Kadena 57

36 4 0
                                    

Nagpaalam si Greg kay Maria na lalabas lamang saglit para magduty sa clinic ng umaga. Babalik din siya ng alas dose para magtanghalian sila ng sabay. Humalik ito sa noo niya bago isinara ang pinto.

Nagkasundo ang dalawa na pagsasaluhan nila ang paboritong adobo ni Greg. Ang adobong natikman niya sa Sulu noong magkita sila.

Kaya maagap siyang naglinis sa bawat sulok ng condo ni Greg. Nagdilig ng kaniyang mga tanim na gulay at namlantsa ng mga damit ni Greg.

Pagkatapos niyang gawin ito ay saka pa lamang niya naumpisahang ihanda ang mga kinakailangan niya sa pagluluto. Nang ilabas niya ang karne ay nakatadtad na ito ng pang adobo. Nakita rin niya sa loob ng refrigerator ang isang lagayan na may nakalagay pang note si Greg.

"hindi mo na kailangang maghiwa mahal. Ipinaghiwa na kita ng mga sahog ng adobong iluluto mo.. -- Greg." napangiti si Maria nang matapos itong basahin.

Pakukuluan na niya ang baboy nang narinig niyang may nag door bell. Ilang segundo tumunog ang cellphone nito. Tawag ito mula kay Aileen. Sinagot niya ito.

"ate Aileen napatawag ka?" tanong niya.

Ipinaalam niya agad na pagbuksan siya ni Maria dahil nasa labas sila ngayon.

Madaling tinungo ni Maria ang pinto para pagbuksan si Aileen.

Matapos niyang matanggal ang double lock ng pinto ay bumungad sa kaniya si Aileen at Lea. At isa pang babae na mas bata kay Lea.

Natuwa si Maria na makita muli si Lea na huli niyang nakita noong sila'y nasa Sulu pa.

Bumati si Aileen ng beso kay Maria. Napayakap naman si Lea sa kaniya. Magaan ang loob niya kay Lea una pa lang na magkita sila sa Sulu.
Ipinakilala agad ni Lea ang kapatid na si Lyra.

"pasok po kayo at maupo. Tatawagan ko lang si Greg na nandito kayo.. " aniya.

Pero pinigilan siya ni Aileen.

"hindi na kailangan Maria at hindi niya dapat na malamang nagpunta kami ngayon. Ikaw talaga ang aming sadya. " mabilis na sabi ni Aileen.

Sasagot pa lamang si Maria na dapat itinatawag niya kay Greg ang lahat ng darating na tao sa condo kapag wala siya ay naengganyo siyang makausap at harapin si Lea nang haplusin nito ang kaniyang mukha.

"mabuti at inaalagaan ka ni Greg. Natutuwa ako at ikaw ang kaniyang mapapangasawa.. " paunang bati ni Lea hanggang sa dumako siya sa mga mata ng dalaga.

Ngumiti siya at sinabing.

"may kulay na ang mga mata mo hindi gaya dati. Namumugto at napakalungkot. " sambit ni Lea.

Bahagyang nangiti si Maria. Inalok niya ito ng makakain pero si Aileen na ang nagsabing siya na ang mag aasikaso.

Kaya't naiwan ang tatlo sa sala, habang si Aileen ay nagtimpla ng lemonade na bagay na bagay sa tinapay na dala naman ni Samuel maya maya lamang.

Hindi mapigilan ni Lyra na humanga kay Maria.

"bagay na bagay pala kayo ni Greg.. Made in heaven! " sambit ni Lyra.

Napakunot si Maria sa huling binanggit ni Lyra. At sinalo ito ni Lea para maipaliwanag ni Lea.

"Itinadhana kayo ng langit.. Yon ang ibig niyang sabihin. Isa pa, alam kong may mabuti kang kalooban kaya maswerte sa'yo si Greg. " hayag ni Lea.

Ngumiti si Maria pero itinanggi niya ang lahat ng ito.

"naku, mali po kayo sa akala. Nasa dulo pa po ang lahat ng mangyayari kaya maaga pa po para sabihin ang mga iyan.. " sagot niya.

Napamaang si Lyra. Napa isip at sinabing

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon