Kadena 2

340 8 0
                                    

Nakita niyang mahusay ang pakikisalamuha at pagtanggap ni Johara sa mga badjao, ang volunteer teacher na galing sa Maynila. Sa pagdiriwang nga ng unang araw ng kasal ay nahikayat siyang sumayaw ng igal-igal, isa sa mga tradisyunal na sayaw ng mga badjao.

Sa gitna ng sayawan, magiliw siyang pinalakpakan ng mga  naroon habang pinagbubuti si Johara ang paggiling at maipilantik ang kurba ng kaniyang bewang na kinakailangan sa pagsayaw ng igal-igal.

Habang pumapalakpak si Maria ay naalala niya ang kaniyang inang namayapa na makalipas ang tatlong taon.

Nakita niya sa alaala niya ang makurbang katawan ng ina habang sumasayaw

"nay, anong tawag sa sayaw na yan? "
Naitanong niya.

"ito ay daling-daling mula sa Sulu, kung saan ako ipinanganak. Halika anak sabayan mo ako.. "

Ayon sa kaniyang malabong alaala, sinabayan niya ang kaniyang ina sa pagsayaw nito. Narinig niya ang kanilang tawanang mag ina habang sumasayaw.

May luhang pumatak sa kaniyang mga pisngi.

Pinunasan niya ito.

Nagtungo si Maria sa kaliwang bahagi ng kagubatan. Inakyat niya ang pinakamatayog na puno roon. Kapag nalulungkot siya, tumatahan siya agad kapag nasa tuktok na siya.

Nang makarating nga sa tuktok nito. Sinalubong siya ng sariwang hangin. Mula sa itaas, pinagmasdan niya ang napakagandang tanawin ng karagatan. Isa isa niyang binilang ang mga vintang nasa ibabaw ng dagat na kasalukuyang nangingisda. Nakita rin niya ang mangilan ngilan pang mga bangkang-bahay sa tabi ng dagat. Hanggang sa matuon ang mga mata niya sa dati nilang bangkang-bahay. Sira-sira na ito. Nawasak kasi ito ng malakas na bagyo.

Dinala siya ng kaniyang alaala nang unang araw ng pagtapak niya sa lugar na ito. Kasama ang kaniyang ama't ina. Sinalubong sila ng kaniyang Lolo't Lola nang dumao ang roro sa isla. Mahigpit ang yakap ng mga ito sa kaniyang ina. Naiyak ang kaniyang Lola nang ipakilala siya sa mga ito. Saka siya binuhat at niyakap ng mga ito.

Pinagtitinginan sila ng mga naroon sa isla dahil sa kanilang suot.
Nakita niya ang pag aalala sa mga mata ng kaniyang ama habang sila'y naglalakad patungo sa bangkang bahay nila Lolo.

Malayong malayo ang itsura ng lugar na iyon sa kanilang pinanggalingan.

Unti unting natutunan ng kaniyang ama ang pangunahing hanapbuhay ng mga badjao, ang pangingisda.

Narinig niya ang boses muli ng kaniyang namayapang ama.

"anak basta't kasama ko kayo ng naynay mo, walang hindi kakayanin ang Itay mo.. "

Ang mga salitang iyon ang laging bulalas ng kaniyang ama sa tuwing uuwi galing sa pangingisda.

Isang araw, habang tulog ang lahat ng naroon. Dumating ang malakas na bagyo. Pinagmadali ng Sultan sa isla na umakyat sa bundok dahil sa malalaking daluyong ang paparating.

Malinaw sa kaniyang alaala habang sila'y tumatakbo papuntang bundok.

"Mauna na kayo. May kailangan akong balikan. Importante iyon sa anak natin.. Yon na lang natitirang katibayan ko balang araw kung sakaling hanapin siya nila mama't papa.. "

Kahit anong pigil ng kaniyang ina ay nagtuloy pa rin ang kaniyang ama.

Nang sila ay makaakyat sa bundok. Bumalik ang kaniyang ina sa tabing dagat para pigilan ang kaniyang ama.

Makalipas ang halos isang oras, mag isa lang na bumalik ang ina dala ang maliit na kahong gawa sa kahoy. Umiiyak ito sa harap niya.

"anak, hindi ko nailigtas ang ama mo.. Tuluyan na siyang nilamon ng malalaking tubig habang tumatakbo patungo rito.. "

Tumulo muli ang mga luha ni Maria, matapos maalala ang nakaraan.

Humangin muli at huminga siya nang malalim saka ibinuga.
"Tay, Nay... Malapit na po ang Shaaban, mag iipon ako ng pang alay sa panginoong nagbabantay ng kaluluwa para makausap ko kayo." sambit niya.

Matagal siyang lumagi sa taas ng puno hanggang sa bumuti ang pakiramdam niya.

Nagdesisyon siyang bumaba na nang makarinig siya ng sunod sunod na putok.

"ano 'yon? " pagaalala niya.

Narinig niya ang mga sigawan ng kaniyang mga katribo.

Ang mga tawanan kanina ay napalitan ng magigimbal na sigawan.

Nagmadali siyang bumaba ng puno. Tumakbo siya sa pinagdadausan ng kasalan.

Napahinto siya nang tumambad sa kaniyang harapan ang mga sugatang matatanda at lalaki sa tribo. Napakaraming nagkalat na armadong lalaki sa kanilang lugar. Hawak ng isa ang kanilang Sultan.

Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng lalaki sa buong tribo. Pero kitang kita ang takot sa mga mata ng naroon.

Hindi niya makita ang kaniyang Lolo't Lola. Kinabahan siya.

Napaatras siya dahil sa takot. Dahan dahan siyang lumakad para makapasok sa isang kubol pero napasigaw siya nang makapasok rito.

Tumambad sa kaniya ang hubot hubad na katawan ng kaniyang gurong si Johara, limang lalaki ang nagtataas na ng kanilang mga pantalon.

Sumenyas ang isa na ilabas siya ng kubol. Pero bago pa siya mailabas nakita niyang binaril sa ulo ang kaniyang guro ng lalaking naiwan roon.

"'wag!!! " pagmamakaawa niya.

Sumigaw siya.
Paghihinagpis ang sigaw na iyon.
Pero walang nagawa ito.

Sa hapagkainan ng pamilya Fuentebello, nagulat si Aileen matapos bumagsak ang lahat ng laman ng dine-in table na hinawi ng kaniyang kapatid na si Greg dahil sa galit nito sa kaniyang ama.

"ano bang akala mo sa akin Dad? Bulag? Hindi nakikita ang kasamaan mo kay Mommy? She died because of you!  You never loved her eversince yet she loved you more than her own life. How dare you replace my mom to that kind of woman!? " galit niyang sabi sa ama.

Tinukoy niya ang girlfriend ng kaniyang ama na nakaupo sa tapat niya.

Sinampal siya ng kaniyang amang si Luis.

"will you shut up! Your tita Lea will be my wife whether you like it or not. So learn to accept that. She deserves respect from this family because this woman sacrifices so many things in these family, especially you! And stop talking about your mom in front of your tita Lea! " sumbat ng ama.

"wala kang kuwentang asawa!  Lalong wala kang kuwentang ama!! " bulalas niya.

Agad siyang sinaway ni Aileen.

"stop it Greg! This is too much! --stop acting like a kid. Huminto ka na please.. " makaawa nito sa kapatid.

"I'm not a kid anymore ate.. You're a coward. Maging matapang ka naman para kay Mom."

Napayuko si Aileen.
"it's not like that Greg, I'm just trying to be matured enough.." tanggol niya sa sarili.

Nagbanta siya sa ama niya.
"Kapag pinakasalan mo ang babaeng yan, kailanman hinding hindi kita matatanggap na ama! "

Lumapit si Luis sa kaniya.
"you have no idea of what's really happening here my son.. Someday you'll understand me. " paiyak niyang sabi.

"don't ever call me my son again." seryosong sabi ni Greg.

Binasag muli ni Greg ang hawak na plato.
"walang kuwenta ang family dinner na to! "

Napaluha si Lea sa mga nasaksihan.

Tuluyang umalis at lumabas ng kanilang mansyon si Greg.

"Greg!" pigil ni Aileen.



KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon