Nagtagumapay na malusutan nila Greg ang tatlong checkpoint na nadaanan nila.Pagdating sa ospital sa Zamboanga agad na pinasok sa emergency ang Lola ni Maria.
Head injury ang initial assessment dito nang sabihing nabundol siya ng tricycle. Nang maichecked na maayos ang mga vital signs nito, agad na tinahi ang biyak sa ulo niya para magtigil ang pagdurugo nito. Samantalang si Maria ay nawalan ng malay kaya't na admit na rin siya sa ospital.
Sa labas ng ospital, naninigarilyo si Greg habang tinatawagan ang kaibigan nitong neurologist. Tinatanong niya ang kaso ng matanda dahil nagtataka siya kung bakit hindi nagsagawa ng CT scan at X-Ray dito kundi lab test lang ang ginawa.
Ipinayo ng kaibigan niyang obserbahan sa loob ng isa hanggang tatlong oras at ang mahalaga ay tumigil ang pagdurugo ng ulo nito.
Narinig ito ni Dr. Mariano.
"salamat Dr. Fuentebello.. Dahil sa'yo nailigtas ang Lola ni Maria. " sambit niya.
Napangiti siya.
"Greg na lang dok.. Sa tingin ko kailangan kong mag aral ulit at maging surgeon o kaya ay anaesthesiologist at magpapa-assign ako doon sa ospital ninyo.. " pagbibiro niya.
Huminga nang malalim ang kausap ni Greg.
"pareha pala tayong general physician.. " dugtong ni Dr. Mariano.Natawa si Greg.
"pero alam mo dok ang ipinagtataka ko ay kung bakit lumabas si Lola?" interesadong tanong ni Greg."pauwi na ako kagabi nang mapansin kong may lalaking kumakausap sa kaniya.. Hindi ko nakita ang mukha nito pero seryoso siyang nakikipag usap kay Lola. Maganda ang pangangatawan nito, pero hindi ko sigurado ang edad niya. Inisip ko baka kamag anak nila. Naisip kong puntahan si Maria sa bahay na tinutuluyan ninyo pero napahinto ako nang tinanggal ni Lola ang swero nito at sumigaw nang sumigaw. Tinakbo niya ang lalaki sa labas ng ospital. Galit na galit si Lola nang oras na iyon.. Hinabol ko siya pero nahuli ako. " paliwanag ni Dr. Mariano.
Napakunot noo si Greg. Naikonek agad niya ang lalaking napakabilis magpakabilis magpatakbo. Hindi rin niya makilala ito sa bilis ng harurot.
"sino ang lalaking yon? " intrigang tanong niya.
"si Lola lang ang makakasagot non.. Walang CCTV ang ospital Greg. " pagpapaalam ng kausap.
Nang makakain sa karinderya ang tatlo. Napagdesisyunan ni Dr. Mariano at ang kasama nilang nurse na bumalik sa Sulu.
Sa ward, kung saan naroon si Maria siya agad nagtungo. May dala itong lugaw. Umupo siya sa upuang nasa tabi ng pasyente na nakalaan para sa isang bantay nito. Inilapag ang lugaw na dala sa Maliit na mesang nasa ulunan ng kama.
Ilang saglit pa, nakita na niyang naimulat na ni Maria ang mga mata niya. Bumangon siya agad para hanapin ang Lola niya. Pero pinigilan siya ni Greg.
"oopps saan ka pupunta? Hindi mo ba alam na nakaswero ka? Paano nawalan ka ng malay.. " sabi ni Greg.
Nang maalala ito ni Maria napabuntong hininga siya.
"kumusta si Lola ko? " paiyak niyang tanong.
Iniabot ni Greg ang lugaw na dala.
"kumain ka para lumakas. Tinahi na ng mga doktor ang biyak sa ulo niya. Huminto na yong pagdurugo." pagpapaalam ni Greg.
Kinuha ni Greg ang kutsara para subuan siya.
Umiling si Maria nang isusubo na ni Greg ang kutsarang may lugaw.
"h-hindi ako nagugutom.. Gusto kong makita si Lola" sambit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...