Kadena 41

53 6 0
                                    

"Ano bang sinasabi mo Maria? " seryosong tanong ni Greg sa kaniya.

Lumapit siya sa dalawa.

"narinig ko ang usapan ninyo.. " sabi niya.

Napasilip si Manang Delia sa kanilang apat kaya't sumenyas si Greg kay Samuel na palabasin  muna niya si Manang Delia.

Naunawaan naman agad ang ibig sabihin ng kaibigan kaya't niyaya niya si Manang Delia na bumili kunwari ng ice cream. Nang makaalis ang dalawa saka nagsimulang magsalita si Greg.

Pinatay muna ni Greg ang sigarilyo niya.

"kung narinig mo yong usapan namin pwes ayoko! " diin ni Greg.

"alam ko ayaw mong maging asawa ako.. Pero nakikiusap ako.. Ako na lang kunin mo. " giit ni Maria.

"hindi yon ang ibig kong sabihin. Ayoko dahil babayaran ko ang babaeng magpapanggap na asawa ko.. Ibig sabihin non, gagamitin ko lang siya para makuha ang mana ko. Naintindihan mo ba?." seryosong paliwanag ni Greg.

Sinagot agad ito ni Maria.

"alam ko.. Naiintindihan ko.. " muli niyang giit.

Nainis si Greg kaya't naihampas niya ang mga kamay sa mesang nasa veranda.

"naiintindihan mo pala e! Ayokong gamitin kita!  Ayokong gumawa ka ng desisyon na labag sa kalooban mo! At lalong ayokong pagsamantalahan ang sitwasyong mayroon ka ngayon! " halata ang galit sa tinig niya.

"pero gusto ko Greg.. Nakikiusap ako. Ako na lang ang gawin mong asawa.." makaawa niya.

"Hindi Maria. You deserve more than this. You're a very special girl.  And I won't allow what you want to happen. " huling sabi niya at nilisan si Maria.

Nagtungo siya sa kwarto nito pero sinundan siya ni Maria.

"pakinggan mo naman ako.. Pakiusap.. " habol ni Maria.

Isinara ni Greg ang pinto. Nang marating ito ni Maria agad siyang kumatok.

"Makinig ka naman.." makaawa niya ulit.

"Maria sinabi ko ng hindi. " inis niyang sabi habang nakatalikod sa pinto.

Narinig niya ang pag iyak ni Maria.

"magiging mabuti akong asawa pangako, Ipapakita ko na karapat dapat akong maging asawa mo, gagalingan ko ang pagpapanggap.. " hikayat ni Maria.

Nang marinig ito ni Greg napainom siya ng tubig na kinuha niya sa side table ng kama niya. Nakainom tuloy siya ng marami nito.

"bakit mo ba yan sinasabi?  Hindi ba pwedeng totohanin na lang natin to??" sa loob loob ni Greg.

Panay ang katok ni Maria.

"Ako na lang Greg.. Pakinggan mo naman ako..wag ka ng kumuha ng iba" pakiusap niya muli.

"Oh my God Maria.. " sambit niya at bumalik sa pinto.

"gagawin ko lahat para maging asawa mo.. " makaawa ni Maria.

Para namang kinukurot ang puso ni Greg sa sinasabi ni Maria.

Binuksan ni Greg ang pinto.

"Bakit mo yon gagawin?" agad niyang tanong.

Humugot muna ng hinga si Maria saka nagpaliwanag.

"tama kasi yong sinabi ni Dok Samuel. Hindi ko mababayaran yong utang ko kahit anong gawin ko pang kayod sa pagkakatulong.. Alam ko rin naman na magkakaroon ka ng asawa, anak at magkakapamilya ka. Hindi mo ako sagutin kailanman. Gusto ko rin ng sariling buhay. Tumayo mag isa. Magkaroon ng sariling buhay. Makaalis sa pudir mo at hindi habambuhay ay maging responsibilidad mo pa.." seryoso niyang sabi kay Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon