Hindi makatulog si Greg dahil sa tawag ni Savanna sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang iba ang tinutukoy niyang babae, samantalang sa kaniyang sariling pagkakaalam ay kasama na niya ngayon ang babaeng nakapiling niya ng isang gabi sa madilim na kwarto sa kanilang hotel, at walang iba yon kundi si Maria.
Matagal niyang minasdan si Maria na nakahiga sa tabi niya.
"Who's that girl that Savanna is talking about? --tutuloy pa ba akong makipagkita sa kaniya??" tanong ni Greg sa isip niya.
Hindi siya nakontento sa di mapakali niyang galaw sa kama. Tumayo pa siya at nagpunta sa terrace. Hindi pa rin tumigil sa kaiisip sa babae yon sa hotel.
Inalala niya ang nakaraan.
"paggising ko kinaumagahan.. Wala na siya sa tabi ko.. Ni hindi ko na nga maalala yong tsekeng pinirmahan ko. What I only remember is the blood stained in the bed in that morning." sa isip niya.
Huminga nang malalim.
"what should I know with this girl claiming that she's the one I'm with in the dark room? -- should I meet her? Am I wrong with my apprehension? But Maria.. I think she's the One I'm looking for. Ano bang paraan ang dapat kong gawin para malaman kung siya talaga yon?? " magulo ang isip ni Greg.
Nagpunta ito sa kitchen at naghanap ng alak na pwedeng makatulong sa kaniya mag isip.
Swerte naman na mayroong mga nakalagay sa refrigerator sa kanilang room. Kaya mag isa siyang uminom sa sala..
Halos makakalahati na niya ang laman ng bote ng alak na iniinom niya.
"should I do it again? To whom? --with the girl claiming this day or with Maria?? " natatawa niyang pag iisip ng paraan.
Lumipas pa ang dalawang oras at hindi pa rin siya makatulog. Naisip niyang lumabas at maglakad lakad sa beach sa kalaliman ng gabi.
Samantala, si Samuel ay nasa isang resto bar malapit sa beach. Gaya ni Greg hindi rin siya makatulog dahil naguguluhan din siya sa kaiisip ng katotohanan sa kaniyang buhay.
Wala siyang tigil sa pagkalikot ng kaniyang cellphone kaka search sa kaniyang Tito Boyet sa kahit na anumang social media. Pero bigo siyang makita ang tunay niyang Tito Christopher "boyet" Locsin.
"nasaan ka na ba Tito? Ikaw na lang ang nakakaalam ng lahat.. " sambit niya.
Nakaubos na ito ng sampung bote ng alak kaya't nalasing na siya.
"Paano bang nangyaring magkapatid kami ni Maria.. " panay tanong niya sa sarili.
Nagsimula siyang magtanong sa mga taong malapit sa kinauupuan niya.
"bro do you know my uncle boyet Locsin? --he's a Doctor actually.. Baka naman nagamot niya kayo minsan? " pasuray suray niyang tanong.
Inisnab lamang siya ng mga ito.. At patuloy na nangulit sa mga taong naroon. Hanggang sa mga nagsasayawan sa dance floor ay wala siyang tigil sa katatanong sa mga taong naroon.
Nagalit siya at nagsimulang magwala sa loob ng bar. Maraming mga lalaking naroon ang nainis sa kaniyang ginawa kaya pinatulan siya ng mga ito hanggang sa nakipagpalitan na siya ng suntok sa mga ito. Dahil nag iisa lang si Samuel, nakaranas siya ng ilang galos at pasa sa mukha.
Mabuti na lamang at nakatawag agad ng security ang manager ng resto para pigilan ang kaguluhan.
Nang mga oras naman na iyon ay lumabas ng kwarto si Maria nang makitang wala sa tabi niya si Greg. Hinanap niya ito sa restaurant kung saan sila kumain nong unang araw nila roon. Pero hindi niya nakita si Greg doon.
Naglakad pa siya sa mga susunod na gusali nagbabakasakaling makita si Greg.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...