Tinawagan ni Greg si Samuel para ipaalam na nakabalik na ng Pilipinas si Grace. Kahit si Samuel ay ikinagulat ang pag uwi nito.
Bumalik na sa mansyon si Greg matapos makaalis ni Grace. Napapailing siya sa ginawa niya kay Grace.
Nalulungkot siya sa nangyari sa kanilang dalawa.
Dinatnan niya si Maria na nakatayo malapit sa bintana nang buksan ang kwarto ng Lola niya.
"nakita mo? " tukoy Ni Greg ang ginawa niya kay Grace.
Malungkot na tumango si Maria. Napansin ni Greg na naiiyak ang asawa.
"n-nakokonsyensya ako Greg.. Pakiramdam ko may ginawa akong mali. " hayag ni Maria.
Lumapit si Greg sa kaniya at kinuha ang mga kamay.
"wag mong sabihin yan.. Wala kang kasalanan mahal ko. Iniwan niya ako. Tinapos niya ang relasyon namin. Kaya wag kang makonsyensya. Alam mo bang mabilis naghilom ang lungkot ko noon dahil sa'yo? " paliwanag ni Greg.
Pero tiningnan lang siya ni Maria sa kaniyang mga mata. At napansing hindi siya nahikayat ni Greg. Itinapat ni Greg ang kanang kamay ni Maria sa dibdib niya.
"Nang pumasok ka rito, matagal na siyang wala.. Kailanman hindi mali ang magmahal. Naging totoo lang ako kay Grace dahil gusto kong malinaw sa kaniya na may asawa na ako at kailangan niyang tanggapin yon.. " pagpapatuloy ni Greg.
Pinunasan niya ang tumulong luha sa mga mata ni Maria.
"gusto mo bang kausapin ko siya ng personal para maging maayos amg lahat sa pagitan naming dalawa? " tanong ni Greg.
Tumango si Maria.
Huminga nang malalim si Greg at ibinuga ito.
"bukas kakausapin ko siya para sa'yo.. " hayag ni Greg saka niyakap ang asawa.
Maya-maya kumatok na si Delia para ipaalam na handa na ang lahat na iniutos sa kanila ni Greg. Kaya't nagpaalam na si Greg sa Lola ni Maria.
"matutulog na ba tayo? -- gusto ko pa sana bantayan si Lola. " saka lumingap sa Lola niya.
"magpaalam ka na muna kay Lola, pagkatapos naman natin pwede kang bumalik rito.. May ipinahanda kasi ako kela manang Delia kanina.." pagpapaalam ni Greg.
"pero... " tanggi ni Maria.
Kaya lang hinaltak na ni Greg ang kanang kamay niya at napasunod kay Greg. Ngumiti ito nang sumulyap kay Maria at sinabing..
"Lola sosolohin ko lang ang apo ninyo ha! --nalulungkot e. Pasasayahin ko lang! " pagpapaalam niya.
Kahit ang nurse na naroon sa loob ng kwarto na nagbabantay sa matanda ay biglang natawa kay Greg.
Nang makapasok sa kwarto nila ay narinig agad ni Maria ang tunog ng violin na nagpiplay sa stereo ni Greg. Hawak pa rin ni Greg ang mga kamay niya. Nagtungo sila sa veranda at bumungad kay Maria ang maliit na lamesang naroon. Naka table setting na. Naroon na ang mga iniluto ni Greg kanina. May kandila na rin na naka ilaw sa gitna ng mesa.
Kinuha ni Greg sa gilid ng mesa ang isang puting rosas at ibinigay kay Maria.
"isang rosas para sa maganda kong asawa.. " sambit ni Greg nang humarap si Maria sa kaniya.
Ngumiti si Maria saka kinuha ang rosas.
"kaya mo pala ako sinabihang wag kumain nang marami kanina.. Dahil dito? " tanong niya.
Mayabang na tumango si Greg.
"Syempre unang pagkakataon ko yata nagluto ng espesyal para sa asawa ko! Kaya gusto ko maging memorable ito.. " sagot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...