Hindi makapaniwalang muling matatapakan ni Maria ang kaniyang lupang tinubuan. Nasasabik na siyang mayakap ang Lola niya na halos dalawang taon niyang hindi nakita.
Sinalubong siya ng kaniyang Lolo at ni Ramjid nang makababa siya sa roro. Umiiling iling na yinakap siya ng kaniyang Lolo.
"kung bakit ba naman ako pumayag noon na maunang umuwi at iwan ka sa Maynila.. E magaling naman na ako non.. Ano pa ba kasi ang kailangan mong asikasuhin doon? " tanong ng Lolo niya.
Ngumiti lang ang apo.
Kusang kinuha ni Ramjid ang tatlong malalaking bag na dala niya.
Sumenyas si Ramjid sa kaniya saka siya niyakap nito.
Yumakap din si Maria.
"ako din, nasabik din akong makita kita.. "Nagsimulang lumakad ang tatlo patungo sa bundok.
Napansin ni Ramjid na kanina pa parang may hinahanap ang kaibigan.
Sumenyas siya rito at agad na naunawaan ito ni Maria.
"ha!? Matagal ng wala ang gurong si Joel? "Ang Lolo na niya ang nagpaliwanag.
"Nang dumating ako rito, andito pa siya pero dalawang buwang lumipas ay nagpaalam na siyang aalis na? "" saan daw siya pumunta Lolo? " tanong niya.
Nagkibit balikat ang matanda.
At maya maya nagsalita rin.
"e baka gusto na niyang mag asawa.. Magkapamilya. Matanda na rin ang taong yon.. Halos sampung taon ang agwat ninyo."Dahan-dahang napatango si Maria.
"kung ganon hindi niya ako nahintay.. "
Sambit niya.Napansin ni Maria na mabibilang na lamang ang mga bangkang bahay sa tabi ng dagat.
"Lo nong lumuwas tayo hindi ba maraming bumaba sa bundok para rito manirahan ulit dahil sa pagsugod ng mga rebelde.. ""Bumalik uli sila sa bundok. Iniutos ng mga militar na lumagi naroon dahil mas ligtas ang lahat doon lalo na sa mga bagyo.. "
"M-militar??" takang tanong niya.
Kinalabit siya ni Ramjid at itinuro ang mga ilang militar na naglalakad sa tabing dagat pati ang itinayong kampo sa kanang bahagi ng paanan ng bundok.
"sila po ba yon? " paglilinaw niya.
"nong dumating ako, andiyan na sila. Mayroon din silang maliit na kampo pa sa taas ng bundok. Malapit sa atin. Hiningan sila ng tulong ng gurong si Joel. " paliwanag ng Lolo niya.
Nagkuwento rin ai Ramjid kung paano nakipaglaban ang mga militar sa mga rebeldeng umaalipin sa kanila.
Nakahinga nang maluwag si Maria.
"kung ganon, ligtas na tayo. "Tumango si Ramjid at pumalakpak.
Nang makarating sila sa paanan ng bundok ay hinarang sila ng isang militar. May dala itong baril na mahaba.
Itinuro si Maria.
Maagap na sumagot ang matanda.
"ahh sir siya ang apo ko galing siya ng Maynila kaya ganyan ang suot niya. Dito na siya lumaki. Nagpagamot lang kami noon sa Maynila. " may paggalang na paliwanag nito.Yumuko si Maria bilang paggalang niya.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa."ganon po ba?? " minasdan ang mukha ni Maria.
"Maganda po siya.. " sabi nito.
Pumalakpak si Ramjid at sumenyas ng 'ok'.
Pero nainis si Maria.
"hindi po ako maganda sir.. Baka malabo lang ang mga mata ninyo. " sabi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...