Sa loob ng sasakyan ni Lea ay hindi nito mapigil ang paghagulgol dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakamit ang katarungan sa nangyari sa kaniya.
"akala ko malapit ko ng matapos ang mga paghihirap na to Lyra.. Pero bakit napaka ilap sa akin ng tadhana? Gusto kong malaman kung sino ang gumawa sa akin ng kahayupang yon! -- at kung sinoman siya, Ako mismo ang magpaparusa sa kaniya.. " paglalabas niya ng hinanakit sa kapatid.
"ate wag kang sumuko. Gaya ng ginawa mo sa akin. Nagtiyaga ka sa akin noong hindi pa maayos ang lagay ko.. Pero ito ngayon ang bunga ng paghihintay mo. Tatlo na tayo ngayon, si Kuya Luis, Ikaw at ako. Laban mo, laban din namin. Hindi ka namin iiwan para makamit natin ang katarungan.. " pagbibigay pag asa ni Lyra.
Pinunasan niya ang luha niya.
"akala ko maayos na ako after I treated many years in the mental hospital. Pero ito I'm still got affected everytime I remember the worst scenario of my life. Gusto ko ng tapusin ang buhay ko noon, pero lagi kong iniisip ang anak ko.. To be honest with you, he's my only hope. Gusto ko ayusin muna ang gusot ng buhay ko. Bago humarap sa kaniya. Matanggap niya ako gaya ng pagtanggap sa akin ni Luis. Wala kahit na anuman ang maipagmamalaki niya sa akin bilang ina niya. Isang kaawa awang baliw, isang rape victim na hanggang ngayon hindi masumpungan ang katotohanan at katarungan at isang inang nagtatago pa sa madilim kong nakaraan.. " paliwanag ni Lea.
Huminga nang malalim si Lyra para makabuwelo ng sasabihing opinyon.
"e bakit hindi nyo pa pinatay ang hayop na Rodolfong yon? Napakatagal na panahong nasa inyo na siya. Naniniwala akong siya ang may pakana nito! -- iharap mo siya sa anak mo para malaman niyang hindi mo gusto ang lahat ng nangyari sa'yo. " matapang nitong sabi.
Seryosong tumitig si Lea sa kaniya.
"dahil naniwala akong siya ang ama ni Greg.. Isa pa, hindi siya ang mastermind. Si Jane ang may gawa nitong lahat.."
Kumunot ang noo ni Lyra.
"Jane?? --yong bestfriend mo ba ang sinasabi mo?? " gulat na paglilinaw ni Lyra.
Tumango si Lea.
"hindi ko alam noon na may lihim siyang nararamdaman para kay Luis. Pinagkatiwalaan namin siya sa lahat ng desisyon namin ni Luis. Ang plano naming magtanan. Lumabas ng bansa at doon magpakasal dahil sa matinding pagtutol ng mga magulang ni Luis sa akin.. Pagkatapos sana ng bisperas ng pasko, magtatanan na kami pero nangyari ang pagpatay sa inyo.. " pagbubunyag niya.
"ang hayop na yon!! --napakaamong tupa niya sa tuwing haharap sa pamilya natin. Naging napakabuti natin sa kaniya. Lalo ka na, na bestfriend niya. Para mo na naga siyang itinuring na kapatid din.. " panghihinayang ni Lyra.
Tumango siya.
"balat kayo ang lahat ng iyon. Kinaibigan niya ako nang malaman niyang ako ang nobya ni Luis. Niloko rin niya si Luis, akala niya kakampi niya si Jane. Pero sa huli nalaman na lamang niyang siya pala ang babaeng ipinagkasundo ng mga magulang niya para mapangasawa ni Luis.Nagtagumpay siyang papaniwalain si Luis na patay na ako dahil maraming taon na nawala ako. Inakala niyang isang massacre ang nangyari sa pamilya natin noon. At lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na dinala tayo ng mga kriminal para patayin din sa ibang lugar. " kuwento ni Lea.
Unti unting nauunawaan ni Lyra ang lahat.
"pero paano pa natin pagbabayarin ang hayop mong bestfriend e patay naman na siya? " bulalas ni Lyra.
"pero nag iwan siya ng napakalaking dagok kay Luis at lalo na sa akin.. "
Sumang ayon agad si Lyra rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...