(Exciting!! Let's find out how this episode will enjoy and thrill you more!!)😁
Matagal na napatitig si Mitch kay Lionel.
"Paanong nagpakasal si Maria sa'yong hayop ka?" tanong ni Mitch sa sarili na nanggigigil na lukutin at punitin ang dokumentong nakita niya.
Ibinalik niya ito sa drawer at naghanap ng susi ng sasakyan.
"A-anong hinahanap mo?" tanong ng babaeng lumabas na sa maliit pang silid kung nasaan ang closet na pinaggalingan niya.
Ikinagulat pa ito ni Mitch. Binulungan niya ito..
"Bakit ka lumabas? Eh kung gumising ang hayop na to?-- "
Kitang Kita ni Mitch ang pag aalala sa mukha ng babae.
"Aalis ako.. hindi ko na kayang magtagal pa rito ni Isang minuto pa.." bulong rin nito sa kaniya.
Tinungo ng babae ang mesa sa mini sala at may hinanap sa ilalim nito. Nagtatakang sinundan siya ni Mitch. Hanggang may maliit na drawer sa ilalim ng mesa ang hinugot ng babae.
Mga susi ang nakita niya. May hinanap na susi ang babae.
"Anong ginagawa mo?--- " bulong muli ni Mitch.
At nang makuha nito ang susi.
"Ito yon, ito ang susi ng 4 x 4 niyang sasakyan. Ito ang kaya kong imaneho dahil nagkaroon ako ng jowa noon na may ganitong sasakyan..." bulong din nito sa kaniya.
Kinakabahan si Mitch pero pilit na pinalalakas ang loob. Nauunawaan niyang gusto na talagang makaalis ng babaeng kaharap nito sa pudir ni Lionel. Pero kailangan din niyang makaalis bago gumising ito dahil pinakawalan niya ang bihag nito.
"May alam akong lugar na maaari nating puntahan.. sigurado akong papatayin ako ng hayop na lalaking yan kapag nalaman niyang pinakawalan Kita.." sagot ni Mitch.
Tumango ang babae.
"Mary ang pangalan ko.. mauuna na ako sa baba. Magkita na lang tayo roon.." pagmamadaling sabi nito.
Mabilis na lumabas ang babae na paika ika pa kung maglakad. Bunga ito ng matagal niyang pagkakabaluktot sa closet.
Pilit na inalala ni Greg ang address na nakalagay sa kapirasong papel na itinago niya sa drawer habang binabaybay ang daan patungong bodega. Pero dahil sa dami na ng mga nakalagay sa utak Niya at mga plano pati na rin ang katagalan nito ay nakalimutan na niya.
"Shit bakit hindi ko maalala??" sa isip ni Greg na sumuntok pa sa Isang palad nito.
Napansin siya ni Cortez.
"May problema ba?"
Nagbuga ng hinga si Greg.
"Nag aalala ako kay Maria.." sagot nito.
"Kung magiging mabilis ang utak niyang mag isip at hindi magpapanic.. magagawa niya ang plano.." sagot ni Cortez na ang tinutukoy ay si Mitch.
Napatingin lamang si Greg sa kaniya. At hindi rin niya maalis sa isip na mag alala ngayon kay Mitch.
Hinimashimas ni Joel ang baril sa harap ni Maria.
Kahit anong pikit ni Maria ng mga mata niya para makita muli si Joel pero bigo siya dahil si Lionel ang nakikita niya ngayon sa harap niya.
Nagbalik siya muli sa ganitong sitwasyon din."Maria.. Maria... Aking pinakamamahal na asawa.. " boses ni Lionel.
"Hindi kita asawa!" Galit na sabi niya habang nakaupo at nasa harapan ang papel na pinapipirmahan sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...