Natigilan si Joel sa balak nito matapos nagpaulit ulit sa tenga niya ang mga sinabi nila Carlito at Samuel. Lumapit siya kay Maria.
Hinaplos ang makinis na mukha nito. Napansin niya ang mga nangilid na luha sa mga mata nito. Naalala niya ang mga pangyayari sa Sulu kung saan sinusugod ng mga terorismo ang tribo ng mga badjao. Naging sariwa sa alaala niya ang mga pang aabuso sa mga kababaihang naroon.Napaluha si Joel. Pinunasan ng mga kamay niya ang luha ni Maria.
"Hindi... Hindi totoo ang mga sinabi nila. Sahihin mo Maria hindi nangyari sa'yo ang bagay na sinasabi nila." sumamo nito.
Kasabay ng pagsasara ng mga mata ni Maria ang pagkawala na ng ingay sa paligid. Sinikap Niya pa ring makapagsalita bago tuluyang mawalan siya ng malay..
"Greg.. m-mahal ko.." mahina niyang sambit.
Napayuko si Joel at tuluyang lumuha.Napatulala si Aileen sa cellphone nito matapos marinig ang hayag ni Greg tungkol kay Maria. Hindi siya makapaniwalang ang mga itinatago nilang lihim tungkol kay Maria ay nalaman na nito lahat at hindi rin nya inaasahan na mas higit pa ang alam nito kaysa sa kanila.
Panay ang pag iisip ni Greg kung ano ang address na nakasulat sa kapirasong papel na iyon. Tiningnan niya ang oras sa relo, ala una na ng madaling araw. Inisip niyang tawagan ang kakilala nitong kaibigan na inutusan niya noong hanapin ito.
Kinontak niya ito kahit alam niyang alanganing oras na. Pero makailang beses niyang ginawa ito pero nabigo siya..
"Shit... Come on Greg.. Kailangan mong tandaan ang lugar."
Nahuli ng mga pulis si Lionel Kasama ng grupo nito. Dinampot Lahat ng mga awtoridad ang Lahat ng sangkot sa labanan.
Tinawagan agad ni Lionel ang abogado nito. Wala siyang inamin at wala ni Isang salita siyang isinagot sa mga nagdatingang reporters lalo na sa mga pulis na humuli sa kaniya. Dinala sila Lahat sa kulungan. Nakulong siya sa ilalim ng Saligang Batas na tinatawag na Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Tumabi si Joel sa pagtulog kay Maria at niyakap niya ito nang mahigpit.
"Mahal pa rin Kita Maria... Mahal na Mahal.." sambit nito.
Natulog itong buo pa rin ang isip na itutuloy pa rin ang plano nilang pag alis.
Napakabilis ng pagmamaneho ni Carlito para makarating agad sa kanilang pupuntahan. Hindi pa rin makapaniwala si Carlito na magagawa ito ni Joel. Itinuring na niya itong anak at ginabayan sa pag uwi nito sa Pilipinas.
Hindi Naman maipinta ang mukha ni Samuel na nakatingin lamang sa saang tinatahak mila ni Carlito."Napakarami ko ng pagkukulang sa kapatid ko... Patawarin ako ng Diyos pero mapapatay ko ang sira ulong Joel na yon kapag may ginawa siya sa Kapatid ko.." gigil na sabi ni Samuel sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao nito.
Nang matanggal ang bala sa binti ni Cortez ay agad itong sinaklolohan sina Mitch at Mary na nasa lugar kung saan Niya sinabing doon sila Sana pupunta ni Greg. Pero dahil sa bilis magbago ng isip ni Greg ay hindi ito natuloy.
Ikinatuwa niya ang nalaman niyang impormasyon tungkol kay Maria mula sa pagtatapat ni Greg sa kaniya.
"Kaya pala... Kaya pala gusto niyang maparusahan si Sir Macaraeg dahil kay Maria.. Salamat at hindi siya gaya ng kaniyang Ninong.." sabi nito sa sarili.
Nakaidlip naman si Greg sa loob ng helicopter dahil sa sobrang pagod nito at pag iisip tungkol sa nakalimutan niyang address.
Panay tali na sa braso at binti si Mitch para kahit papaano ay hindi siya maubusan ng dugo. Ganon din naman si Mary. Malayo rin ang kanilang nilakad buhat sa highway kung saan Nila iniwan ang kanilang sasakyan. Kaya pagdating sa Bahay na sinasabi ni Greg ay pareha na silang nanghihina.

BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Roman d'amour"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...