Kadena 110

36 2 0
                                    

Kahit punong puno ng pagtataka si Lea sa pinasok na lugar ay may pakiramdam siyang may kailangan siyang malaman ngayong araw.
Nagtataasan na ang mga damo at inaakyat na ang lumang gusali sa paligid. Mababakas ang katagalan ng gusali. Pero kitang kita rin ang katibayan nito. Sa palagay ni Lea, may walo Hanggang sampung ektarya ang lawak ng pinasok nilang lupain na napakalayo sa highway at lalo na sa mga kabahayan.

Samantala, masuring pinakikiramdaman nina Luis at Lyra ang mga galaw ng lalaking nauunang maglakad sa kanila. Sinisiguradong walang gagawing masama sa kanila.

May naririnig silang mga galit na ungol ng isang lalaki na sa palagay ni Luis ay nasa ground floor ng gusali.

"Sino ang umuungol nang sobrang galit?--- kasamahan nyo ba yon?" naitanong ni Luis sa lalaki.

"Wala yon sir.. 'wag nyo ng pakialaman pa yon. " Mailap na sagot nito.

Napasinghal naman si Lyra.

"sigurado bang may dadatnan kaming maganda sa pupuntahan natin?--- Kasi pang limang hagdan na yong inaakyat natin pero hindi pa tayo humihinto?-- gaano pa ba kalayo ang lalakarin namin? Paalala lang buntis ang ate ko.." inis niyang sabi.

Napasulyap ang lalaki sa kaniya. May yamot na sumagot ito.

"Malapit na po ma'am." sarkastikong sagot niya.

Sa ikalimang palapag, matapos malagpasan ang apat na magkakasunod na kwarto ay nahinto ang lalaki..

"nandito na tayo Sir.. " mabilis na isinusi ng lalaki ang hawak nitong susi sa kandadong nakalagay sa grills ng pinto.

Napansin nina Lyra at Lea na may awang sa grills sa bandang ibaba at may mga butil ng kanin ang nagkalat sa sahig. Pareha sila ng iniisip na rito ipinadadaanan ang pagkain ng sinumang nasa loob ng kwarto.

Buong lakas na hinila ng lalaki ang grills ng pinto para buksan ito.

"Sir pakilabas na lang po yong susi ng pinto.. " tukoy nito ang ibinigay ni Greg sa kaniya.

Dinukot na niya ito sa bulsa ng pantalon niya.

"Sino ang nasa loob ng kwartong yan?" tanong agad ni Lea.

Nagkatinginan sina Luis at Lyra. Hindi na nakatiis si Luis.

"Yong mag Ina.. sina Editha at Rodolfo." Pag amin ni Luis.

Nanlaki ang mga mata ni Lea. Mabilis niyang kinuha ang susi. Siya na ang nagsusi ng pinto. Buong lakas niyang itinulak ang pinto. Nang makapasok ay hinanap agad ng mga mata niya ang dalawa.

"Nasaan sila?!" gigil niyang hanap.

Ikinagulat naman nina Editha at Rodolfo nang makita sina Lea at Luis na nag aalmusal nang mga sandaling iyon. Nalaglag pa nga ni Rodolfo ang pinggan niyang hawak kaya natapon ang laman nito sa sahig.

"B-bakit kayo nandito??" nasambit na lamang ni Rodolfo.

Nakapasok na rin sina Luis at Lyra sa loob. Nakita nilang nasa isang maayos na kama si Editha. Malamig din ang kwarto dahil sa aircon. Napakaayos din ng kabuuan ng kwarto. Walang mga kadena ang kanilang mga kamay o mga paa. Para silang nasa Isang studio type room. Pero napansin ni Luis na naka grills ang labas ng mga bintana.

Mabilis na lumapit si Lea kay Rodolfo. Sinampal niya Ito.

"Sinungaling ka!! Mga manloloko kayo!!" galit na hayag ni Lea.

Sinugod rin niya si Editha. Pinuwersa niyng hinaltak ang damit nito at gigil na sinabing..

"Ngayong nagkita ulit Tayo Manang Editha, sagutin mo ang tanong ko!!---- sino ang lalaking gumahasa sa akin?!!" gigil na gigil si Lea.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon