Nakarating na si Greg sa mansyon pero tumambay na muna sa labas ng garahian ng sasakyan. Nagpahangin muna siya. Ilang beses din siyang nag inhale-exhale para makapagrelaks ang isip niya ngayon.
Hindi niya alam kung paano matanggal ang galit nito sa Ninong Ed niya. Gusto niya itong bigyan ng malalakas na suntok at duraan sa mukha.
"you're a demon!! Pinagsisihan kong naging ninong kita! You'll die for what you had done to Lea and Maria!! Nothing can stop this pain you've caused ninong.. Ang sakit sakit.. " galit niyang sambit.
Nasipa pa ni Greg ang batong nasa paanan niya.
Pinunasan niya ang mga nangilid na luha at muling nag inhale-exhale. Napaiiling nang maalala ang mga unang araw na nagkita sila ni Maria sa Sulu.
"o Maria.. Bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa nangyari to?? " nakaramdam siya muli ng awa kay Maria.
Napaluhod si Greg para isuntok ang nagngangalit na mga kamao nito sa lupa. Ilang beses niyang ginawa ito at sinabing
"I'll make you suffer even more Lionel Eduardo Macaraeg. Humanda ka sa pagkikita natin. Dudurugin kita!" gigil niyang sabi.
Magalaw ang ilaw at hilong hilo na ang NBI police na nahuli ng grupo nila Cortez. Nakagapos ang mga paa at kamay. Duguan na rin ang mukha nito pero hindi pa rin nagsasalita kung sino ang nag utos sa ginagawa nilang imbestigasyon sa Sulu.
"police inspector Garra umamin ka na bago pa mahuli ng mga kasamahan ko ang isa sa pamilya mo. Mas mahirap yon para sa'yo at sa buong pamilya mo. " hikayat niya.
Hindi na maibuka pa ni Police inspector Garra ang mga mata niya dahil sa mga dugong tumutulo mula sa ulo niya.
"mananagot din kayo sa batas, pagbabayaran ninyo ang lahat ng ginagawa ninyo.. " sagot nito kay Cortez
Naramdaman ni Cortez ang kabuluhan ng sinabi nito. Nitong mga nakaraang linggo ay nakokonsensya na siya sa mga kinasangkutan nitong krimen sa boss nitong si Lionel. Pero pinipigilan niya ang sarili dahil kapag inuna niya ito, masasawi ang buo niyang pamilya.
Naupo siya sa tabi ni Garra at binulungan.
"magkano ba ang ibinayad sa inyo ng nag utos at bakit lahat kayong mga nahuli namin ay hindi ikinakanta ang impormasyong ito?" tanong niya.
Kahit mahina na pinilit itong sagutin ni Garra.
"tapat kami sa tungkulin namin at hindi sa perang ibinayad sa amin.. "
"sino bang niloko mo?! Sa mundong ito pera ang nagpapatakbo sa lahat! " maagap na sagot nito.
Marahang umiling si Garra.
"bakit mo itinatanong yan sa akin? Hindi ka ba naniniwalang may mga alagad pa ng batas na tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin? Alam kong pareha tayo ng misyon "to serve and protect the nation and its citizen".. Ito ang dahilan kung bakit ko pinasok ang pagpupulis. Hindi sa pera at kung anomang yaman sa mundo. Kaya nadudungisan ang pangalan nating mga alagad ng batas dahil sa mga gaya ninyo. " paliwanag nito.
Napalunok si Cortez. Pakiwari niya siya'y binuhusan ng tubig mula sa matagal na pagkakatulog.
"sige sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin.. Pero sasabihin ko sa'yo. Mapapa amin ka rin kapag may nahuli sa isa sa mga pamilya mo sa Maynila" banta niya.
Napangisi si Garra.
"matagal nyo ng ginagawa ang ganito at napakalaki na ng kasalanan ninyo sa Diyos. Buhay pa kayo pero sinusunog na ang mga kaluluwa ninyo sa impiyerno! - kung ako sa'yo hangga't may pagkakataon ka pa, lumakad ka sa tama, baguhin mo ang buhay mo at tulungan mo si Maria na makamit ang katarungang para sa kaniya.. " paliwanag nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/219415811-288-k484896.jpg)
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...