Masakit pa ang ulo ni Greg nang gumising ito. May hang over pa sa kalasingan niya sa buong magdamag. Hinanap niya ang anak niya sa tabi Niya at sa bawat sulok ng kubong tinutuluyan pero wala ito. Nagtataka rin sya dahil wala ang ingay ni Isaac. Bumalik Siya sa kaniyang papag at nakita niya sa sahig ang Isang papel.
Kumaripas Siya nang takbo palabas ng kubo nang mabasa ang sulat ni Isaac.
Kinabahan siya nang makitang wala ang dalawang bangka. Hindi Niya malaman kung Anong gagawin dahil sa pag aalala Niya sa anak.
"Relax Greg...calm down.. You have to think" saway nito sa sarili.
Nadako ang tingin sa napakalawak na dagat. Umusal Siya ng dasal. Hanggang sa napalingap siya sa Tower at nagdesisyong gamitin na ang isa sa mga helicopters nito.
Katatapos lamang maligo ni Maria nang makita ang cellphone nito na maraming missed calls mula sa numero ng presinto sa Sulu.
Inisip niyang importante ito kaya't hindi na muna siya nagbihis ng damit at tumawag sa numero.
"Hello.. " sagot niya.
"Kumusta Maria?..." malambing na boses mula sa taong isinumpa na niya.
Nangilabot si Maria. Nabitawan niya ang cellphone nito. Dahil nagbalik ang boses ng isang demonyo.
Nalaglag ito sa kama niya. Tinitigan ang patuloy na tawag sa cellphone niya. At alam niyang hindi Siya nananaginip.
Dahil napakatahimik narinig Niya muli ang boses sa cellphone niya.
"Ipinahanap kita kung saan-saan, dito lang pala ulit kita makikita?..." insulto ni Lionel.
Hinaplos niya ang nasa sinapupunan niya at inisip ang mga ngiti ni Jeziah. Pinayapa niya ang sarili. Huminga nang malalim at pinakalma ang mabilis na pagtibok ng puso. Saglit na naalala niya ang sinabi ni Greg.
"Tingnan mo lang ako sa mga mata ko Maria at mawawala ang takot mo.." nilukuban siya ng matapang na tinig ni Greg.
Nakita niya agad si Greg sa harap niya habang inulit muli ang mga salitang iyon. Tumango at ngumiti si Maria. At may naramdaman siyang kalakasan.
Saka nagbuga siya ng hangin at hinarap ang sitwasyon. Pinulot Niya ang cellphone. Ini-record din niya ang tawag.
"Mananagot ka sa batas, mabubulok ka sa kulungan hayop ka!" sagot ni Maria sa kabilang linya.
Natahimik saglit si Lionel dahil hindi niya inasahan ang matapang na sagot ni Maria.
Nagpatuloy si Maria.
"Haharapin Kita at ipapaalam sa buong bansa ang pagiging demonyo mo!" gigil na sabi Niya.
Humalakhak si Lionel.
"Ang tapang mo na ngayon Maria? Sinong ipinagmamalaki mo?-- yong Teacher mo sa Sulu? Akala mo ba maproproteksyunan ka ng mahinang yon? ---Babalik ka sa akin Maria. Dahil akin ka lang!" buo at makapangyarihan ang pahayag niya.
Napalunok si Maria.
"Papatayin Kita kapag hindi ka pa tumigil na gawan ako ng masama. Isinusumpa ko sa pangalan ng mga magulang ko, gagawin ko yon sa'yo!" pagdidiin ni Maria.
Mas nakakainsultong tawa ang itinugon ni Lionel.
"Tingnan natin ang tapang mo sa sasabihin ko sa'yo? Alam mo bang hawak ko ang Tatay mong si Robert?" insultong pagtatapat niya.
Napahinto si Maria sa napakinggan. Nagsimula ulit siyang kabahan.
"A-anong s-inasabi mo??" aniya.
BINABASA MO ANG
KADENA_DE_AMOR
Romance"Mahirap magmahal ng taong ayaw mahalin siya.." "Habang pinipigilan niyang mahalin ko siya, mas lalo ko tuloy siyang minamahal" "Sinubukan ko namang iwasan siya, kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya pero nahuhulog pa rin ako sa kaniya" "Bakit...