Kadena 8

130 8 0
                                    

Sa ospital na nagkita si Michele at Maria.

Sinalubong siya ni Michelle ng may mataas na boses.
"Bakit ka nagpunta sa hotel na yon?! Bakit kailangan mo pa akong sundan doon?! "

Nahalata ang galit niya.

Matindi ang pagnanais niyang ipaalam sa kaibigan na kailangang malaman ang kondisyon ng Lolo niya pero napigilan siya dahil sa nakita niyang reaksyon sa kaibigan. Kaya't humingi na lamang siya ng pasensya.

"p-pasensya na.. " maikling tugon niya.

Napansin ni Michelle ang pangingilid ng luha ng kaibigan sa mga mata nito. Agad siyang nakonsensya..

Sinapo ni Michelle ang noo..
"k-kasi d-delikado, delikado ang lugar na yon. "

"delikado? E bakit andon ka, sabi nong guard sa bar nandoon ka sa lugar na yon.. " inosenteng tanong niya.

Huminga nang malalim si Michelle.
"basta wag ka na pumunta roon ok? "

Tumango si Maria.
Sakto namang dumating ang doktor.
"siya na ba yong pwede kong makausap? --this is urgent and important. " sabi nito.

Mabilis na sumagot si Michelle.
"opo dok. Ano po ba ang lagay ni Lolo? "

Iniabot ang lab test ng dugo ng pasyente.
"kidney disease ang dahilan ng pagtaas ng dugo ni Lolo, tapos namamaga ang mukha, tiyan at paa niya. Iyon din ang dahilan kung bakit wala siyang gana kumain, nagduduwal at nagsusuka. Pati yong matinding pananakit ng likod at buong kalamnan niya at hirap din sa pag ihi. We diagnosed him with end-stage renal disease.. Ito ay sunod na sa chronic glomerulonephritis kaya ganoon kadelikado ang lagay niya ngayon. Makikita mo dyan napakataas ng creatinine level niya. "
Mahabang paliwanag ng doktor.

Hindi man maintindihan ni Maria ang mga terminong bago sa pandinig niya ay nag alala na siya.

Pati ang mukha ni Michelle ay nagimbal rin sa resulta.
"a-ano pong gagawin namin dok?  Paano po siya gagaling?" maagap na tanong ni Michelle.

"he needs to undergo emergency peritoneal dialysis as soon as possible. Gagawin ito sa loob ng pitong buwan, ang dialysis ay gagawin dalawang beses kada linggo. Kapag nakasurvive rito si Lolo kailangan niyang mag undergo ng kidney transplant para siguradong ligtas na siya. " paliwanag muli ng doktor.

Itinanong na ni Michelle ang kinatatakutan niyang itanong.
"magkano po ang gagastusin dok para maisagawa po yong mga sinabi ninyo? "

Huminga nang malalim ang doktor.
"gagastos kayo ng mahigit 150 to 200 thousands sa pitong buwang dialysis niya.. And on the process mayroong din siyang mga resetang gamot tuwing natatapos ang dialysis.. Maintenance medicines ang tawag doon. Sa operasyon naman---" udlot niyang sabi nang sumingit si Michelle.
" million ho ba dok? Tapatin nyo na po kami.. " lakas loob niyang sabi.

Seryosong napatingin ang doktor sa kanila.
"higit pa sa sinabi mo.. " pagtatapat ng doktor.

Napaluha si Maria.
"Putcha dok!  Hindi nmn kami mayaman.. " naluluhang sabi ni Michelle.

Nagpatuloy ang doktor.
"isa pa, kailangan ninyong ilipat si Lolo sa National Kidney Transplant Institute. Doon mas matutulungan kayo ng mga doktor. Itinawag ko na ito sa kaibigan kong nephrologist, espesyalista sa sakit sa bato." iniabot ng doktor ang card.

Kinuha ito ni Michelle.
Muling nagsalita ang doktor.
"kung may mga national ID si Lolo, philhealth at mga kaukulang dokumentong hinahanap ng ospital malaki ang tsansang bababa ang magagastos ninyo."

"isa pa para sa kidney transplant, kung may donor ng kidney mas mainam.. Pero kung wala kailangan ninyong gastusan pa ito.." dagdag ng doktor.

Sinabi rin ng doktor na nakahanda na ang ambulansyang maghahatid sa kanila roon.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon