Kadena 117

40 2 0
                                    

Sinalubong ni Dr. Christian ang kaibigan nitong si Greg na humingi ng tulong sa alanganing oras sa kaniya. Sa rooftop ng pribado niyang ospital sila nagkita ni Greg. Nagtataka ang driver ni Lionel nang makarating sila rito. Pero pinosasan agad Siya ni Greg at ipinadala sa pinakamalapit na presinto. Wala pa ring malay sina Maria at Lionel. Nagtataka siya kung bakit napakatagal nang epekto ng itinurok na gamot kay Maria. Hindi Niya maiwasang mag alala para sa kaligtasan ng mag ina Niya.

Naging maayos ang mga vital signs ni Maria matapos na mai-check Siya ni Dr. Christian pero si Lionel ay idiniretso agad sa emergency room. Kinakailangan na masalinan siya agad ng dugo para sa operasyon nito.
Nagbuga ng hininga si Greg para ilabas ang bigat ng nararamdaman niya ngayon dahil alam niyang siya ang magdudugtong ng buhay ni Lionel.

"Wala ba kayong available na blood type Niya Dok?" nasambit Niya nang nasa Emergency Room na sila.

Gusto ni Greg na hintayin ang pagmulat ng mga mata ni Maria pero kung siya ang magdodonate ng dugo para sa ama  niya ay malabong mangyari ito.

"I'm sorry Doctor Greg but due to series of emergency calls these weeks, we don't have supplies of blood at this moment. If we are going to request or bumili sa alanganing oras ay matatagalan pa.. This is emergency kapag hindi sya nasalinan ng dugo he will die the soonest.." paliwanag ng kaibigang Doktor.

Nauunawaan naman ito ni Greg dahil alam Niya kung gaano karami na ang naubos na dugo ng Ama niya. Hindi rin naman niya matanggihan ang pangangailangan ng sariling ama. Kailangang isantabi Muna ni Greg ang Galit niya rito para masunod ang nasa plano niya.

Tumango siya kay Christian.

"Sige... Pero kailangan mong masiguro ang kaligtasan ng mag ina ko... " may inilabas na maliit na bote ng gamot at iniabot Niya sa kausap.

"What's this??" tanong ni Christian dahil chinese character ang mga naka-label Dito.

Nakuha ko yan Dito sa jacket nong Isang tauhan ng Ninong ko kanina.. palagay ko yan ang itinurok niya kay Maria. ---- I'm worried Dok, specially to our baby. Baka may side effects or something.." pag aalala niya.

Nakita rin ni Christian ang lubhang pangamba ng kaibigan kaya agad niyang pinakalma ito.
"We're going to check on this.. I have several medical people as reference for this.. Kung anuman yong sasabihin nila, ako na ang bahala. I will save them just as you have saved my family from kidnapping four years ago.." pagtitiyak ni Christian.

Naalala pa Nila ang nakaraang iyon. Pareha pa silang mga intern Doctor noon sa Isang ospital at nang mangyari ang kidnapping ay agad na tumulong si Greg Kasama ang mga pinagkakatiwalaan niyang mga tauhan na sina Alex.

Ngumiti si Greg.

"Well I hope this is not the end of your generosity for me.. " sambit ni Greg.

"Sure my friend.. --- just trust me.." sagot niya.

May ipinakiusap pa si Greg.
"Gusto ko sanang yong botelyang yan ay maibalik sa akin. At bigyan mo na rin ako ng mga extra pang gamit for operation. May emergency rin Kasi akong gagawin pagkatapos nito. Sana hindi magising agad si Ninong.. I mean do something not to wake him up early. Gusto ko tulog pa rin Siya Hanggang sa dalawang araw.." hayag niya.

Tumango si Christian.

"As you wish.. " ngiting sabi nito.

Pinuntahan na muna niya si Maria sa kwarto nito kung Saan ay nakadextrose ito. Dumampi Siya ng halik sa noo nito.

"Please be strong my love.. I've seen in my eyes how brave you are in Cebu. Hindi ka na takot.. I'm proud of you..." hinaplos niya ang nasa sinapupunan ni Maria.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon