Kadena 99

42 4 0
                                    

Huminto sina Greg sa isang Cafe Shop. Napakaraming impormasyong ibinigay ni Lionel tungkol sa Botanical Garden habang hinihintay ang kanilang inorder na cappuccino, Coffee Americano at whole latte love para kay Mitch. Sinamahan din nila ito ng mga espesyal na cakes tulad ng pumpkin dump cake, chocolate bumpy cake at red velvet cake.

Sinadya ni Mitch na tumabi at pumulupot nang husto kay Greg. Panay ang paghaplos nito sa palad ni Greg habang nakikinig sa mga mayayabang na kuwento ni Lionel.

"Mukhang maganda ang mga islang nabanggit mo Ninong? I think I love to visit that places. Islands like you're talking about are very close to my heart. Remember Ninong you granted me special celebration in my 7th birthday in Maldives, India. Grabe! unforgettable yon Ninong! The beauty of natural island was stunning. I'm just like in a magical or fantasy land when I saw the sea of stars!" tuwang banggit ni Greg habang sariwang inalala Ito.

Ikinatuwa ni Lionel ito.

"You have a sharp memory 'nak! Naalala mo pa ang pagpunta natin ng Mommy mo sa Maldives, sa Vaadhoo Island, known as sea of stars island. That's one of the amazing places I visited in my entire life!"

Sinundan agad ito ni Greg.

" Mayroon pang Isa tayong pinuntahan to celebrate Mom's success in dealing with the Chin Family to invest in the company... I remember the natural beauty of that Island too. It has remarkable beaches, charming blue waters, beautiful waters and lush greeny sorrounding. Nalaaadhon Island?--- Am I right with the exact place Ninong?" pagpapatuloy ni Greg.

"Nalaguiraidhon Island!-- The prime attraction of the South Ari Atoll in the Maldives. The island is known for its picturesque setting and very authentic beauty.! I love that place too!" masayang sabi ni Lionel.

Kailangang ipakita naman ni Mitch ang pagka-inggit sa dalawa.

"Maldives! Naku Mahal ko.. nainggit ako bigla. I want to go there too with you.." malambing na sabi ni Mitch pero hindi Kay Greg Ito nakatingin kundi Kay Lionel.

Binalingan din ni Lionel ito ng malambing na tingin.

Tumanggi naman si Greg.

"I'm sorry Mahal but I can't.. I have busy sched for this year. Alam mo na I accepted grandma's offer right?" kaswal na sabi niya.

Umismid si Mitch.

"Ok.. ---so kelan?" tanong ni Mitch na umaasang magkakaroon na ng oras sa asawa.

Ngumiti lang si Greg saka humalik sa noo ni Mitch.

"Mahal kong Maria.. Soon.. soon..." sabi lang ni Greg.

Nakita ni Lionel ang sobrang pagkadismaya ng asawa ni Greg. Pero hindi sya sumali sa usapan ng dalawa.

Maya-maya lang ay dumating na ang waitress para ilagay ang mga order nila.

Nagsimula na silang uminom ng kani kanilang mga kape.

Awtomatikong napatakip ng bibig si Lea nang marinig ang mga sinabi nila Luis at Boyet. Naalala na niya ngayon na kay Luis nga niya unang narinig ang pangalang iyon na Ninong ni Greg.

Tumulo ang mga luha ni Maria. Inulit niya muli ang unang nasambit niya..

"Hindi..." saka nagdesisyong tumagilid para makatalikod sa kanila.

Nagtinginan naman sina Luis at Boyet. Nag alala agad si Boyet sa nakita niyang pagluha ni Maria.

"Umiiyak ka ba pamangkin?"

Lalapitan niya ito pero pinigilan siya ni Lea.

"Tears of joy yon, napakasaya niya nang ibinalita ko ang pagbubuntis niya.. medyo kailangan niya lang makapag isip,.. o-on how she w-will say it to Greg. I think she wants to surprise Greg.!" pagsisinungaling ni Lea.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon