Kadena 29

66 8 0
                                    

Kadena_de_Amor
#29thpost

Yamot na yamot si Samuel na bumaba ng sasakyan nang marating ang parking area ng mall. Nakasimangot itong minamasdan ang dalawa na naglalakad patungo sa entrance door ng mall.

Sinusundan ni Maria ang bawat lakad ni Greg.

"pambihira, iniiwanan mo na lang ako ng ganto Greg. Tapos kanina, uupo ako sa front seat dahil doon naman talaga ang puwesto ko kapag nakasakay ako sa astig na sasakyan mo pero pinaupo mo ang baliw na babaeng yan sa tabi mo at ako sa likod. What's happening to you Greg? " panay ang daldal nito habang sinusundan si Maria.

Mabilis na nakatawid ng kalsada si Greg, samantalang sinalubong ng maraming taong tatawid din sa kabilang linya si Maria kaya't nawala sa paningin niya si Greg.

Nag makeface si Samuel habang nakikitang tila di alam ang gagawin ni Maria nang mahiwalay kay Greg.

"buti nga sa'yo.. " sambit niya.

Pero agad napasigaw siya nang makitang masasagasaan na si Maria dahil sa paparating na sasakyan sa left side ng kalsadang tinawiran niya.

"oy magandang baliw mababangga ka!! " sigaw ni Samuel.

Mabilis na nagpreno ang driver ng kotseng paparating. Natakot si Maria nang pinagtinginan siya ng mga tao. Mabilis siyang umupo at tinakpan ang sarili ng dalawang kamay niya.

Nang marinig ni Greg ang sigaw ni Samuel ay agad na hinanap si Maria pero wala na ito sa likod niya. Nagtataka rin siya kung bakit nagkumpulan ang mga tao sa likuran niya. Hinawi niya ang mga ito at pilit na nakiraan.

Nakita niya si Maria na sinisigawan ng driver na nasa loob ng kotse.

Kumaripas nang takbo si Greg at sinipa ang sasakyan ng lalaking sumisigaw.

Seryoso niyang binulungan ang lalaki nang makalapit ito.

"tigilan mo ang pagsigaw sa kaniya. In the first place, that woman has nothing to do with your anger. She did not violate any road rules. Nasa pedestrian lane sya. Dapat nagmenor ka, you're  not allow to drive so fast when people are crossing in that lane, wait them to cross the lane until the last one. Isa pa, nasa parking area ka ng Mall wala sa main road so don't drive with your killing speed. " gigil niyang sabi.

Sumagot ang driver.

"yang babaeng yan ang parang tangang humarang sa daan." sumbat ng driver na napakayabang kung umasta.

Tumawa nang mapang asar si Greg.

"hoy lalaking wala namang maipagmamayabang. Nakikita mo yong red sportscar na nakapark? Ten million ang halaga ng sasakyan kong yon, kumpara sa pipitsugin mong kotse. Isa pa, let me inform you that malls have one rule policy.. Yon ay VIP first.. " saka ipinakita ang card nito na may nakalagay na 'VIP first to serve'.

Biglang nanahimik ang lalaki. Ngumisi si Greg saka tumawag ng guard na nagbabantay sa lane na iyon.

"officer may irereklamo ako! " mayabang niyang sabi.

Lumapit ang guard. Natakot ang driver. Mabilis siyang hinaltak nito para makipagkasundo.

"ay naku sir, nagbibiro lang naman ako.. Wag na nating palakihin to.. Magkano ba ang ibabayad ko sa perwisyo ko? " dali daling sabi ng driver.

Napapailing si Greg.

"alam mo mag sorry ka don sa babaeng pinagmumura mo. Bilis bumaba ka at mag sorry sa kaniya!" utos ni Greg habang nakaturo sa kinaroroonan ni Maria.

Nakaupo pa rin ito at tinatakpan ang sarili ng mga kamay nito.

Bumaba ang driver at mabilis na lumapit kay Maria.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon