Iginilid ni Greg ang sasakyan nang makita sa relo niya na mayroon pang sampung minuto bago sila makarating sa opisina ng kaniyang Lola
Pinatay na rin niya ang makina ng sasakyan para sila'y makapag usap nang maayos.
Samantalang si Maria ay biglang naguluhan ang isip sa sinabi ni Greg sa kaniya.
Huminga siya nang malalim saka humarap Kay Maria. Hinawakan niya ang mga kamay ni Maria.
"Alam ko kung gaano mo kagustong ituloy ko kung anong narinig mo sa akin.. pero I'm sorry Mahal ko, nasabi ko ang hindi dapat ako ang magsabi. Kahit gusto kong sabihin ang tungkol Doon pero may mas karapat dapat na magsabi sa'yo. Pagkatapos ng turn-over ceremony and formal introduction sa akin ay dadalhin kita sa taong magsasabi non. Kaunting oras na lang ang natitira sa atin at kailangan nating makarating kay grandma ngayon. Hindi tayo pwedeng mahuli." paliwanag ni Greg.
Kahit malaki ang interes ni Mariang malaman ang tungkol sa kaniyang sinabi ay inuna pa rin niyang unawain ang pakiusap ni Greg sa kaniya.
Tumango siya at sabihing..
"ok Mahal ko naiintindihan Kita... Pero hindi na ako makapaghihintay pa sa sinabi mo at.." udlot niyang sabi dahil kinuha niya ang kaliwang kamay ni Greg at inilapat sa kaniyang dibdib.
Saka itinuloy ni Maria ang gusto nitong sabihin..
"At sobrang kaba na ng dibdib ko simula nang narinig ko ang sinabi mo mahal ko... " nangilid ang luha niyang sabi.
Humalik siya sa kamay ni Maria.
"Ramdam na ramdam ko ang kaba mo, hayaan mo hindi ko patatagalin ang pa-welcome ng board sa akin Mahal" sagot ni Maria.
Ngumiti si Maria.
"Kung ganon Tara na Mahal ko.." yaya agad ni Maria.
Sumunod agad si Greg sa pakiusap Niya.
Nakarating na sila sa opisina kung saan hinihintay na siya ng board. Isang babaeng staff ang lumapit sa kaniya para iabot ang suit na bilin ni Donia Sonia na isusuot nito sa pagharap sa buong board.
Kinuha Ito ni Maria para siya na ang magsuot nito sa asawa.
"Thank you miss.. ako na ang gagawa.." aniya.
Napangiti si Greg sa ginawa ng asawa. Kinuha naman ni Greg ang kurbatang hawak ng staff at sumenyas na maaari na siyang makaalis.
Saka itinitig ni Greg ang mga mata sa kaniyang asawa habang isinusuot niya sa kaniya ang suit nito."Sa mga susunod na araw lagi mo nang gagawin Ito sa akin Mahal ko dahil magtatrabaho na ako hindi bilang Doktor pero bilang isang sir Greg Fuentebello!-- the new president and owner of of Fuentebello's Group of Companies!" pagmamayabang ni Greg.
Napangiti si Maria.
"Kahit saan ka susuportahan Kita.. masaya akong gagawin ang pagsusuot nito sa'yo at paglalagay ng kurbata.." hayag ni Maria.
Kinuha niya ang kurbata sa kamay ng asawa at isinuot Ito. Inayos niya Ito sa napakagandang suit ng asawa.
At nang mailapat na Ito ay napangiti si Maria.
"Hay ang gwapo naman ng asawa ko talaga.." kilig na sabi niya.
Napangiti rin si Greg sa narinig. Bahagyang kinurot ang kanang pisngi ni Maria.
"Naku may ibig yatang sahihin ang asawa ko.. nilalambing mo ba ako para mamaya ulit Gabi?" biro niyang bulong.
Natawa agad dito si Maria. Bahagya niyang sinampal ang kaliwang pisngi ng asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...