Tumayo na ang Lola niya.
"I almost forgot.. After the wedding you and your wife will live here with me for two years.. " habol nitong abiso sa apo.
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ito.
"What the hell you're talking about grandma? -- you know that I live my own life!" sigaw niya pero nagpatuloy na lumakad ang Lola niya hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon.
Sa galit ni Greg hinampas niya ang mesa at hinagis ang flower vase na nasa center table nito. Natakot ang katulong na papalapit pa lang sa balkonahe para Iligpit ang pinagkainan ng kaniyang amo.
"bwisit! -- grandpa bakit mo ba to ginagawa sa akin? " paiyak niyang sabi habang lumalakad papunta sa kotse niya.
Nagpunta si Lea sa clinic ni Aileen para humingi ng payo. Malugod naman siyang tinanggap nito.
Ipinaliwanag ni Lea na nawala sa sarili ang kapatid nito dahil sa isang krimen na nasaksihan niya at ipinagtapat na kahit ang kapatid niya ay naging mismong biktima ng krimen at nakasurvive lamang sa awa ng Diyos.
Ikinagulat ito ni Aileen dahil sa pagkakaalam niya ay wala itong kapatid."I'm sorry to hear your story.. Now I know the reason why you are visiting in that mental hospital.. " sambit ni Aileen.
Nangiti si Lea dahil sa simpatyang ipinakita sa kaniya ni Aileen.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...