Kadena 81

51 4 0
                                    

Matapos makapagbihis ni Greg ay dumiretso na siya sa meeting place ng mga inutusan niyang umareglo sa gusot ni Mitch.

Sinundan naman siya ni Grace.

Ibinigay ang perang kabayaran sa mga kausap at isinakay naman niya sa sasakyan ang anak ni Mitch.

Nanlaki ang mga mata ni Grace nang may batang isinakay si Greg.

"You have a child Greg?.. " gulat niyang tanong sa sarili.

Sinugurado niyang naka seatbelt ang bata sa tabi ng driver's seat para sa proteksyon nito.

Nakarami na ng kuha ng picture si Grace bago pa humarurot ang sasakyan ni Greg.

Dumiretso siya kay Mitch para ibigay ang anak nito. Para pumayag si Mitch sa plano nito ay kailangan niyang mabawi ang anak nito sa sindikato.

"I know how you play things ninong Ed but you have no idea how  I play games like what you have.. " sambit niya.

Sinundan pa rin siya ni Mitch kahit pa hindi maalis ang pagtataka nito kung bakit may anak ito sa ibang babae.

"sinong babae ang ina ng batang yan? Maybe that's the reason why you had a fight with Maria last night? You're really a playboy Greg.." hindi siya makapaniwalang hayag sa sarili nito.

Inisip niyang hindi katanggap tanggap ito para kay Maria pero mas nanaig ang kagustuhan niyang nangyari ito sa mag asawa dahil malaking pagkakataon na ito para bumalik muli si Greg sa kaniya.

"I'll show these evidences I have to Maria.. I'm sure she will never ever love you anymore Greg.. " naiisip na plano ni Grace.

Bago bumaba ng sasakyan si Greg ay nag obserba siya sa paligid. Gusto niyang masiguradong walang sinuman ang makakagulo ng plano niya. Napansin niyang may kotseng naka park di kalayuan sa likuran niya. Sinipat ni Greg ang kotseng pamilyar sa kaniya.

Dahil may photographic memory si Greg. Sunod sunod niya itong nakita sa alaala niya.

Nakita na niya ito sa bahay ni Grace noong pinuntahan niya ito para makipag ayos sa kaniya, ito rin ang sasakyang ilang beses na niyang dinala sa mansyon ng Lola niya at napasadahan din ng mga mata niya kaninang umaga nang umuwi siya sa Lola niya.

"and what are you doing here Grace?.. " sambit ni Greg.

Hindi muna siya bumaba ng sasakyan para makapag isip ng plano. Ilang mga minuto nga, binuhat na niya ang batang sa tingin niya ay nasa dalawang taong gulang na. Sinulyapan niya saglit ang sasakyan ni Grace bago niya ini lock ang pinto ng sasakyan niya.

Pumasok na siya ng gate, inutusan niya ang gwardiya ng gate na umalis sa puwesto niya at hayaang nakabukas ang gate. Sinunod naman agad ito ng gwardiya.

Mabilis niyang inihatid ang anak ni Mitch sa kwarto nito. Inutusan niya ang katulong na kasa kasama ni Mitch na mamalagi lang sa loob ng kwarto. At maaari na niyang kalagan ng tali ang mga kamay at paa ni Mitch. Inutusan niya si Mitch ng kaniyang mga sasabihin kapag tinanong na siya ni Grace. Sigurado siyang ilang minuto pa ay makakapasok na si Grace sa loob ng sala kaya't umupo na siya sa sofa na nakaharap sa pinto ng bahay.

At hindi nga nagtagal ay nakapasok na si Grace. Mabilis naman siyang sinalubong ni Greg.

Ikinagulat naman ni Grace ang ginawang pagsalubong sa kaniya ni Greg.

"how long you have been following me? You proved to me how desperate you are to have me again in your life? " bungad ni Greg.

Napalunok si Grace sa diretsang tanong sa kaniya ni Greg.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon