Kadena 37

61 7 0
                                    

Sa isang private hospital, nakatitig lamang siya kay Maria habang inilalagay ang shoulder sling sa kaniya ng doktor na si Dr. Han.

Panay ang pagtataka ni Maria kung bakit siya nilalagyan nito. Napansin ito ni Greg kaya't kunwaring nagtanong siya sa doktor.

"ahh dok bakit nga ba siya kailangang lagyan niyan? "

Nang marinig ito ni Maria ay nagpasalamat siya dahil hindi na niya kailangang itanong ito. Dahil siya ay sobrang nagtataka kung bakit siya kinakabitan ng ganito ng doktor.

Maagap naman na sumagot ang doktor.

"The patient should be supported at the wrist in a collar and cuff sling. It will allows the weight of the arm to pull the humerous downward so it may help patient's broken left shoulder bones to heal in the correct position." mahabang paliwanag ni Dr. Han.

Napakamot sa ulo si Greg dahil nawala sa alaala niya na ang doktor ay hindi nagtatagalog.

"ano raw ang sabi niya?" nagtatakang tanong ni Maria.

Alam ni Greg na hirap makaunawa si Maria sa ingles kaya't sinabi na lamang niyang

"wag ka na raw magbuhat ng mabibigat.. Ano bang binubuhat mo noon at bakit may bali ka sa kaliwang balikat mo? " pag iiba ni Greg.

Alam ni Maria na nakuha niya ito dahil sa pananakit sa kaniya ni Lionel kaya't sinabi na lamang niyang

"nagbubuhat ako noon ng isang sakong kamote.. Mula sa bundok ibinababa ko yon.. "

"ano?! Hay grabe bakit ka hinahayaang magbuhat ng ganon?" gulat na sabi ni Greg.

Nakita ni Maria na may halong inis ang pagkagulat ni Greg kaya't nagpaliwanag siya.

"Lolo at Lola ko lang ang kasama ko sa bahay. Parehas na silang mahihina at ako lang ang maaasahan nila kaya kailangan kong tulungan sila sa pagtatrabaho para may makain at makaipon ng pera.. " malumanay niyang sabi.

Pumagitna ang doktor sa usapan.

"I have to immobilize the shoulder for 2-3 months. Sudden movements may cause failure for her treatment. She have to rest in moving her left arms. You may come back in a couple of weeks for another check up. Let's see the improvement in her X Ray result. " muling paliwanag ng doktor.

"thank you dok for your reminders. We'll be back as you said. And don't worry I'll take care of her.. " pagpapaalam ni Greg.

Nakita ni Maria na nag abot ng maraming pera si Greg sa nurse.

Kaya't habang naglalakad sila Papuntang parking area ay hindi na napigilan ni Maria na magsabi ng kaniyang gusto.

"dok Greg pakidagdag na lang yong nagastos mo ngayon sa utang ko.. " lakas loob niyang hiling.

Sumulyap si Greg sa likuran niya dahil sumusunod sa likod niya si Maria.

"lakas ng loob mong sabihin yan, e sabi nga ng doktor 2-3 weeks pa ang pagpapagaling niyan. Ibig sabihin mahihinto kang magtrabaho kaya wala kang susuwelduhin. Tapos gusto mong idagdag ko pa yan.. " masungit na sabi ni Greg.

Huminto sa paglalakad si Maria.

"kahit na, basta idagdag mo. Yon ang gusto ko" pakiusap niya.

Humarap si Greg sa kaniya.
"ok yon ba gusto mo. Masusunod aking mahal na katulong.." pagbibiro niya saka nag-vow ito sa harap niya.

"dok Greg ano bang ginagawa mo? " naaasiwang sabi ni Maria.

"hay naku naman bakit ba ang hina mong maka gets?" hinaltak niya ang kanang kamay ni Maria para sabay na silang maglakad.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon