Alas onse na nang gabi nang makumbinsi nina Lea si Dado na sumama sa kanila at makipagtulungan. Matinding paliwanagan ang naganap sa kanilang pagitan pero sa huli ay nagtagumpay pa rin na makumbinsi si Dado.
Dinala nila ito kung saan naroon sina Editha at Rodolfo. At nang makapasok nga ito sa kulungan ng mag ina ay agad na ipinaalala nito sa mag asawa ang kanilang naging kasunduan.
"Alam nyo Ang kaya kong gawin kapag nakalabas ako rito kaya sana tuparin ninyo ang ipinangako ninyo sa akin.." banta nito kina Lea at Luis.
Napakunot noo si Editha na nagulat din dahil sa hindi inaasahang pagdating ng kaniyang lalaking kinasama nang matagal panahon. Samantala si Rodolfo ay hindi naging maganda ang timpla ng pakiramdam niya nang makita ito. Pero wala siyang magagawa dahil ipinakiusap siya ng kaniyang Ina na hanapin ito.
Tumango ang mag asawa.
"Alam namin.. ang kasunduan ay kasunduan. Hindi kami susuway." sagot ni Lea.
"Anong kasunduan ang sinasabi ninyo?--- sa anak mo lang ako nakipagkasundo na kapag nakita Niya ang dati kong kinakasama ay tetestigo kami Laban kay Macaraeg at kaming tatlo ay dadalhin niya sa Ibang bansa. Mamumuhay kami nang tahimik.." singit ni Editha.
Seryosong nakatingin ang tatlo sa kaniya.
Matagal na tinitigan ni Dado si Editha."Sa inyong kasunduan yon.. pero sa pagitan namin ay iba. Gusto kong ako mismo ang magparusa sa Macaraeg na yon." diin ni Dado kay Editha.
Lalong nagtaka sina Editha at Rodolfo.
"Ang pagtestigo natin ay sapat na para maparusahan siya.. ano bang sinasabi mo?" tanong ni Editha.
Insultong tumawa si Dado.. pero mas nangingibabaw ang Galit nito.
"Hindi sapat yon. Kayo lang ang tetestigo at ako.. ako ang papatay sa kaniya!" gigil niyang bulalas.
Nagkatinginan ang mag ina. Napasingit naman si Luis.
"Yon ang gusto niya Editha. Kahit pa ipagpilitan namin na sapat na ang pagtestigo nya.."
Lumapit si Editha kay Dado.
"Bakit?? Bakit gusto mo siyang patayin? Alam mo ang kayang gawin ni Macaraeg?"
maagap na sumagot ang kausap."Dahil niloko nya ako!!! Pinaikot niya ako nang matagal habang ako ay parang asong sumusunod sa kaniya. Hayop Siya.!" sigaw nito habang naaalala ang mga natuklasan nito kanina kaharap sina Luis at Lea.
"Anong ibig mong sabihin??" Sagot ni Editha.
Si Lea ang sumagot.
"May ginawang imbestigasyon si Greg tungkol sa kaniya at koneksyon nito kay Jane at Macaraeg.. kompletong kompleto ang detalyeng nakalap ng anak ko.. at natuklasan naming si Macaraeg at si Jane ang kumamkam sa yaman ng angkan ni Dado at pumatay sa kaniyang mga magulang at buong pamilya niya" salaysay niya.
"Ano?!" hindi makapaniwala si Editha.
Hindi pa rin mawala ang Galit sa mukha ni Dado.
"Paano yon nangyari?" pagpapatuloy ni Editha.
Mabilis na nagbalik sa nakaraan si Dado . Saka siya nagsimulang magsalaysay ng nakaraan.
"Napakatagal kong hinanap kung sino ang pumatay sa kanilang Lahat.. nasa tabi ko lang pala. Si Macaraeg ang pumatay sa buong pamilya ko. Siya ang batang kinupkop ni Ama sa lansangan nang makita itong panay pasa at bugbog ang katawan. Siya ang batang sinasabi ng Nanay ko. Pinakain, binihisan nila Ito at binigyan ng trabaho. At nang magbinatilyo isinama niya ito sa kaniyang grupo." paumpisa nitong kuwento.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...