Nang maisara ni Greg ang pinto ng kwarto ay agad niyang tinanong si Maria, at ganoon din ang bungad sa kaniya ni Maria.
"anong pumasok sa kokote mo at lumabas ka ng kwarto?" maagap niyang tanong.
"e bakit ikaw? -- nagsinungaling ka tungkol sa cellphone mo? Sino ang pinuntahan mo sa labas?" halos magkasabay ang mga tanong nila sa isa't isa.
Nagkatitigan sila. Matagal. Pero si Greg ang unang nagbaba ng tingin. Bumuga siya ng hinga bago nagpunta sa kama at sumandal dito.
Naiwan si Maria malapit sa pinto habang minasdan ang kilos ni Greg.
Muli siyang tiningnan ni Greg. Nagtama ulit ang kanilang tinginan. Iginalaw ni Greg ng bahagya ang ulo niya para isenyas kay Maria na lumapit siya sa kaniya at umupo sa tabi niya. Tinapik pa ni Greg ang kanang bisig niya para ipaalam kay Maria na sumandal siya rito.
Marahang lumakad si Maria palapit sa kaniya at sinunod ang gusto ni Greg.
Nang makasandal sa bisig niya. Humalik si Greg sa ulo ni Maria at niyakap siya.
"I'm sorry.. I won't do that again.. " hindi na mataas ang boses nito kay Maria.
Tumingin si Maria sa kaniya.
"humihingi ka ba ng pasensya?? " tanong niya.
Tumango si Greg.
"sorry means pasensya, S-o-r-r-y.. I won't do that again naman hindi ko na uulitin ang ginawa kong yon.. " paliwanag niya.
"sorry din.. Hindi ko na gagawin ang paglabas ng mag isa." sambit ni Maria.
Nagpaliwanag si Greg kung bakit siya lumabas sa paraang hindi direkta.
"may gumugulo kasi sa isip ko mahal.. Kaya nagpahangin ako at nag isip isip.. " pagsisimula niya.
"ano yon? " tanong ni Maria.
Sinikap ni Greg na makuha ang opinyon ni Maria.
"naniniwala ka ba sa sarili mong kutob, yong sigurado ka na at nagtitiwala ka sa sarili mo dahil sa mga napatunayan mong hinala? O mas gusto mo na makita, makausap at higit na mapatunayan pa kung ano ang totoo sa kutob mo? " tanong niya.
Huminga nang malalim si Maria at ibinigay ang nasa sa loob niya.
"Kaya tayo kinukutuban dahil naniniwala tayong tama ang mga bagay na inaasahan natin. Mas kilala natin ang sarili nating pagkaunawa sa mga bagay bagay kaya nga sinasabi ng ilan ang salitang malakas ang kutob ko. Pero mas maganda, kung mapatunayan mo pa ang kutob mong iyon. Para hindi ka na naguguluhan. Masigurado mo. Malalaman mo kung ano ang totoo.. " paliwanag niya.
Napatanong sa sarili si Greg.
"sinasabi ba niyang naniniwala siya sa kaniyang kutob pero mas naniniwala siya kung mapapatunayan pa niya ito? "
Tumingin muli si Maria sa kaniya at ngumiti.
"salamat nga pala kanina.. Palagi kang dumarating kapag nasa panganib ako. " hayag ni Maria.
Ngumiti rin si Greg.
"hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa'yong masama. Salamat din kay Samuel at nandoon siya. Sa guro mong si Joel na tamang tama ang dating niya ng mga oras na yon dahil kung hindi bugbog sarado si Samuel. " sagot ni Greg.
"parang may seryosong problema si Dok Samuel.. " sambit ni Maria.
"ganon? --e para sa akin parang may gusto sa'yo si Joel? " napamaang na tanong ni Greg.
Kumunot ang noo ni Maria.
"gusto mo bang malaman yong totoo? " naitanong din ni Maria.
Sinadyang maubo ni Greg dahil baka ikabigla niya ang sasabihin ni Maria.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...