Nagising na lamang si Greg na nalulula sa mga awards na natatanggap. Nagkatotoo ang mga hinuha niya sa mga darating na araw. Ilan sa mga natanggap niyang awards ay Bayaning Pilipino Awards, HEALTH Enhancement Research Organization HERO Awards, Philippine's Young Hero Awardee, Catalysts for Change Hero Awards. Sa labas ng bansa gaya ng Asia's Heroes of Philanthropy at CNN Awards.
Nailathala sa sunod sunod na araw ang kaniyang pangalan sa mga magazine at mga kilalang dyaryo lalo na sa on line. Kinailangan na ni Greg na magtago ng sarili sa tuwing lalabas siya ng condo niya dahil sa mga nag aabang na reporters at mga nagsulputang grupo ng mga babaeng humahanga sa kaniya.
Nakasuot ng eyeglasses si Greg, sumbrero at jacket nang umalis sila ni Maria para sa schedule ng check up niya sa nabaling balikat. Dala ang resulta ng X-ray ni Maria na kailangan ng doktor.
Sa harap ng doktor ay positibo si Greg na magaling na ang baling balikat ni Maria. Hanggang sa pinatanggal na ng doktor ang suot na sling shoulder ni Maria dahil maayos na ang bali ni Maria na nakita sa X-ray result nito.
"Good news Maria because your broken shoulder immobilized in it's correct position. But it doesn't mean that you can move your left arm always. Avoid heavy lifting and working too much with your left shoulder." pagbibigay direksyon ng doktor kay Maria.
Hindi naintindihan ito ni Maria at saglit na tinapik ang kaliwang binti ni Greg para sabihin sa kaniya ang ipinahayag ng doktor. Napangiti si Greg na kanina pa nakapangalumbaba dahil mula kaninang naupo sila sa tanggapan ng doktor ay napako na amg titig niya sa mukha ni Maria.
"ang sabi niya Maria blooming ka ngayon dahil daw yon sa pag aalaga ko sa'yo. Sinabi rin niyang bagay na bagay tayo. Kaya ingatan mo ang sarili mo na hindi na mabalian ng buto para hindi na ako nag aalala sa'yo.." pilyo niyang paliwanag.
Napakunot noo si Maria at namula ang pisngi.
"Greg nag usap na tayo, wag mo na ako binibiro ng ganyan.. " inis na sabi ni Maria.
Natawa ang doktor sa narinig niya kay Greg. Hindi man ito nakakapagsalita ng tagalog ay nakakaintindi naman ito kahit paano.
"you two are both funny. Stop mocking around and be serious with your feelings to her.. " tukoy ng doktor si Greg sa huli niyang sabi.
Nangamot na sa ulo si Maria dahil hindi na naman niya ito maintindihan. Samantalang si Greg ay natawa ito nang malakas.
"I like you Doc for being so honest. It's now on the process and I can't wait to have a life with her. Just wait and see Dr. Johnson. Anyway thank you for your great service to my love." pagmamayabang ni Greg.
Iniabot ng kausap na doktor ang pakikipagkamay ni Greg.
"Thank you.. It's good to hear that. " tuwang sabi nito sa kaniya.
Naroon ulit ang pagkadismaya ni Maria sa sarili dahil kahit kaunting salitang ingles ay wala siyang kaalam alam.
Kinuha na ni Greg ang kamay ni Maria para makalabas na silang magkahawak kamay sa ospital. Tiningnan ni Maria ang hawak nito sa kaniya. Palagi nang ginagawa ito ni Greg sa kaniya at hindi na siya nakararamdam ng pagka-ilang sa lalaki. Naging normal na ito na ginagawa ni Greg sa kaniya. Sa palagay ni Maria ay nakuha na ni Greg ang ilang porsyento ng pagtitiwala niya. Dahil iyon sa ipinapakitang kabutihan ni Greg sa kaniya katulad ng mga kaibigang sina Ramjid at Joel.
Samantala, ilang beses hinaplos ni Lea ang picture ni Greg na nakalathala sa magazine na binabasa niya. Hanggang sa nalaglag na lamang ang kaniyang mga luha.
"Greg anak... " sambit niya aa sarili.
Dali dalin namang inilapag ni Luis ang hawak na tray ng lemon tea juice sa mesa nang makitang umiiyak ang asawa. Nang makalapit siya rito ay agad niyang pinunasan ang mga luha nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...