Kadena 119

39 2 0
                                    

Mahigpit na hinawakan ni Greg ang kaniyang kanang kamay. Ipinosisyon ang hawak na lagaring stainless.

Sinimulan niyang lagariin ito nang pababa. Saka paitaas. Marahan hanggang bumilis. Diniinan niya ito para maramdaman ang buto.
Malalakas ang sigaw ni Lionel na matindi pa sa nababaliw na umaalulong na aso. Hindi maintindihan ni Lionel kung gaano katindi ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Nanginginig ang buo niyang kalamnan. Magkakasabay na naglabasan ang mga luha, laway at sipon niya sa matinding sakit at hapdi.

Patuloy sa paglagari si Greg sa kanang kamay ni Lionel hanggang sa tuluyang mahiwalay ito sa braso ni Lionel. Bumagsak ang kanang braso ni Lionel sa tiyan Niya habang sumisirit pa ang dugo.

Iniiwasan ni Greg na sulyapan ang mukha ng ama Niya dahil determinado siyang tapusin kung anong nasimulan niya.

Duguan na ang paligid ng kwarto, pati ang damit, katawan at mukha ni Greg. Tinanggal niya ang salawal ni Lionel..
"A-anong gagawin mo??-- wag Greg.." pagmamakaawa ni Lionel na halos wala ng lumabas na boses pa.

Tinitigan ni Lionel ang ari niya dahil ngayon lamang niya makikita ang itsura nito sinus nang barilin ito ni Maria.
"W-w-wala na...?" iyak nitong samo kay Greg.
Ngumisi si Greg.

"Yes Ninong.. the girl successfully made it. It's already gone!" sagot niya.

Umaagos ang dugo sa kanang mata ni Lionel. Hindi makapaniwalang wala na ang kaniyang ari.

"No... No...." samo ulit niya.

Naglagay si Greg ng Betadine sa Isang container bowl.  Kinuha ang napakaraming bulak. Isinawsaw ang mga ito sa betadine. Saka inilapat sa mga sugat nito.

"B-b-bakit mo ito g-ginag-gawa?" Wala ng lakas na bulong ni Lionel.

Tinitigan Siya ni Greg. Masakit ang titig niya. Galit na galit.
"I'm not yet done.." matapang na sagot niya.

Bumalik siya sa mesa at kinuha ang gunting Niya. Isang malaki at maliit.

Natakot muli si Lionel. Isinigaw Niya muli ang pakiusap Niya at pagsusumamo. Pero naubos na ang boses at lakas nito.

Inumpisahan ni Greg na hawakan ang kanang scrotum nito. Ibinuka ang gunting na hawak at sinimulan ang pagtanggal nito.

Walang tigil ang panginginig ng buong kalamnan ni Lionel. Lalong matinding panginginig nang inumpisahan ni Greg na tanggalin Naman ang nasa kaliwa niya. Umagos ang napakaraming dugo.

Kumuha muli ng napakaraming bulak si Greg na may Betadine at ipinatong ito sa tinanggalan nya.

"Hindi mo Kasi ininom ng drug na ituturok ko.. drug din Naman ang pampamanhid.. " sambit niya.

Halos hindi na kayang maibuka ni Lionel ang bibig niya para magsalita. Pero sinikap pa rin niyang sumagot kay Greg.

"B-b-bakit??? Bak-bakit mo ito ginagawa Greg?---w-wala akong kasa-l-lanan sa'yo." tanong niya.

Lumapit si Greg sa kaniya. Halos Isang dangkal lang ang layo ng kanilang mukha. Matatalim muli ang tingin ni Greg.

"Malaki ang kasalanan mo sa akin. " gigil na sagot ni Greg.

Marahang umiling si Lionel.
"Kung ang pagtatago ko ng tunay mong katauhan ang tinutukoy mo.. at ang pakikipagsabwatan ko sa Mommy mo.. n-napakatinding ganti n-naman ito para sa'yong tu-tunay na Ama. I'm still your father.. I gave you life.." bulong ni Lionel.

Umiling si Greg.
"Iisa lang ang tinatanggap kong Ama ngayon. At hindi ikaw yon. "

Napangisi si Lionel.
"S-si Luis b-ba?? b-binilog na ba Niya ang utak mo? I-iniutos ba n-niya na g-gawin mo ito s-sa akin?--- g-gusto lang n-niyang g-gumanti! T-tandaan mo s-sinira n-nila ang b-buhay mo! Pinatay niya ang Mommy mo. Iti-itinakwil ka Niya at mas p-pinili si L-lea kaysa sa'yo.." sagot ni Lionel.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon