Kanina pa hindi mapakali si Greg sa loob ng simbahan. Hindi sinasagot nila Aileen at Delia ang tawag niya para sana kumustahin kung papunta na ba sila sa simbahan. Lutang na lutang ang kagwapuhan ni Greg sa suot nitong white suit.
Kanina pa naman siya napansin ng ama niyang si Luis. Kaya't minarapat na niya itong kausapin.
"Greg just relax, I'm sure everything will be ok. Darating siya rito nang maayos at ligtas" payo ni Luis.
Naningkit ang mga mata ni Greg at napaiiling.
"this is my special day. Don't ruin it and stop acting like you really care for me. Isa pa, hindi ko Gustong narito kayo ngayon, pinagbigyan ko ang hiling ni Maria. " inis na bulong nito sa ama.
Huminga nang malalim si Luis para pigilin ang sariling magalit.
"whatever you say, the most important thing right now is we're here in your wedding. And we are so happy for you. " pagpapaalam ni Luis.
Bumalik si Luis sa tabi ni Lea kung saan sila nakaupo. Masama pa rin ang tingin ni Greg sa dalawa lalo na kung nahahagip niya sa paningin ang mga ito. Kinontak niya ang kaniyang ninong Ed dahil sinigurado nitong darating siya.
Makailang beses siyang komontak pero hindi rin ito sumasagot.
" why everybody is not answering my calls?" yamot niyang tanong sa sarili.
Inilibot niya ang mga mata niya sa paligid ng simbahan para siguraduhing maayos ang lahat.
Nailatag ng napakaganda ang mga disenyong pinili niya bilang wedding decorations gaya na lamang ng pagpuno ng mga white and peach colored-tulips sa main door entourage hanggang sa dulo ng altar kung saan niya hihintayin si Maria, sa mga gilid naman ng center aisle ay inayos ang mga puting rosas na parang mga paru parong lumilipad, at naikalat din ang napakaraming red rose petals sa daraanan ng bride. Pati ang kanilang upuan ay ginawang magical dahil pinalibutan ito ng napakaraming puting bulaklak.
Halos kompleto na ang kani kanilang bisita. Naka abang na rin ang Lola ni Maria sa pinto ng simbahan habang may dalawang nurse ang nagbabantay sa magkabilang gilid ng stroller patient's bed. Hindi pa rin ito gumigising kahit pa ilang beses na ikinukuwento ni Maria ang nalalapit na araw na ito. Nasa tabi naman si Doktor Christian na umaantabay sa pasyente nito. Alam ni Greg na napaka hassle ng pagdadala ng isang pasyente sa ganitong klaseng okasyon pero dahil ito ang hiling ni Maria, ginawa niya ang lahat mg paraan para madala at makarating ang Lola nito sa kasal nila.
Naroon na ri si Fatima at ang mga anak nito na magsisilbing ring bearer at ang bunso bilang flower girl. Si Manang Delia na halata ang tuwa sa kaniyang mukha ngayon. Kumaway na rin si Attorney galvez sa kaniya. Nakita na rin niya ang pagdating ng kaniyang grandma sakay ng bagong biling limousine car nito. Halos kompleto na, maliban sa kaniyang ninong Ed na inaasahan niyang maghahatid sa kaniya sa altar.
Si Joel ay nasa loob pa rin ng sasakyan niya. Hindi niya mapaglabanan ang lungkot na nararamdaman ngayong ikakasal na ang babaeng dapat sana ay pakakasalan niya. Pinunasan niya ang nangilid na luha saka tiningnan ang sarili sa salamin kung hindi halata ang pamumugto ng mga mata niya dahil sa pag iyak.
"It's me the one drag you into this.. " pagsisisi niya.
Samantala, habang hinihintay ni Samuel ang pagbaba nila Aileen at Maria mula sa elevator ay hindi rin niya maiwasang maging emosyonal.
"pambihira.. Tama ba itong pagpapakasal ng kapatid ko kay Greg dahil lang sa utang na gusto nitong bayaran? " pag aalala niya.
Ikiniskis niya ang magkabilang palad niya para pakalmahin ang sarili.
"Greg is a good person and I know that Maria is in good hand.. Pero sana panindigan siya nito hanggang dulo kahit pa malaman mo ang totoo. " mga bulong nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romansa"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...
