Napailing nang napakaraming beses si Samuel.
"No way Maria! Wake up your mind! Kailangan pagbayaran ng hayop na yon ang ginawa niya sa'yo!---- at bilang Kuya mo hindi ako papayag sa gusto mo. Pupunta tayo sa Sulu at sasampahan mo Siya ng Kaso." mariin niyang hikayat sa kapatid.
"Para ano? Makuha niya ulit o ang Isa isahin kayong patayin sa harap ko? Pati ang dinadala kong bata ay madadamay sa gusto mo. Ang tulong na hinahanap ko ay ang makita si Greg, at ang isa ko pang anak na si Jeziah. Kailangan namin na makaalis ng bansa para makalayo sa kaniya. Doon pwede na kami makapamuhay bilang pamilya. Walang madadamay... Walang mamamatay.." katwiran niya.
Napasuntok si Samuel sa wheelchair nito sa inis.
"Anong klaseng katwiran yan! Kahit ang mga magulang natin hindi sasang ayon sa baluktot mong katwiran!" inis niyang sabi.
Napaluha si Maria nang hindi niya makumbinsi ang kapatid.
"Hindi ko kailangang maging matapang at lalo na ang katarungang sinasabi ninyo.. ang kailangan ko ay si Greg. Ngayon ko lang napagtanto na ang buhay ko ngayon ay si Greg. Nagkamali akong piliin ang inakala kong kaya ko siyang iwanan at tiisin siya.. hindi ko kayang mawala siya. Mahal na Mahal ko siya.." pagsusumamo nito.
Napayuko sa lungkot si Samuel nang marinig ito. Hindi na niya alam kung anong sasabihin Niya sa Kapatid.
Sumingit si Boyet sa usapan ng dalawang pamangkin.
"Kumalma nga kayong dalawa. Sam, maybe we are not in the right time to discuss what we really wanted to her.. At Maria... Hindi ka namin mimamadali. Pero Sana 'wag mo ring madaliing magdesisyon na tuldukang huwag ng magsampa ng reklamo para makamit mo ang katarungan na dapat ay ipinaglalaban mo.. kung buhay lang si Kuya Robert, ang Tatay ninyo, siguradong madudurog ang puso niya sa nangyari sa'yo Maria. Noong bata ka pa, ni dulo ng daliri mo ayaw ka niyang padapuan sa langaw." paliwanag niya.
Napatingin ang magkapatid sa kaniya. Lalong napaluha si Maria dahil kahit noon pa habang paglaki niya ay lagi siyang pinoprotektahan ng Ama Niya.
"Kung nandito siya.. maiintindihan ako ng Tatay ko." garalgal ang pagkakasabi Niya dahil tuluyang humagulgol na ito.
Bahagyang napayuko si Boyet at napailing.
"Maria.. hindi ibig sahihin non na hindi ka namin naiintindihan.." dismayado siya pero naroon pa rin ang panghihikayat niya sa pamangkin.
"Pasensya na po.. " nagmamadaling sambit ni Maria saka lumabas ng kwarto.
Bumungad si Aileen na eksaktong kakatok Sana ng pinto. Bahagyang napayuko si Maria at sinabing
"Kailangan ko lang mapag isa ate.." tinungo niya ang kwarto nila ni Greg.
Naiwan ang mag-Tito sa loob ng kwarto ng matanda. Pumasok si Aileen at nagtanong..
"What's happening Sam?"
Hindi maka imik si Samuel. Halata sa mukha ng dalawa ang sobrang pagkadismaya. Naintindihan ni Aileen ang kanilang reaksyon.
"Let's give her time.." sabi niya kay Samuel.
Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan saka humalik sa kaliwang pisngi nito. Kinumusta rin Niya agad ang Lagay ni Samuel sa tama ng baril sa hita nito.
"Don't worry I'm fine.. pero si Maria.. " nangilid ang luha niya.
Hinaplos ni Aileen ang likod niya.
"Let's pray for her Sam.. I know she will come into her senses fo the next following days.. just believe." yumakap si Aileen sa kaniya.
Napasingit ang Lola ni Maria sa usapan na nasaksihan ang pangyayari kanina. Nakuha ng matanda ang atensyon ng tatlo nang magsalita ito ng badjao at itinuturo si Samuel.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...