Kadena 97

36 4 0
                                    

Nagkunwaring magpapaalam na si Greg sa cellphone niya para marinig ito ni Lionel.

"Yes grandma I'm absolutely fine!--- alagang alaga ako ni Ninong Ed dito! I will tell you the whole story on how he have met Maria. Sa tingin ko, ok na ok si Maria Kay Ninong." sinadya nitong lakasan ang boses niya.

Lumayo si Lionel sa tapat ng pinto at lumakad patungo sa kinaroronan ng kwarto niya nang marinig ang boses ni Greg.

Nakita agad ni Greg ang ginawa ni Lionel.
Malalaki ang hakbang niya para masilip ang naka awang na pinto. Nakita niyang nagbihis ng damit si Mitch. Napailing si Greg at isinara nang marahan ang pinto.

Sinulyapan niya ang kaniyang Ninong na malapit na sa pinto ng kwarto niya. Plano niyang makapasok sa kwarto ni Lionel at kailangang makausap niya Ito.

"Ninong I want to talk to you in private.. may narinig lang akong kausap ni Cortez sa cellphone nito kanina!" pigil ni Greg.

Napahinto si Lionel sa narinig. Interesado agad dito siya.

"That's sounds so important.. of course let's talk here in my room."

Napangiti si Greg dahil umayon sa sitwasyon ang pagpayag ni Lionel na makapasok siya sa kwarto nito.

Naisara na ni Lea ang pinto ng bahay bakasyunan. Iniabot niya ang isang payong Kay Maria at iniabot Naman niya ang Isa pa Kay Luis.

"Malayo layo rin ang lalakarin natin Maria. Mainit kaya maiging buksan nyo na ang mga payong natin.." payo ni Lea sa dalawa.

Mabilis na ginawa ito ng dalawa. Nagsimula silang lumakad patungo sa bundok na sinasabi ni Luis.

Mabilis na iginala ni Greg ang mga mata niya nang makapasok sa kwarto ni Lionel. Nanghinayang siya na hindi nito dala ang relo niya.

Pinaupo siya ni Lionel sa magarbong sofa nito.

"Mukhang importante ang narinig mo. Sa totoo lang, may ginawang kapalpakan yang si Cortez nitong nakaraang linggo..." sambit ni Lionel.

Napansin ni Greg ang paglapag ni Lionel ng cellphone nito sa bed side table niya at may kinuhang Isa pang cellphone sa drawer nito na malapit lang sa bed side table.

Nanlaki ang mga mata ni Greg nang masiguradong ito ang unit at brand ng cellphone na kailangan niya para makopya ang mga files na laman nito.

Lumapit si Lionel sa kaniya habang may binabasang mensahe sa cellphone Niya.

Nagsimulang magkuwento si Greg.

"May narinig akong kausap si Cortez kanina bago tayo naglunch.. narinig kong aalis siya mamayang gabi para gawin ang sinasabi niyang Plano. Binanggit din niya yon sa store ng CCTV camera na dinaanan namin kanina. It sounds he's being traitor to you. Kaya nga kanina I'm being observant also to him while were talking. And It seems like you trusted him so much.. " salaysay ni Greg.

Napatango si Lionel. At sa huli ay napailing nang makatapos sa pagbabasa sa mensahe mula sa cellphone.

Saglit na napakunot noo si Greg. Hindi niya maintindihan ang reaksyon ng kausap.

Ibinulsa ni Lionel ang cellphone sa pantalon niya.

Panay lang ang pagsunod ng mga mata ni Greg sa mga kilos ng kaharap. Palaisipan sa kaniya kung ano ang nabasa nito sa cellphone niya.

"Ang walanghiya talaga! Binibigyan ko ng second chance para patunayang karapat dapat pa rin siyang pagkatiwalaan pero Ito pa ang gagawin sa akin." galit ang mga mata ni Lionel nang sa wakas ay nagsalita na rin siya.

"May imbitasyon ba siya sa'yo ngayong gabi?" maagap na tanong ni Greg.

Napailing si Lionel.

"Wala.. Wala naman.. so far. Hayaan mo pasusundan ko siya kapag umalis na siya mamaya." sagot nito.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon