Kadena 51 "B"

44 3 0
                                    

Isang oras ang nagdaan. Panay ang galaw ni Greg sa sofang tinutulugan niya pakaliwa at pakanan. Hindi ito makatulog.

Bumangon siya at planong silipin saglit si Maria sa loob ng kwarto. Nang mabuksan ng nito ang pinto ay nagtaka siya dahil wala sa kama si Maria.

"hindi pa ba siya natutulog? " tanong sa isip ni Greg.

Dahan dahan siyang pumasok at hinagilap ng mga mata niya si Maria hanggang sa nakita niya ito sa labas ng terrace ng kwarto. Naglatag roon ng tulugan si Maria.

"haist pambihira ka talaga.. Siguro ako ang kailangan mag adjust kapag mag asawa na tayo." sa isip ni Greg habang pinagmamasdan ang pagtulog ni Maria.

Kinuha ni Greg ang blanket nito sa sofa at ikinumot kay Maria.

"sweet dreams mahal ko.. " sambit niya.

Bumalik na si Greg sa sofa at doon lamang siya dinalaw ng antok.

Makalipas ang dalawang oras, hindi mapakali si Maria sa kinahihigaan nito. Sumisigaw siya pero hindi siya makasigaw. Gusto niyang kumilos pero hindi niya maikilos ang katawan niya. Panay luha lang ang lumalabas sa mga mata niya.

Dinadalaw nga siya ng masamang panaginip ni Lionel.

Puwersahan siya nitong hinubaran matapos maigapos nito ang kaniyang mga kamay at paa. Naglabas siya ng injection at saka itinurok sa kaliwang braso niya.

"ibang serbisyo naman ngayon ang gagawin mo Maria.. " bulalas ni Lionel sa kaniya.

"maawa ka kay Ramjid.. Wag mo siyang idamay dito.. " pakiusap niya rito.

Kanina lang ay kasama niya si Ramjid pero pinaghiwalay sila nito. Bago siya kinaladkad sa isang kwarto nakita niyang pinaghahampas ng kahoy si Ramjid ng apat na lalaki.

"yong lokong yon?! Bakit ba panay ang tanggol mo sa piping yon! Sa kaniya mo ba binigay ang pagka birhen mo? Alam mo lugi nga ako sa Sultan nyo e, ang sabi niya dalaga ka at virgin walang duda! Pero mali siya! Kaya papatayin ko ang lalaking kumuha non sa'yo!" galit na sabi nito.

Napansin ni Maria na hindi na niya maikilos ang katawan niya.

Nagpumilit siyang pigilan si Lionel.

"w-walang ki kinala laman dito si Ram jjid.. M-aawa ka sa kaniya.. " pati sa pagbuka ng kaniyang bibig ay hirap na siyang makapagsalita.

"alam mo Maria.. Kamukha mo ang babaeng mahal ko kaya swerte mo at buhay ka pa rin. Kaya pumayag ka na na maging asawa ko. Tutal naman hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses ng may nangyari sa atin..." pag amin nito.

"ba...Ba..kit hi hi hin di a ako ma maka k-kilos?" sambit ni Maria.
Insultong tumawa si Lionel.

"mamanhid ka sa loob ng dalawang oras Maria. Hindi mo maikikilos ang anumang bahagi ng katawan mo. Pero alam mo ba kung anong mas exciting dito. Hindi ka makakakilos pero mararamdaman mo ang lahat ng mangyayari sa'yo mamaya.. At mamaya babalikan kita.. " bulong niya saka tinanggal ang tali sa kamay at paa niya.

May kinuha si Lionel sa mesa. Isang maskara at isinuot ito kay Maria. Kaya't wala ng makita si Maria.

"maawa ka sa akin.. " Nagpupumilit niyang sigaw pero wala ng lumalabas na boses sa kaniya. Pati ang dila at bibig niya ang hindi na niya maigalaw.

Makalipas ang isang oras. Nagbukas ang pinto. Naramdaman nga ni Maria na may humahaplos sa kaniyang buong katawan hanggang sa may pumaibabaw na sa kaniya. May humahalik sa kaniyang leeg paibaba niya. Naramdaman niyang iginala ng lalaking ito ang kaniyang mga hayok na halik sa kaniyang dibdib.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon