Kadena 83

37 4 0
                                    

Tinitiis nang napakatagal ni Greg ang galit niya habang nakikitang nagsasayaw ang dalawa. Hinikayat ni Grace na wag nang tingnan ang dalawa.

"Stop looking at them Greg.. It will just fire up your anger. " saway niya.

"it's been five seconds already since he held Maria's waist.. Magtagal pa yan at bibingo na sa akin ang lalaking yan! " hayag ni Greg.

Napailing si Grace.

"don't make scandal here.. Remember we're in Don Quaquin's Hotel, one of the prestigious hotels in Manila owned by your grand pa. It is very famous in an excellent accomodation and greatest ambiance. Wag mong sirain nang dahil sa walang kuwentang lalaking yan.." panghihikayat ni Grace.

Napatitig si Greg sa kaniya dahil hindi pwedeng isantabi ang punto nito.

"yah you're right of course! I will never ever waste my time in expressing my anger to non sense person like him.. " pigil ni Greg sa sarili.

Napansin ni Maria ang napakalapit na mukha ni Joel sa kaniya. Kaya naman lumayo siya.

"kung gusto mong kausapin kita, lumayo ka. Masyado kang malapit sa akin.. " utos niya kay Joel.

Bahagyang niluwagan ni Joel ang hawak nito sa bewang ni Maria at lumayo.

"bakit hindi ang asawa mo ang sawayin mo ng ganyan.. Hindi mo ba nakita napakalapit ng kanilang katawan sa isa't isa? " asar na hayag ni Joel.

Napasulyap naman si Maria kina Greg at totoo nga ang sinabi ng kausap. Hindi na lang niya ito pinansin.

"wala akong oras para pag usapan yan, ang gusto kong alamin ay kung bakit ka sa akin nagsinungaling tungkol kay Dr. Carlito Suarez? --matagal na pala kayong magkakilala pero bakit noong nakita mo yong calling card na yon ay hindi mo sinabi sa akin na kaibigan mo pala siya? " diretsang tanong niya.

Bumuga ng hinga si Joel para sa pagpapalakas ng loob niyang masabi ang totoo kay Maria.

"N-nangako akong ibabaon ko na sa limot ang pagkakaibigan namin. Hindi ko matanggap ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Mama na halos wala pang tatlong buwan buhat nang mamatay si Papa ay nagawa na nilang pagtaksilan si papa at pagsinungalingan ako. Nalaman ko pang buntis si Mama ng limang buwan sa kaniya. Kaya sagad sa buto ang naging suklam ko kay Dr. Carlito Suarez. Napakasama niyang kaibigan dahil buhay pa si Papa, niloloko na nila ito.. Iniwan ko si Mama matapos niyang piliin ito kaysa sa akin. Simula noon wala na akong balita sa kanila ni Mama. " paliwanag niya.

Napalitan ng lungkot ang inis na naramdaman ni Maria nang marinig ito.

"p-pero binanggit mo man lang sana siya, kasi hindi biro ang ginawa namin ni Mitch sa paghahanap sa kaniya.." sambit ni Maria.

"Maria kapag galit na galit ka sa isang tao ayaw mo nang marinig ang pangalan nito o mabanggit man lang na kahit isang beses.. " sagot nito.

Natigilan si Maria dahil may katotohanan ang depensa ni Joel. Dahil kahit siya ayaw na niyang marinig pa ang pangalan ni Lionel.

Nagpatuloy si Joel.
"isa pa, malaki ang paniniwala kong mahahanap ninyo siya dahil narito lang siya sa Manila. Hanggang sa mabalitaan ko na lang na matagal na pala silang nanirahan ni Mama sa US noong umalis ako ng Sulu. Sabi nga niya, minalas ang buhay niya? Totoo yon dahil naaksidente si Mama roon at namatay ang anak nila sa sinapupunan nito. Kinailangan kong magpunta sa US sa huling pagkakataon at para patawarin na rin sila. At doon ko nasaksihan ang pagpapakamatay ni Tito Carlito, mabuti na lamang at dumating ako at nailigtas siya. " salaysay nito.

Wala ng masabi pa si Maria dahil ramdam niya ang sensiridad ng kausap.

"Sorry.. Hindi ko alam na ganoon ang pinagdaanan mo.. " hayag ni Maria.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon